Sputnik V COVID-19 vaccine, maaaring ibigay sa A1-A3 sectors – DOH

Robie de Guzman   •   May 3, 2021   •   113

MANILA, Philippines – Lahat ng mga indibidwal na nasa A1 hanggang A3 category ng COVID-19 vaccination plan ng pamahalaan ay kuwalipikadong tumanggap ng bakunang gawa ng Gamaleya Research Institute, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isang online briefing, ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring ibigay sa lahat ng age group ang Sputnik V COVID-19 vaccine batay sa indikasyon nito.

Ang A1 ay tumutukoy sa healthcare workers, A2 ay pawing mga senior citizen, habang ang A3 naman ay mga taong may iba pang karamdaman o co-morbidity.

“Ang NITAG po kapag nagbigay ng indikasyon ang FDA through the emergency use authority, yan po ang ina-adopt natin. Hindi tayo nagbabago diyan not unless there are specific na kailangan pag-aralan based on evidence na existing,” ani Vergeire.

Noong Sabado, Mayo 1, dumating sa bansa mula sa Russia ang unang 15,000 doses ng Sputnik V vaccine. Sinasabing 91.6 percent ang efficacy ng bakunang ito.

Tig-3,000 doses ang ibinigay sa limang lungsod sa Metro Manila na kinabibilangan ng Makati, Maynila, Taguig, Parañaque at Muntinlupa.

Una nang sinabi ng DOH na ang limang nabanggit na lungsod muna ang binigyan dahil may storage facility ang mga ito para sa -18 degrees Celsius na requirement ng bakuna.

Ayon kay Vergeire, maaaring simulan ang pagbabakuna gamit ang Sputnik V vaccine sa mga susunod na araw.

Aniya, sa mga natukoy na pasilidad sa Makati Coliseum, Lakeshore Vaccination Hub sa Taguig, at Ayala Mall Manila Bay sa Parañaque isasagawa ang pagbabakuna.

Sa Sta. Ana Hospital at Ospital ng Maynila naman isasagawa ang sa Maynila, at sa Ospital ng Muntinlupa at Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa.

Tiniyak rin ni Vergeire na inihahanda na ang rational na storage at distribution process sa iba pang lalawigan para sa karagdagan pang doses ng Sputnik V vaccine na inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

“Mayroon naman po tayong mga storage facilities na may mga ganitong kakayanan doon sa mga major regions natin na urbanized katulad ng Davao, ng Cebu, Region 4A, Region 3 and Region. Meron na ho tayong kausap na na logistical firms kung saan they have that capacity to transport these kinds of vaccines,” ang wika ng opisyal.

“We would like that we can see how are we going to manage it properly, to store it properly and to distribute it properly… Titingnan natin ang experience natin diyan at kung mayroon tayong kailangan i-improve, i-improve natin,” dagdag pa niya.

Nitong May 1, nasa 1.93 milyon na ang nabakunahan sa priority sectors sa bansa. Mahigit 284,000 rito ang nakatanggap na ng pangalawang dose. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Enrile advises Duterte to ignore critics of foreign policy; keep friendly approach on West PH Sea issue

Robie de Guzman   •   May 18, 2021

MANILA, Philippines – Former Senate President Juan Ponce Enrile advised President Rodrigo Duterte not to mind people who are criticizing his foreign policy, particularly on the issue involving China and the disputed areas in the West Philippine Sea.

During Duterte’s pre-recorded public address late Monday, Enrile told the president to just let his critics ramble on and to not engage them on the issue.

“That’s the best thing Mr. President. Pabayaan mo na lang sila,” Enrile said.

“After all Mr. President, you are only responsible to the Filipino people, and you are not responsible to any specific person for your foreign policy. Yours is to protect the interest of the nation and its people in the best way you can,” he added.

Duterte invited Enrile to Malacañang to speak on the issue concerning West Philippine Sea, the role in the issue of some officials, particularly former Senator Antonio Trillanes and former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, and why the Philippines lost access to the Scarborough Shoal during the Aquino administration.

“Alam na ngayon ng mga tao kug bakit hindi ako sumasagot. This is the best advise that I got ngayong gabing ito,” Duterte said.

“I hope that we would be able to weather any trouble with China now and in the future for as long as it’s very dangerous for us,” he added.

Earlier in the conference, the 97-year old former lawmaker also advised Duterte to keep his “friendly” approach towards China and the issue on the West Philippine Sea.

“Hindi dapat gamitin ang mainit na kaisipan na kagaya ng mga kritiko natin. Dapat balance lang ang approach natin at mahinahon,” he said.

“Kailangan na friendly ang approach natin diyan, hindi assertive and aggressive approach sapagkat kapag hindi tayo magkakaunawa sa China ay madadamay ang interes ng ating mga kababayan, ang ating ekonomiya, pati na rin ang ating seguridad dito sa usapin na ito,” he added.

Duterte thanked Enrile for his advise, reiterating that he prefers to talk with China instead of using force to defend the Philippine sovereignty.

Umano’y nasayang na supply ng COVID-19 vaccine sa Cotabato, iniimbestigahan na — DOH

Robie de Guzman   •   May 17, 2021

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang napaulat na pagkasayang umano ng supply ng COVID-19 vaccine na ipinadala sa bayan ng Makilala sa Cotabato.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 348 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang umano’y nasayang matapos mapabayaan sa loob ng freezer nang magkaroon ng power outage sa lugar.

Paalala naman ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan na bantayang maigi ang kanilang COVID-19 vaccine supply upang matiyak ang wastong temperature sa pag-iimbak nito.

“Hindi lang po isang beses isang araw ang ginagawang pagmo-monitor ng temperatura ng bakuna. Ito po ay ginagawa kada apat na oras,” ani Vergeire.

Nakipag-ugnayan na aniya sila sa lokal na pamahalaan kaugnay ng insidente.

“As to the sanctions, they were already advised and the local government has been coordinated with by our regional Office,” ang wika ni Vergeire. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

Philippines records 5,979 new COVID-19 cases

Robie de Guzman   •   May 17, 2021

MANILA, Philippines – The Philippines’ cumulative tally of novel coronavirus disease (COVID-19) cases climbed to 1,149,925 on Monday after the Department of Health (DOH) reported 5,979 additional infections.

In its latest bulletin, the DOH said the number of active cases has reached 54,235 of which 93.3 percent are mild; two percent are asymptomatic; 1.25 percent are moderate; 2 percent are severe and 1.4 percent are in critical condition.

The DOH said five laboratories failed to submit data on time.

Total recoveries climbed to 1,076,428 after 6,602 more patients survived the viral respiratory disease.

The death toll rose to 19,262 with 72 new fatalities.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.