
- Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, umupo na bilang hostile witness sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte
- Ikalawang mosyon ni Revilla para mag-inhibit si Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda, hindi pinagbigyan
- Tigil-pasada, inihinto ng MANIBELA para sa dayalogo sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board; kilos-protesta naman ng PISTON, tuloy

Itinanggi ni US President Donald Trump na napag-usapan nila ni Chinese President Xi Jinping ang posibilidad na magbenta ang Estados Unidos ng armas sa China.
Salungat ito sa naunang pahayag ni US Ambassador to China David Perdue na tinanong umano ni Trump si Xi kung nais nitong bumili ng US weapons.

Itinaboy ng Philippine Coast Guard ang isang Chinese maritime militia vessel at 24 na maliliit na bangka o sampan na namataang nangingisda sa territorial waters ng Kota Island sa Kalayaan Island Group.

Pinasinungalingan ng Malacañang ang mga bali-balitang sinusuportahan umano ng administrasyon ang posibleng tambalan nina Naga City Mayor Leni Robredo at dating Senador Manny Pacquiao sa 2028 elections.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala siyang nalalamang sinusuyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Mayor Robredo para tumakbo bilang pangulo at si dating Senador Pacquiao bilang kanyang bise presidente sa susunod na halalan.

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang ikalawang mosyon ni dating Senador Ramon Bong Revilla na mag-inhibit si Associate Justice Karl Miranda sa paghawak sa kanyang kasong malversation.