Sen. Enrile, hindi dadalo sa EDSA People Power anniversary

admin   •   February 24, 2016   •   3409

FILE PHOTO: Noong ika-26 taon ng EDSA People Power Revolution noong Feb. 25, 2012, kasama ni President Benigno Simeon Aquino III na gumunita sina Vice President Jejomar Binay, former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada at noo'y Senate President Juan Ponce Enrile. (Photo by Ryan Lim, Jay Morales / Malacañang Photo Bureau).

FILE PHOTO: Noong ika-26 taon ng EDSA People Power Revolution noong Feb. 25, 2012, kasama ni President Benigno Simeon Aquino III na gumunita sina Vice President Jejomar Binay, former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada at noo’y Senate President Juan Ponce Enrile. (Photo by Ryan Lim, Jay Morales / Malacañang Photo Bureau).

PASAY CITY, Philippines — Hindi dadalo si Sen. Juan Ponce Enrile sa pagdiriwang ng ika-30 taon ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa dating defense minister, ang tunay na EDSA People Power ay nangyari noong February 22, 1986 na siyang araw na nagsimula ang demonstrasyon nila laban sa rehimeng Marcos.

“That is not my EDSA. Our EDSA is February 22nd, hindi ba? Ang sigaw ng mga katipunan ay yung ang sine-celebrate, hindi yung katapusan na makokoronahan na yung mga nakoronahan,” pahayag ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Para sa senador ang February 25 ay araw kung saan nagpapahinga na sila.

Ayon kay Enrile ang diwa ng EDSA ay nauwi sa bula sa pagpasok ng sumunod na administrasyon.

“It was a bubble. Evaporated. And it created a problem because the incoming government, put all kinds of structures, political and economic and, so forth, that is now creating this havoc into the country.”

Sa kabila nito, nangako ang beteranong senador na ipagpapatuloy nito ang kanilang malasakit sa bansa.

Kasama ni Enrile sa kudeta laban kay Presidente Marcos ang noo’y si Lt. Col. Gregorio ‘Gringo’ Honasan na nanguna sa Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Para kay Honasan, sa pamamagitan ng EDSA People Power, napatunayan na ang pagbabago ay magagawa kung nagsasama-sama, ngunit hindi ito magagawa sa sandaling panahon lamang.

“So ngayon, 30 years after yung iba nababagalan, yung iba nadidis-appoint pero kami noon as members of the reformed movement which broke away from administration then. Wala naman nagsabi sa amin noon na magiging madali,” pahayag ni Sen. Gringo Honasan.

Inaasahan naman ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbuhay sa isyu sa Martial Law. Ngunit ayon ng senador, ayaw na niyang magpahayag pa ukol sa mga pangyayari noon.

“Eh tapos na yun, eh, hindi na natin… actually, ang iniisip namin talaga kung ano ang gagawin ngayon,” pahayag ng anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)

Ex-Pres. Ramos, PNP Chief Albayalde skip 33rd EDSA People Power rites

Robie de Guzman   •   February 25, 2019

(L-R) Former President Fidel V. Ramos and PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde

QUEZON CITY, Philippines – Former President Fidel V. Ramos skipped the commemoration of the 33rd EDSA People Power Anniversary held at the EDSA People Power Monument on Monday.

The EDSA People Power Commission said that Ramos was supposed to attend this year’s rites but had to beg off due to health reasons.

“We are sad that because of the conditions of his body, he was not able to attend and even his book launching last time in Club Filipino, he was not there as well,” Commission member, Pastor Boy Saycon told media at the sidelines of the ceremony.

“We only ask that everyone must pray for him and we hope he will be here in the future EDSA anniversaries,” he added.

Ramos, one of the key personalities of the bloodless uprising, usually leads the ‘Salubungan’, the traditional reenactment of the 1986 historic meeting of government forces and civilians on EDSA, together with then-Defense Minister Juan Ponce Enrile.

Ramos was the Philippine Constabulary chief during the regime of late President Ferdinand Marcos. His actions, together with Enrile, led to the ouster of the late strongman and propelled Corazon Aquino into presidency in 1986.

Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde also skipped the event and was instead represented by National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.

Eleazar offered no reason for Albayalde’s absence but said that representing the country’s top cop in events like this is no longer new for him.

“Nangyayari naman talaga iyan na may pagkakataon na for several times o dahil sa dami rin ng schedule ng ating Chief PNP ay ako’y inaatasan na mag-represent sa kaniya,” he said.

President Rodrigo Duterte also snubbed this year’s EDSA rites as he has in the past three years. But Malacanang clarified that this has nothing to do with his closeness to the Marcoses, who were ousted by the revolution.

Philippine National Artist Cecile Guidote-Alvarez, meanwhile, lamented the diminishing number of attendees in the annual EDSA People Power Anniversary commemoration.

“Sa palagay ko, dahil maraming masalimuot na suliranin sa ating bansa, lalo na ngayong election time, kaya siguro walang panahon sa ngayon,” she said in her speech when she received the Freedom Award given to select personalities in recognition of their contributions during the peaceful uprising.

“Nguni’t naniniwala ako, hindi maaaring iwaksi sa ating kamalayan ang napakaningning na kaganapan sa buong mundo, na [naging] halimbawa ang Pilipinas sa mapayapang pagtatakuwil ng diktaturya, sa pagbabalik ng demokrasya at hanggang ngayon. Meron mang suliranin at karahasan, tayo ay nakikilaban, patuloy iyan,” she added.

Education Undersecretary Lorno Dig-dino also stressed in her speech the importance of including the lessons of the peaceful revolution in today’s curriculum for the younger generation of learners.

Dig-dino represented Education Secretary Leonor Briones who was invited as the event’s guest of honor.

“The lessons that we learned 30 years ago are lessons that are still very valuable today. Iyong lessons of peace, iyong united effort. Iyong lessons na po iyan ay para sa akin po ay classic lessons, so kahit kalian, kailangan po buhay na buhay ang selebrasyon para buhay na buhay po sa ating lahat at sa mga susunod na henerasyon, matutunan din ang lessons na iyan,” Dig-dino urged. – Robie de Guzman (with reports from Aiko Miguel)

Duterte to snub 33rd commemoration of EDSA People Power Revolution

admin   •   February 20, 2019

FILE PHOTO: President Rodrigo Duterte

QUEZON CITY, Philippines — President Rodrigo Duterte is likely to once again be a no-show at the commemoration of the EDSA People Power Revolution on February 25.

Malacañang said the President is swamped with work that is why there is no chance for him to include the said celebration in his calendar of activities.

This will be the third time that the Chief Executive is not attending the EDSA anniversary rites since he assumed the presidency.

The Palace stressed that the President does not discount the essence of the EDSA People Power, and that his friendship with the Marcos Family has nothing to do with his non-attendance in the event. — Maris Federez (with reports from Rosalie Coz)

Mga karanasan sa panahon ng Martial Law, muling sinariwa ni Pres. Aquino; Pamilya Marcos, tinuligsa

admin   •   February 25, 2016

Si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagbibigay ng pananalita sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. (Benhur Arcayan/ Malacañang Photo Bureau)

Si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagbibigay ng pananalita sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. (Benhur Arcayan/ Malacañang Photo Bureau)

QUEZON CITY, Philippines — Sumentro ang talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III sa paggunita sa ikatlong dekada ng EDSA People Power sa pagbatikos sa naging pamumuno noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at sa pagpapatupad nito ng Martial Law.

“Hayagan kong sinasabi ngayon, bilang bahagi ng henerasyong pinagdusa ng diktadurya: Hindi golden age ang panahon ni Ginoong Marcos. Isa itong napakasakit na yugto ng ating kasaysayan…”

Binatikos rin ni Pangulong Noynoy Aquino si Senator Bongbong Marcos.

“Totoo nga naman po ang kasabihan: Ang kasalanan ng ama ay hindi dapat ipataw sa anak. Pero ang masakit: ‘Yun pong kadugo ng diktador, sa mahabang panahon ay puwede namang sinabing, “nagkamali ang aking ama” o “nagkamali kami; bigyan n’yo kami ng pagkakataong iwasto ito.” Pero isipin na lang po ninyo, ito ang tahasang naging pagsagot niya, “I am ready to say sorry if I knew what I have to be sorry for.”

Inihayag rin ni Pangulong Aquino sa kaniyang talumpati ang kaniyang panghihinayang sa hindi pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso.

Dito sinisi ng Pangulo si Senator Marcos sa pagkabinbin ng BBL.

“Talagang nanghihinayang ako, dahil ang tanging batas na maghahatid ng katarungan at kapayapaan, sadya pa po talagang hinarang. At di po ba: ang BBL, naipit sa Senado sa kumite para sa lokal na gobyerno, na pinamumunuan ni Senador Marcos? Di ba nung pinakahuling araw ng sesyon, tuloy pa rin ang pag-interpellate ni Senador Enrile?”

Ito na ang huling pagdalo ni Pangulong Aquino sa taunang programa sa paggunita sa EDSA People Power Revolution bilang pangulo ng bansa. (BRYAN DE PAZ / UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

(+632) 8920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+632) 8396-8688

ADVERTISE WITH US

(+632) 8 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.