Currency
    September 24, 2017, Sun, 02:23 AM
    Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

    SONA ni Pangulong Noynoy Aquino, Masusi nang Ibinabalangkas

    by admin   |   Posted on Monday, July 16th, 2012

    FILE IMAGE: President Benigno Aquino III’s 2011 State of the Nation Address (UNTV News)

    MANILA, Philippines — Inaayos na ngayon ang ika-limang draft ng State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III na maririnig sa ika-23 ng Hulyo.

    Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, 22 sa 32 panukalang batas na binanggit ni Pangulong Aquino sa nakaraan nitong SONA ang umabante na sa Kongreso at higit 10 naman ang nasa ikatlo at final reading na.

    Mahigit 400 sundalo naman ang itatalaga sa Batasan Complex para tiyakin ang seguridad at kaayusan sa SONA.

    Ayon naman sa militar, wala silang intelligence report na may banta sa seguridad sa SONA at pawang mga kilos-protesta lang ang kanilang inaasahan. Gayunman, nakaantabay pa rin ang mga awtoridad para sa mga grupong posibleng magsamantala sa sitwasyon. ((UNTV News)

     

    Tags: ,

    Leave a Reply

    Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.