World class passenger terminal sa Manila North Harbor, bukas na sa publiko

admin   •   October 9, 2013   •   7293

Ang North Port Passenger Terminal (UNTV News)

Ang North Port Passenger Terminal (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pormal nang binuksan ngayong araw, Miyerkules ang North Port sa Manila North Harbor sa Pier 4 sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya, inihambing nito ang North Port sa iba pang modernong passenger terminals sa ibang bansa.

“Ang pormal na pagbubukas ng bago at world class na North Port Terminal na ito ay patunay na hindi magpapahuli ang Pilipinas pagdating sa mga moderno at dekalidad na pasilidad,” anang kalihim.

Ang North Port ay may fully air-conditioned passenger terminal building, may maayos na ticketing area, concessions, shipping line offices at scan and shoot booth, clinic, fully operations x-ray machines at maayos na comfort rooms at may kuwartong puwedeng paglaruan ng mga bata.

Mayroon din itong malawak na parking area na may sukat na 2,000 square meters.

Itinuturing ang North Port na isa sa major maritime gateways kasama ng Manila South Harbor sa Pier 15.

Dahil sa malaking pagbabago sa naturang pantalan, inirekomenda ni Abaya sa pamunuan ng pier na anyayahan ang mga mag-aaral sa elementarya at high school na magsagawa ng field trip dito.

Ani Abaya, “One small recommendation I said to Mike was try to have elementary kids and high school to come over and have their field trips here in that way they’ll get a very good first impression and see it in a different light like guys like us.”

Umaasa naman ang kalihim na mamantine ng maayos ng North Harbor Port Incorporated ang magandang imahe ng pier.

Ayon kay Manila North Harbor Dr. Michael “Mikee” Romero, mas magiging mabilis na ang palitan ng kalakal dahil sa bagong terminal, at makakatulong ito ng malaki sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

Ilang pasahero sa Manila Port, stranded dahil sa kakulangan sa requirements

Robie de Guzman   •   March 25, 2021

MANILA, Philippines – Aabot sa 100 pasahero ang stranded ngayon sa pantalan sa Maynila matapos silang pagbawalang bumiyahe dahil sa kakulangan sa travel requirements.

Nagbabakasakali ang ilan sa mga pasahero na makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya matapos mawalan ng trabaho at kabuhayan sa gitna ng pandemiya.

May ilan pang nagbenta na ng kanilang kagamitan kaya wala na silang babalikan pang bahay sa pinanggalingang lugar sa Metro Manila.

Ngunit pagdating sa Manila North Harbor, hindi sila pinayagang makapasok dahil sa ipinaiiral na travel restrictions at requirements sa mga lugar na kanilang pupuntahan.

Ayon kay Vicky Versoza, isa sa mga stranded na pasahero na pauwi sana sa Bacolod, hindi sila pinayagang makasakay ng barko dahil wala silang maipakitang negatibong resulta ng RT-PCR test para sa COVID-19.

“Kasi po wala kaming swab test na requirements. Yun kasing hinahanap doon sa Bacolod. Eh wala naman po kaming perang pang-swab,” ani Versoza.

Ang iba namang pasahero ay hindi pinayagang umalis dahil hindi tumatanggap ngayon ng returning residents ang kani-kanilang lalawigan.

“Kala ko makaalis na. Eh binenta na namin mga gamit. Eh di wala na kaming babalikan doon. Eh wala kami pambayad na upa na. Eh layo pa, Binangonan. Ubos na pera pati yung budget. Mga limang araw na po. Pang anim na bukas. Baka mamatay kami sa gutom, hindi sa COVID,” ang wika ng pasaherong si Erlindo Luntayao.

Paliwanag naman ng Philippine Ports Authority (PPA), mahigpit ang pagpapatupad nila ng mga patakaran, gaya ng travel requirements, na ibinaba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Hindi rin nila pinapayagang makapasok o manatili sa loob ng terminal ang mga stranded na pasahero dahil na rin sab anta ng COVID-19.

Payo ng PPA sa mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa mga lokal na pamahalaan ng lugar na kanilang pupuntahan upang malaman ang mga dokumentong kailangang ihanda bago ang nakatakda nilang pagbiyahe.

“Yung mga papuntang Palawan, nirerequire kasi ng provincial government ng Palawan dapat APOR (Authorized Person Outside of Residence) lang dapat ang papasakayin at pabababain,” ang pahayag ni Jay Santiago, ang general manager ng PPA.

“Yung papunta sa probinsya sa Region 6, nagkaroon sila ngayon ng moratorium so hindi muna sila tatanggap ng inbound passengers. ‘Yun namang papunta sa Zamboanga, nirerequire ng LGU Zamboanga na yung mga dadating doon ay mayroong negative PCR result,” dagdag pa niya.

Ayon sa PPA, kung hindi aalis ang mga stranded na pasahero sa labas ng pier ay isasangguni nila ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development upang mailipat sa mas ligtas na lugar. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nuñez)

Budget delays to blame for SEA Games mishaps

Marje Pelayo   •   November 26, 2019

MANILA, Philippines – Lawmakers are pointing fingers as controversies plague the Philippines’ hosting of the 30th Southeast Asian (SEA) Games.

One-Pacman party-list Rep. Mikee Romero pointed at the Senate for not immediately passing the budget for the regional games which, according to him, was released only in May 2019.

“The challenge really is the budget of SEA Games was delayed for six months, so everything else was catching up after that,” Romero noted.

As a result, games organizers had a hard time catching up with all the preparations.

“If they had approved it and the budget was already available last January, all of these mishaps might not have happened,” Romero said in a separate interview.

House Speaker Alan Peter Cayetano shares similar views with Romero.  

According to the Philippines SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman, Senator Franklin Drilon was partly to blame for the matter.

Tama po ang sinabi kanina ni Deputy Speaker Mikee Romero (What Deputy Speaker Mikee Romero said earlier was true). It was Senator Drilon who moved the budget of the SEA Games to the PSC (Philippine Sports Commission),” Cayetano said.

“And it was Senator Drilon who proposed cutting it by 33% only a few months, before […] Pero siya ang nagli-lead ng criticisms (But he is the one leading the criticisms),” the House Speaker added.

But Drilon was quick to counter Cayetano saying his accusation was baseless.

He said it was actually the unconstitutional insertions of the Lower House that caused the delays in the passage of the entire 2019 National Budget.

Had it not been for the deliberations of the senators, the National Budget could have had hidden pork barrels, according to Drilon.

“Kung pinayagan po nating makalusot itong P95.3 billion pork barrel, kaya nitong punuin yung P50-million kaldero sa SEA Games,” Drilon said.

Senator Panfilo Lacson couldn’t accept that they were being blamed for the issue.

“No way. Hindi naman kami ang cause ng delay (We did not cause the delay),” Lacson said.

Ang naka-cause ng delay iyong P75 billion na insert pa ng (The cause of delay was the P75B insertion of the) House even after we both ratified the bicam report. So hindi dapat kami ang ituro (We shouldn’t be blamed),” he added.

On the other hand, Romero said mishaps and glitches are common even in other countries when hosting such a big sporting event as the SEA Games.

Being an athlete himself, Romero said other countries also have lapses when it comes to providing for the needs of the delegates.

The lawmaker also urged PHISGOC to work double time to keep things in place so that all athletes and guests can finally settle and focus on the games.

“It’s nothing new (but) we played gracious hosts,” Romero said.

“I challenge PHISGOC and everyone else, they have to double time our work, we have to be hospitable,” he concluded. MNP (with details from Vincent Arboleda)

Sen. Escudero, nagbigay ng pahayag ukol sa umano’y kontrobersiya sa COMELEC sa kanyang pagbisita sa Davao City

admin   •   January 11, 2016

FILE PHOTO: Senator Francis 'Chiz' Escudero (WILLIE SY / Photoville International)

FILE PHOTO: Senator Francis ‘Chiz’ Escudero (WILLIE SY / Photoville International)

DAVAO, Philippines — Bumisita ngayong araw ng Lunes dito Lungsod ng Davao si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero. Kasabay nito, sinagot ng senador ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang running mate na si Sen. Grace Poe; ang pagfa-file ni COMELEC Comissioner Rowena Guanzon ng unauthorized comment sa Korte Suprema tungkol sa diskwalipikasyon ni Poe at ang panawagan ng senadorang tanggalin sa pwesto si DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya.

Ani Sen. Escudero, “Ibabalik ko ang tanong kay Commissioner Guanzon, sino ang inaabogado nya? Who is she lawyering for? Maliwanag hindi siya awtorisado ng COMELEC para mag-comment, maliwanag hindi galing sa en banc ang kanyang authority mag comment.”

Napabalitang sinabi umano ni Commissioner Guanzon na hindi sya tauhan ni Chairman Bautista kung kaya’t wala syang obligasyon magpaliwanag dito ngunit hindi sang-ayon dito ang running mate ni Sen. Grace Poe na si Sen. Chiz Escudero.

“Oo nga’t hindi sya under kay Chairman Bautista, tulad ko, hindi naman ako under kay Chairman Drilon pero tulad nya at tulad ko, myembro kami ng isang collegial body kung saan hindi namin pwedeng i-represent ang institusyon na kinabibilangan namin nang walang authority,” dagdag pa ni Escudero.

Samantala suportado naman ni Sen. Escudero ang panawagan ni Sen. Poe na alisin sa tungkulin si DOTC Sec. Abaya.

“Trapik ang pier, trapik ang airport, may laglag-bala pa, riles ng tren parating palpak at parating tumititigil, sa kalye naman walang sticker at plaka yung mga may-ari ng sasakyan. Tila walang tinamaan kahit na isa doon si Sec. Abaya,” ani Sen. Chiz.

Sa pahayag naman ni Pangulong Aquino na may bahid ng pulitika ang pagpapaalis kay Secretary Abaya, ito ang naging pahayag ni Escudero.

“Politics is the art of convincing people, bakit hindi nila makumbinsi ang tao na maganda ang trabahong ginagawa ni Sec. Abaya? Kung meron naman talaga, walang rason para hilingin ang kanyang pagbibitiw.”

Binigyang diin ni Escudero na ang pagpapaalis kay Abaya sa tungkulin ay dapat na labas sa pagiging magkaibigan o sa pagiging magkapartido. (JOIE DOMINGO / UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.