
Pinagtalunan ng House prosecution team at defense counsel ni Vice President Sara Duterte ang testimonya ng financial forensic analyst na si Atty. Alexander Cabrera.
Hiniling ni House prosecution panel member at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa impeachment court na burahin sa record ang pahayag ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison kaugnay nito.

Totoo bang kayang tunawin ng coconut water ang kidney stones? Alamin ang katotohanan sa likod ng paniniwalang ito.

Nagkusang mag-anunsyo ng ceasefire si United States President Donald Trump sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kapansin-pansin din ang pag-ikot ng kumpiyansa ni Trump na dati ay nagpapakita ng suporta sa Ukraine pero ngayon ay nakasalig na sa Russia, lalo't may napagkasunduan nang delivery ng langis ang Washington at Kremlin.

Hiniling ni Ombudsman Crispin Remulla sa Korte Suprema na muling suriin ang main plunderer doctrine.
Sa ilalim nito, kailangang matukoy ang utak ng plunder case upang magkaroon ng conviction.
Ayon kay Remulla, nagiging hadlang ito sa pagpapapanagot sa mga nagkasala ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.