Tatlo sa anim na choke point sa EDSA, bahagyang lumuwag — HPG

admin   •   September 7, 2015   •   2877

Ang area ng Bagong Bario sa Caloocan kung saan dinadaluyan ng mga sasakyan mula sa NLEX at mga sasakyang patungo at mula sa Balintawak Market na isa sa mga choke point na napaluwang ng HPG sa unang araw ng pagmamando nito sa daloy ng trapiko sa EDSA nitong Lunes, Setyembre 07, 2015. (Rovic Balunsay / Photoville International)

MANILA, Philippines — Malinis na sa mga traffic obstruction ang tapat ng Balintawak Market simula nitong umaga ng Lunes.

Wala na ang mga truck na nagbababa ng mga paninda at wala na rin ang mga sidewalk vendor na araw-araw ay nakikita sa palengke ng Balintawak.

Isa ang Balintawak sa anim na choke point na babantayan ng Highway Patrol Group araw-araw sa pag-asang maibasan ang trapik sa EDSA.

Sa pangkalahatang assessment ng HPG sa unang araw na pagmamando sa EDSA, tatlo sa anim na choke point ang bahagyang lumuwag ang trapiko.

Kabilang dito ang Balintawak, Guadalupe at Taft Avenue.

Ayon kay HPG Director C/Supt. Arnold Gunnacao, 80 percent ng mga motorista ang sumunod sa batas trapiko sa unang araw ng kanilang pagmamando ng trapiko sa EDSA.

“So far we have seen improvement with regards to the travel time at least 10 minutes but based form the feedback more than 10 minutes na save nila… We will try to improve that all the way from Monumento up to Pasay City.”

Simula Martes naman ay manghuhuli na ang HPG sa mga pasaway na driver. Wala umano silang sisinuhin kahit na mataas na opisyal pa ng gobyerno.

Anang HPG chief, “Yung mga huli huli (this Monday) i-sinantabi muna, we gave them warning and by tomorrow (Tuesday) you expect some apprehensions.”

Nakikipag-ugnayan na rin ang HPG sa lokal na pamahalaan ng San Juan upang maalis ang mga nakaparadang sasakyan sa tapat ng La Salle Greenhills na nagiging sanhi ng pagbagal ng daloy ng sasakyan sa lugar.

Gayunpaman, may ilan ring umangal tulad na lamang ni Aling Baby Hutalan (pasahero) sa unang araw ng pagdestino ng HPG sa trapiko management sa EDSA.

“Araw-araw kami bumibiyahe kaya nahihirapan kame, doon kasi talaga ang sakayan namin imbes na konte lang ang pamasahe namin nadaragdagan.”

Aminado naman ang HPG na hindi nila kayang maibsan ang trapiko sa EDSA sa loob ng isang araw lamang kaya humingi pa sila sa publiko ng hanggang isang linggo o higit pa dahil sa bandang huli sila rin naman ang makikinabang.

“Unti-unti the leeway that I can give myself is 10 minutes improvement in travel time. Kapag gumanda, OK lang. Pero i-improve ng iimprove yan, hopefully, with the cooperation of police, commuters and drivers,” pahabol ni HPG C/Supt. Arnold Gunnacao. (GRACE CASIN / UNTV News)

TAGS   , ,

DPWH to conduct weekend road reblocking in EDSA

Aileen Cerrudo   •   April 8, 2021

MANILA, Philippines—The Department of Public Works and Highways (DPWH) on Thursday (April 8) announced it will conduct a road reblocking along EDSA beginning Friday (April 9).

The DPWH advised motorists to avoid areas along EDSA Muñoz, in front of East West Bank & Floor Center, Shell, Goodyear, Shell Select & Skymart and take alternative routes.

The road re-blocking will begin on April 9 at 11:00 p.m. until April 12. All affected roads will be passable at 5:00 a.m. on Monday.

Mga bibiyahe sa probinsiya para sa long holiday, mahigpit na babantayan – HPG

Robie de Guzman   •   March 31, 2021

MANILA, Philippines – Mahigpit ang panawagan ng pamahalaan sa publiko, partikular na sa mga residenteng nasa NCR Plus bubble, na umiwas sa pagbiyahe habang ipinaiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sa ilalim ng ECQ, mga mahahalagang biyahe lang ang papayagan at mga authorized person outside of residence (APOR) lang ang maaaring umalis ng kanilang mga tahanan.

Ginawa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang paalala matapos makatanggap ng ulat ukol sa mga pasaherong dadagsa umano sa mga terminal upang umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya para sa long holiday.

Ayon kay PNP-HPG director Police Brigadier General Alexander Tagum, mahigpit nilang babantayan ang bus terminals at border checkpoints sa Metro Manila upang matiyak na pawing APOR lang ang mga pasahero.

“Magsisismula na po mag-uwian ang mga mamamayan ng National Capital Region na uuwi po sa kani-kanilang probinsya dahil po sa Holy Week,” ani Tagum.

Noog Martes, sorpresang nag-ikot ang mga tauhan ng PNP-HPG at Department of Transportation (DOTr) sa ilang terminal sa Metro Manila at inalam kung may dala ang bawat pasahero na identification card o company ID na nagpapatunay na otorisado silang bumiyahe.

Kung may pasaherong hindi otorisadong bumiyahe, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor na kailangan silang pababain dahil paglabag ito sa mga patakarang inilatag ng Inter-Agency Task Force.

“Pababain ho sila at hindi ho hayaang bumiyahe upang masigurado po natin na ma-achieve natin yung very purpose nitong ECQ natin, which is to limit mobility po ng mga taong hindi dapat lumabas,” ani Pastor.

Paalala rin ng mga otoridad sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan na sumunod sa 50 percent passenger capacity at health protocols sa public transport gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at one-seat apart rule.

Maaaring patawan ng kaukulang multa at kumpiskahin ang lisensya ng mga tsuper na lalabag sa naturang mga patakaran kahit na pasahero ang sumuway sa protocols. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

EDSA Carousel Bus Augmentation to roll out over Lenten break as MRT-3 closes for maintenance

Aileen Cerrudo   •   March 25, 2021

MANILA, Philippines— Public utility buses (PUB) will be deployed from March 30 to April 4 along EDSA as Metro Rail Transit-3 (MRT-3) and the Department of Transportation (DOTr) launch the EDSA Bus Carousel during the Lenten break.

MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati assured that there will be enough buses for passengers when MRT-3 temporary closes for its annual maintenance.

Augmentation buses will  traverse the MRT-3 routes from 5:00 a.m. to 10:00 p.m. beginning March 30 to April 4.  Normal train 0perations will resume on April 5.

MAHALAGANG PAALALA

EDSA Carousel Bus Augmentation, ilulunsad sa MRT-3 Holy Week Maintenance Shutdown

Ikinakasa na ng…

Posted by DOTr MRT-3 on Wednesday, March 24, 2021

“Ipatutupad ang tigil-operasyon sa buong linya ng MRT-3 upang magbigay-daan sa taunang masinsinang maintenance rehabilitation activities ng rail line, (MRT-3 will suspend its operations to give way to its yearly maintenance rehabilitation activities)” the advisory reads.

The maintenance will include turnout replacements, point machine installation, and realignment of CCTV units in every station. AAC

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.