VP Binay, umaasang magkakasundo rin sina Sen. Pimentel at Zubiri

admin   •   June 19, 2012   •   873

“We are hoping is, si Migz at saka si Koko will continue to run under the slate of UNA.”– Vice President Jejomar Binay (UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines —  Malaki ang tiwala ni Vice President Jejomar Binay na bago dumating ang 2013 elections ay magkakabati na sina  Sen. Koko Pimentel at dating Senador Juan Miguel Zubiri.

Ito ang pahayag ng Bise Presidente matapos tumanggi si Senador Pimentel na makasama sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ang dating senador na si Migz Zubiri.

Isang party to party agreement aniya ang dahilan kung bakit napabilang si Zubiri sa possible senatorial line up ng UNA para sa 2013 elections at hindi personal na pasya ni Binay.

“Eh, si Migz, nominee ngayon ng PMP eh, in accordance with that agreement ay kailangan tanggapin ng alliance yun. Pero, I’m hopeful and happy na, at least, itong sagutan na yan may ceasefire. Eh di magkakausap usap na, I think we can resolve it,” ani VP Binay.

Paniwala ni Vice President Binay, malaking tulong para sa isang partido at pakikinabangan ng mga taga-Mindanao kung magkakasama ang dalawang senador na mula sa Mindanao at pareho pang mananalo.

“We are hoping is, si Migz at saka si Koko will continue to run under the slate of UNA.”

Ipinagtanggol din ni Vice President Binay ang pasya ng partidong isama si Zambales Congresswoman Mitos Magsaysay sa kanilang senatorial slate sa kabila ng kilala itong kabilang sa oposisyon.

“Huwag tayong madala dun sa interpretasyon ng  oposisiyon kasi ang tingin sa oposisyon eh masama. Tingnan lang natin ang nature ng oposiyon. Ang nature ng oposisiyon is a constructive fiscalizer,” pahayag ng Ikalawang Pangulong bansa. (Ito Ang Balita ni Louelle Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.