Saving lives is not just a duty for us, but a lifetime commitment.
Tulong Muna Bago Balita is UNTV’s public service initiative that puts people first.
During accidents and emergencies, we prioritize immediate assistance over news coverage.
It reflects the network’s core value of placing human life and safety above all else.


Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang dalawang pasyente na makauwi sa kani-kanilang bahay matapos ma-discharge mula sa ospital.
Isa sa kanila ay lalaking may sakit sa puso, habang ang isa naman ay bagong opera at nangangailangan ng tulong sa pag-uwi.

Nirespondehan ng UNTV NAR first responders ang isang siklista matapos mabangga ng motorsiklo sa Marikina City.
Samantala, isang menor de edad sa Quezon City ang tinulungan ng team na madala sa ospital dahil sa nararanasang lagnat at pananakit ng dibdib.

Nakiusap ang isang residente sa Brgy. Pinsao, Baguio City sa UNTV News and Rescue na madala ang kanyang asawa na stroke patient sa ospital. Agad namang rumesponde ang rescue team at inihatid ang pasyente nang ligtas.

Isang lalaking nahirapang huminga ang isinugod sa ospital matapos bumaba ang kanyang oxygen level.
Agad na tumugon ang UNTV News and Rescue sa hiling na patient transport upang maagapan ang kalagayan ng pasyente.

Sugatan ang isang food delivery rider matapos makabanggaan ang isa pang motorcycle rider sa Caloocan City.
Agad namang nakasaklolo ang UNTV News and Rescue team na naka-duty sa rescue base malapit sa pinangyarihan ng aksidente.