Turismo sa Boracay Island, unti-unti nang sumisigla

Robie de Guzman   •   November 2, 2021   •   508

Umabot sa 2,371 na mga turista ang pumasok sa Isla ng Boracay noong Sabado, Oktubre 30 kasunod ng pagluluwag sa travel restrictions sa gitna ng pandemya.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Malay, ito ang pinakamaraming bilang ng mga turistang dumating sa isla sa loob ng isang araw buhat nang muli itong buksan sa mga turista noong Oktubre.

Kahit required pa rin ang swab test sa mga fully vaccinated, pinakamarami pa rin sa mga dumating na bisita ang mula sa National Capitol Region na sinundan ng mga taga-Aklan at Iloilo City.

Umaasa ang Department of Tourism na mas marami pang mga bakasyunista na mula sa Luzon at ibang lugar ang bibista sa isla kapag tuluyan nang inalis ang swab test requirement.

“Sa ngayon talagang still we are emphasizing for the health and safety protocols ng mga tourist natin, as well as paunti-unting bumabangon yung ekonomiya natin,” ani Felix Delos Santos Jr., ang Malay Chief Tourism Operations Officer.

Pinalawig na rin ang curfew hours sa Boracay. Mula sa dating alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ay gagawin na itong alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Layon nito na mas masulit ng mga turista ang kanilang bakasyon at mas ma-appreciate ang ganda ng Boracay.

Mas mahaba na rin ang night life para sa mga bakasyunista pero bawal pa rin ang disco bar.

Umapela naman ang Philippine Chamber of Commerce Aklan chapter na mas palawigin rin ang business operating hours sa isla upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga negosyante na makabawi.

Samantala, titiketan ang mga turista sa isla ng boracay na hindi sumusunod sa minimum health protocols na ipinapatupad ng IATF.

Pagmumultahin ng P2,500 ang mahuhuling walang suot na facemask.

Walang maaaring idahilan ang mga turistang mahuhuli dahil mahigpit itong ipinaalala sa kanila bago makapasok sa isla na nakasaad sa bagong IATF resolution.

Pagpapababa sa presyo ng RT-PCR test pinag-aaralan ng DOH

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung maaaring mapababa ang presyo ng RT-PCR o swab test sa gitna ng lumulobong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng reklamo sa mataas na presyo ng test at dami ng mga nagpapasuri.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, inaalam na nila ang paraan kung paano mapapamura ang presyo ng swab test upang hindi gaanong mabigatan ang bulsa ng mga Pilipino.

Noong Setyembre 2021, sinabi ng DOH na dapat ay naglalaro lang sa P2,000 hanggang P3,000 ang presyo ng RT-PCR test sa mga pampubliko at pribadong laboratoryo.

Mula ito sa dating presyo na P3,000 hanggang P5,000.

Swab test sa mga turista, muling ipatutupad sa Boracay Island

Robie de Guzman   •   January 6, 2022

Muling ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang negative RT-PCR testing bilang requirement sa lahat ng mga bibisita sa Boracay Island.

Epektibo ito simula sa araw ng Linggo, Enero 9.

Sakop ng polisiya ang ang lahat ng bisita, bakunado man o hindi kontra COVID-19.

Ang RT-PCR test requirement ay muling ipapatupad sa gitna ng dumarami na namang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong nakaraang taon ay inalis ang nasabing requirement para sa mga bisita dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 at pagtaas ng bilang ng mga nababakunahan.

PNP chief tests positive for COVID-19

Maris Federez   •   January 4, 2022

MANILA, Philippines — The Philippine National Police (PNP) on Tuesday confirmed that PNP chief PGen. Dionardo Carlos has tested positive for COVID-19.

In a statement released to the media, the PNP said that Carlos is suspected to have acquired the Omicron variant.

“Last Sunday evening, 02Jan22, I subjected my close-in security, staff, and myself to RT-PCR (Reverse transcription-polymerase chain reaction) tests due to reports of fever and chills experienced by my White House personnel,” Carlos said in a statement.

“Unfortunately, I too, tested positive including my duty driver and aide who were with me in the van Sunday morning,” he added.

Carlos said he also experienced fever, chills, and body sweats Sunday evening. He, however, said only his lower back pain remained come Monday.

As of Tuesday, Carlos confirmed that his temperature and other vital signs are normal. —/mbmf

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.