Senate president Drilon, nanawagan sa DBM na i-release na ang mga dokumento ukol SARO na may kaugnayan sa DAP

admin   •   July 22, 2014   •   3121

Senate president Franklin Drilon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Alang-alang sa sinasabing transparency ng pamahalaan, dapat ilabas ng Department of Budget and Management (DBM)  ang record kaugnay mga pinag-gastusan ng Disbursement Acceleration Program o DAP.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, public record ito kaya may karapatan din ang mga mamayan na magkaroon ng access sa mga dokumento.

Sinabi ni Drilon na ang malawakang auditing ng COA ang makapagpapatunay kung ginastos ang pondo ng DAP sa tama. Pabor dito ang ilang senador.

“I support the call of the senate president na i-release yung mga SARO’s na napunta sa mga legislators upang makita ng taumbayan kung saan ito napunta at di lang yan kundi manawagan tayo ng special audit ng COA para siguraduhing na-implement ang mga proyektong ito”, pahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV.

“The burden of proof is on them. Sila humawak ng record, wala naman kami hawak. The burden is on the DBM but we can always request COA to counter check”, saad naman ni Sen. Serge Osmeña.

Pinabulaanan naman ni DBM Secretary Florencio Abad ang ulat na nasa 900 SARO’s ang inilabas ng ahensya para sa mga proyekto ng mga mambabatas.

Ayon sa kalihim, ang bawat alokasyon sa ilalim ng tanggapan ng mambabatas ay ginagamit sa maraming mga proyekto at kasama na rito ang mga state colleges and universities para sa mga scholarship grant.

Kabilang din sa mga binibigyang ng pondo ang mga hospital para sa medical assistance at local government para naman sa mga local infrastructure projects at iba pa.

Bigong akapagsagawa ng pagdinig kahapon ukol sa DAP ang senado dahil sa pakiusap ni Secretary Abad dahil abala siya sa paghahanda sa National Budget at SONA speech ni Pangulong Aquino.

Kaya sa Huwebes, July 24, malalaman kung makadadalo ito o hindi sa itinakdang petsa ng Senate Committee on Finance. (Bryan De Paz, UNTV News)

DBM releases P827 million to replenish quick response fund of gov’t agencies

Robie de Guzman   •   December 29, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Budget and Management (DBM) on Wednesday said it has released a total of P827.18 million to frontline agencies for the replenishment of their respective Quick Response Fund (QRF), in line with the recent onslaught of Typhoon Odette.

In a statement, the DBM said these agencies include the Office of Civil Defense (OCD) with P139.68 million, Philippine National Police (PNP) with P25.0 million and the Department of Social Welfare and Development (DSWD) with P662.50 million.

The budget department said the total funding requirement was charged from the National Disaster Risk Reduction and Management Fund, or commonly known as “calamity fund”.

“This can be used for aid, relief and rehabilitation services for communities affected by natural calamities, among others,” it added.

The DBM said the QRF is a built-in standby fund in selected agencies, which can be tapped to immediately address the adverse effects and damages brought about by catastrophes and crises.

When the QRF gets depleted, the concerned agencies may request for augmentation of funds to the DBM through a special budget request and subject to the approval of the Office of the President, it added.

In total, the DBM said it has released P2.83 billion as of December 27, 2021 to both national and local governments to fund their respective programs and projects intended to assist areas hard-stricken by Typhoon Odette.

Additional P1 billion released to LGUs hit by Odette – DBM

Robie de Guzman   •   December 29, 2021

MANILA, Philippines – The Department of Budget and Management (DBM) on Wednesday said it has released an additional P1 billion to local government units (LGU) in areas devastated by Typhoon Odette.

In a statement the DBM said the additional budget was released to the following areas to aid them in addressing the damage caused by Typhoon Odette:

  • Region IV-B (P84.38 million)
  • Region VI (P248.35 million)
  • Region VII (P202.66 million)
  • Region VIII (P115.43 million)
  • Region X (P84.37 million)
  • Region XIII (264.81 million

“The allocations for the respective regions were computed based on the number of affected households and on the proportionate amount of damages incurred by Typhoon Odette on the region’s infrastructure and agricultural sectors, as recently reported by the Department of Social Welfare and Development,” the department said.

“The total funding requirement was also charged from the FY 2021 Contingent Fund and shall similarly be downloaded to the respective authorized government servicing banks of the LGUs by the Bureau of the Treasury,” it added.

The latest release follows the initial P1 billion released by the DBM last week after President Rodrigo Duterte promised to give more funds to LGUs affected by the calamity.

Overall, the department has released P2.0 billion to assist hard-stricken LGUs.

The DBM said it will issue a local budget circular to provide guidelines on the release and use of the financial assistance.

2022 national budget, lalagdaan ni Pangulong Duterte sa Dec. 28 – DBM

Robie de Guzman   •   December 27, 2021

MANILA, Philippines – Posibleng pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martes, Disyembre 28, ang P5.024 trilyong national budget para sa taong 2022, ayon kay acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda.

“If I’m not mistaken, it will be signed tomorrow afternoon,” ani Canda sa isang panayam.

Naniniwala ang budget official na kaunting line items lang ang ivi-veto ng pangulo sa budget measure.

“Pero it’s very few if I’m not mistaken, kasi parang maganda yung mga naipasok ng mga legislators doon sa budget,” ani Canda.

Samantala, P6 bilyong halaga ng pondo ang ilalaan ng gobyerno bago matapos ang taong 2021 para tulungan ang mga biktima ng bagyong Odette.

Aabot sa P1 bilyon ang unang inilabas na pondo ng pamahalaan noong Biyernes, at P1 bilyong piso muli ngayong Lunes. Ang nalalabing halaga ay ilalabas bago matapos ang taon.

“Tapos maglalabas din kami bago matapos ang taon ng 4 na bilyon na ayuda para sa mga local government units na ipahahatid naman nila sa mga mamamayang naapektuhan ng bagyong Odette,” ani Canda.

Oras na mapirmahan ang 2022 national budget, maaari na ring magamit ang pondo para sa mga biktima ng bagyo sa Enero.

Nasa P4 bilyon ang nakalaan para rito sa 2022 national budget.

Isa sa mga dahilan kung bakit napabilis ang pag-apruba ng kongreso sa spending plan sa susunod na taon ay bunsod ng pinsala ng typhoon odette sa ilang bahagi ng bansa. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.