Saving lives is not just a duty for us, but a lifetime commitment.
Tulong Muna Bago Balita is UNTV’s public service initiative that puts people first.
During accidents and emergencies, we prioritize immediate assistance over news coverage.
It reflects the network’s core value of placing human life and safety above all else.


Isang tanker truck ang tumaob sa Limay, Bataan matapos masiraan ng preno. Kapwa sugatan ang driver at ang pahinante ng truck na agad namang nalapatan ng paunang lunas.

Dalawang aksidente sa motorsiklo sa Sorsogon at Negros Occidental ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team.
Limang indibidwal ang tinulungan ng team matapos magtamo ng mga sugat sa magkahiwalay na insidente.

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa SUV sa Quezon City dahil sa sobrang antok.
Samantala, nasugatan din ang isang bumberong rumesponde sa sunog sa Marikina City.
Kapwa nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima.

Dalawang senior citizen ang nabigyan ng emergency transportation assistance ng UNTV News and Rescue sa magkahiwalay na insidente sa Pampanga at Sorsogon.

Mabilis na rumesponde ang UNTV News and Rescue sa insidente ng banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Butuan City.
Dalawang indibidwal ang sugatan sa insidente.