Currency
    September 24, 2017, Sun, 02:07 AM
    Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

    VP Binay: Maganda pa rin ang relasyon namin ni Pangulong Aquino

    by UNTV News   |   Posted on Friday, February 1st, 2013

    FILE PHOTO: Si Vice President Jejomar Binay at si President Benigno S. Aquino III sa kanilang pagdalo Joint Philippine Economic Briefing and Regional Development Council Meeting sa Cagayan de Oro City noong March 23, 2011.  (Photo By Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau)

    FILE PHOTO: Si Vice President Jejomar Binay at si President Benigno S. Aquino III sa kanilang pagdalo Joint Philippine Economic Briefing and Regional Development Council Meeting sa Cagayan de Oro City noong March 23, 2011. (Photo By Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau)

    MANILA, Philippines — Naniniwala si Vice President Jejomar Binay na hindi maaapektuhan ng iba’t ibang isyu kaugnay ng nalalapit na halalan ang magandang relasyon nila ni Pangulong Noynoy Aquino.

    Sa isang panayam, pinabulaanan mismo ni Binay ang isyu na sumasakay ang kaniyang partido sa popularidad ni Pangulong Aquino.

    Muling binigyang diin ng bise presidente na ang kanilang partido na United Nationalist Alliance (UNA) ay may sariling pamamaraan ng pangangampanya.

    “Kami daw ay may political color… sinasabi na namin we are the new opposition, an opposition who will be supportive which the presidents’ is undertaking,” pahayag ni VP Binay.

    Naniniwala rin si Binay na maganda pa rin ang relasyon nila ni Pangulong Aquino sa kabila ng mga naglalabasang television ads ng UNA at ng Liberal Party (LP) na may magkaibang tema ng pangangampanya.

    Pahayag pa ni Binay, “I think the President was clear in his statement, wala naman kaming pinagdedeperensyahan.” (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)

    Tags: , , , ,

    Leave a Reply

    Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.