VP bid ni Duterte sa 2022 polls, hindi iligal pero pananaw ng publiko ikukunsidera – Malakanyang

Robie de Guzman   •   September 28, 2021   •   332

MANILA, Philippines – Iginiit ng Malakanyang na walang lalabagin sa Saligang Batas ang posibilidad ng pagtakbo bilang bise presidente ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na 6 sa 10 Pilipino ang naniniwalang labag sa Konstitusyon ang vice presidential bid ng pangulo.

Sa survey na ginawa mula Hunyo 23 hanggang 26 sa 1,200 respondents, lumabas na 60 porsiyento o 6 sa 10 Pilipino ang naniniwalang labag sa Konstitusyon ang kandidatura ng pangulo.

Lahat ng respondents sa major regions sa bansa ay ganito ang sentimyento. Hindi rin nagkakalayo ang opinion ng mga mahihirap, nasa katamtamang kalagayan at hindi mahirap ang pamumuhay.

Lumabas din sa SWS survey results na pinakamataas sa mga nagsabi na labag sa Konstitusyon ang kandidatura ng pangulo ay ang mga pinaka-hindi nasiyahan sa kanyang performance.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ipinagbabawal sa batas ang planong kandidatura ng pangulo bilang bise-presidente ngunit nakikinig naman aniya ito sa boses ng masa.

Kaya ang panawagan nito sa publiko, hintayin na lamang ang pinal na hakbang ng presidente sa Oktubre 1 hanggang 8 kung kailan nakatakda ang panahon para sa pagsusumite ng certificates of candidacy ng mga nagnanais kumandidato sa 2022 elections.

“Pero masasabi ko lang po, sensitibo po ang presidente sa pulso ng taumbayan, hintayin na lang po natin ang kaniyang pinal na desisyon,” ani Roque.

Noong Setyembre 23, pormal na nilagdaan ng pangulo ang certificate of nomination and acceptance para sa kanyang pagtakbo bilang bise presidente sa ilalim ng PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ngunit bago pa man ito, marami nang personalidad at grupo ang nagsabing labag sa batas ang VP bid ng pangulo. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

DILG warns poll bets vs paying ‘permit to campaign’ fees to communist rebels

Robie de Guzman   •   October 13, 2021

MANILA, Philippines – The Department of the Interior and Local Government (DILG) on Wednesday warned all candidates in the 2022 national and local elections against paying the so-called permit to campaign fees to the communist rebels.

In a statement, DILG Secretary Eduardo Año reminded candidates of the Memorandum Circular 2019-26, which calls this modus operandi as a “clear form of extortion and defilement of the sanctity of the right to suffrage.”

“Huwag po tayong magpaloko at matakot. Ang ibabayad n’yong extortion money sa mga komunista ay gagamitin din nila para makapaghasik ng terorismo sa bansa,” he adds.

In the said directive, Año enjoined local government units (LGUs) and the Philippine National Police to ensure that all candidates are allowed unhampered entrance in every LGU and guarantee peace and order in all areas especially those considered as hotspots for insurgency.

“All local officials should steer clear of directly or indirectly giving financial, material and political support to the CPP-NPA since this is a clear violation of law. This is something that the DILG under my leadership will never tolerate,” he said.

LGUs are also directed to ensure that all citizens desiring to exercise their right to suffrage are allowed and encouraged, and their rights are protected when participating in political assemblies and meetings and in the dissemination and receipt of information of any and all election-related matters.

“We must secure all candidates and political parties and ensure that they are given access to the electorate during the campaign period without intimidation and manipulation from communist terrorist groups,” he said.

The DILG said it will file disqualification cases against candidates who will be proven to have supported and cooperated with the Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

“Supporting communist terrorist groups through financing or other means is an election offense and is sufficient to cause the disqualification of a candidate,” DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya said in the same statement.

“We will follow through on our words, those politicians who will be proven as accomplices of the CPP-NPA will face disqualification cases from the DILG,” he said.

The DILG also cited Section 4 of Republic Act (RA) 10168 known as ‘The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012’, which states that any person who finances terrorist groups to carry out or facilitate the commission of any terrorist act, by a terrorist organization, association or group, or by an individual terrorist, shall be guilty of the crime of financing terrorism.

Malaya said that under RA 10168, the crime of financing terrorism is punishable by the penalty of reclusion temporal in its maximum period to reclusion perpetua and a fine of not less than Five hundred thousand pesos (P500,000) to not more than One million pesos (P1,000,000).

Such is also punishable under Section 261 of the Omnibus Election Code of the Philippines which can render the accused “permanent disqualification to hold public office” with imprisonment of one to six years, he added.

 

Immigration personnel barred from engaging in political activities – Morente

Robie de Guzman   •   October 13, 2021

MANILA, Philippines – The Bureau of Immigration (BI) on Tuesday reminded its employees to refrain from actively engaging in partisan political activities whether offline or on social media.

In a statement, Immigration Commissioner Jaime Morente said that employees are prohibited from campaigning actively and soliciting votes and support for their election bets as mandated by the law.

“This election season, as public servants, we are expected to remain politically neutral as this is mandated by law,” he said.

The 1987 Philippine Constitution defines election campaign or partisan political activity as “any act designed to promote the election or defeat of a particular candidate or party to public office.”

Morente also said that the mere wearing of shirts, caps, or pins showing the names and faces of the candidates is prohibited according to advisories from the Civil Service Commission and the Commission on Elections.

“This shall cover all our employees, whether they are permanent, or contractual,” he added.

He also reminded BI employees to “adhere to the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees with respect to their actions online, and use good judgment in sharing information.”

Morente warned that officers found engaging in partisan political activities will be penalized with one month and one day suspension to six months for the first offense.

Pangulong Duterte sa mga ayaw magpabakuna vs COVID-19: ‘Turukan habang tulog’

Robie de Guzman   •   October 12, 2021

MANILA, Philippines – Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 upang agad nang maabot ng bansa ang minimithing herd protection laban sa nakakahawang sakit.

Ginawa ng pangulo ang apela sa gitna ng marami pa ring bilang ng mga Pilipinong ayaw magpabakuna sa kabila ng pagdating ng mga suplay sa bansa.

 Kung ayaw magpabakuna, sinabi ng pangulo na dapat hanapin ang mga ito sa bawat barangay at “turukan habang tulog.”

“Alam ko marami pang ayaw eh. Iyan ang problema ‘yung ayaw, ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin ‘pag tulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ‘yung istorya. Eh kung ayaw, eh ‘di akyatin sa bahay eh, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano — I will lead the journey,” ang wika ng pangulo sa kanyang recorded na Talk to the People noong Lunes ng gabi.

Sa ngayon ay pinalalawak na ng pamahalaan ang coverage ng mass vaccination sa bansa.

Sa Biyernes, Oktubre 15, ilulunsad na ang pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17 na may co-morbidities saw along ospital sa Metro Manila.

Sinisimulan na rin ang pagbabakuna sa general adult population sa ilang lugar.

Nasa 23 milyong Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 26 milyon naman ang nakatanggap ng unang dose mula nang simulan ang vaccination program noong buwan ng Marso.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.