
Bagama’t nagdududa kung susunod ang Russia sa tigil-putukan, nagpahayag ng suporta ang Kyiv sa energy ceasefire na inanunsyo ni U.S. President Donald Trump.
Gayunman, ilang oras lamang matapos ang deklarasyon, muli nang naglunsad ang Moscow ng drone attacks sa mga energy facility ng Ukraine.

Tiniyak ng pamunuan ng Saudi Arabia ang malakas at seryosong pagganti matapos ang magkakasunod na pag-atake ng Houthi rebels sa King Khalid International Airport sa Riyadh, na ikinasawi ng ilang sibilyan.
Nananatiling sarado ang nasabing paliparan dahil sa matinding pinsala at patuloy na banta sa seguridad bunsod ng mga pag-atake.

Hinamon ni Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na maglabas ng ebidensyang magpapatunay na pagmamay-ari ng mambabatas ang sinasabing luxury resort sa Samal Island.

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na mapangahas at mapanganib ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng umano’y ugnayan niya sa pamahalaan at mga korporasyon sa China.
Hayagan ding sinabi ng bise presidente na wala nang maaasahan at nanganganib ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos Jr.

Handa na ang defense team ni Vice President Sara Duterte na iharap ang kanilang mga ebidensya at testigo.
Ito ang iginiit ng depensa matapos iharap ng prosekusyon ang huli nitong testigo kahapon, October 12.