Sen. Bato questions cut in NTF-ELCAC budget

Maris Federez   •   November 12, 2021   •   605

MANILA, Philippines — Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa expressed hope that the 2022 budget of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) will be reverted to the amount originally requested.

On the second day of the plenary debates on the proposed 2022 national budget, Dela Rosa questioned the panel’s move to cut a large portion of the proposed budget for the government’s anti-insurgency task force.

“Kung hindi natin ito magawa, sinong makikinabang nito? Sinong magbubunyi dahil naputol ang ELCAC funds? Hindi ba NPA? Sasaya ang NPA nito,” Dela Rosa said.

“Yung taga bundok masyadong mababa yung kanilang pag-understand sa situation. Baka sabihin nila tayo sa Senado ay pro-NPA. Dahil tinanggal natin ang pondo na nakakapatay sa problema ng NPA,” he added.

On Wednesday, the Senate Committee on Finance that is chaired by Senator Sonny Angara, deducted Php24 billion from the Php28 billion budget of the NTF ELCAC.

The deducted amount was, in turn, added to the special risk allowance of health care workers.

Angara explained that the task force failed to submit a report that will justify their requested budget.

He added that it was only last Monday that the committee received a letter from the task force.

“Pagka hindi po nagrereport ang isang ahensya sa’tin— in fact nag iwan pa nga tayo ng P4 billion, despite not knowing — this is blind allocation in effect,” Angara explained.

“Bago tayo nag-a-appropriate for each agency of government, tinatanong natin: ‘Paano niyo ginagastos yung binigay namin sa inyo noong nakaraang taon?’ Eh, nung tinanong natin ‘yun sa NTF-ELCAC, wala po silang sagot sa atin nung finafinilize natin yung committee report,” he added.

Dela Rosa felt that the NTF ELCAC was singled out in the slashing of the national budget.

“Ang sa’kin lang kung ang gawin nating rason na bakit natin ini-slash because we’re not satisfied about its implementation, marami pang ongoing. And maybe ganun din ang gagawin natin sa lahat ng government agency, pati ang DPWH hanggang ngayon nandoon pa nagsesemento pa sa kalsada. Eh bakit ito pang NTF-ELCAC pa ang ating [binawasan]?” he said.

Angara, however, reasoned that slow-performing government agencies suffer budget cuts.

“Actually, yun po talaga ang ginagawa natin, Your Honor.  ‘Pag mabagal po ang implementation ng isang ahensya, ‘pag mababa po ang utilization, we really cut their budget, Your Honor,” Angara explained.

Meanwhile, Dela Rosa denied allegations that the NTF ELCAC budget will only be used in the elections.

“Kung sabihin naman natin na ito’y baka gagawing campaign war chest ng administration, mali po tayo diyan. Ako po tumakbo ako sa 2019. Nanalo ako bilang senador. Ni piso wala akong natanggap sa Malacañang. Kahit mamamatay man  ako dito sa kinauupuan ko ngayon,” he said. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Harlene Delgado)

2022 national budget, inaasahang lalagdaan ni Pangulong Duterte sa Disyembre 30 — Malakanyang

Robie de Guzman   •   December 29, 2021

MANILA, Philippines — Sa December 30, araw ng Huwebes, na inaasahang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2022 national budget.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, kasama sa schedule ng Pangulo ang paglagda sa pambansang pondo na nagkakahalaga ng P5.024 trilyon.

“Inaasahan natin na tomorrow, naka-schedule po ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 2022 GA (general appropriations) law, as promised. The president will sign this very important measure na ‘di sasapit ang December 31,” ani Nograles.

Oras namang mapirmahan ang national budget, maaari nang magamit ang pondo para sa Odette recovery efforts sa January 3, 2022, ayon sa Malakanyang. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

2022 national budget, patuloy pang binubusisi ni Pangulong Duterte — Malakanyang

Robie de Guzman   •   December 28, 2021

MANILA, Philippines — Patuloy pang binubusisi ng Office of the President ang 2022 national budget kaya hindi natuloy ang nakatakda sanang ceremonial signing nito ngayong Martes.

Pagtitiyak ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, agad pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5.024 trilyong panukalang pondo oras na matapos ang ginagawang review.

“We would want to assure and we assure the public that the budget will be signed. Pipirmahan po ni Pangulong Duterte ang budget for 2022 bago pa man sumapit ang December 31,” ani Nograles.

Aniya, kailangang mapirmahan ang pondo upang matiyak na hindi mag-ooperate ang pamahalaan sa ilalim ng re-enacted budget sa susunod na taon.

Oras na mapirmahan din ang national budget, sinabi ng Malakanyang na maaari nang magamit ang pondo para sa Odette recovery efforts sa Enero. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

2022 national budget, lalagdaan ni Pangulong Duterte sa Dec. 28 – DBM

Robie de Guzman   •   December 27, 2021

MANILA, Philippines – Posibleng pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martes, Disyembre 28, ang P5.024 trilyong national budget para sa taong 2022, ayon kay acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda.

“If I’m not mistaken, it will be signed tomorrow afternoon,” ani Canda sa isang panayam.

Naniniwala ang budget official na kaunting line items lang ang ivi-veto ng pangulo sa budget measure.

“Pero it’s very few if I’m not mistaken, kasi parang maganda yung mga naipasok ng mga legislators doon sa budget,” ani Canda.

Samantala, P6 bilyong halaga ng pondo ang ilalaan ng gobyerno bago matapos ang taong 2021 para tulungan ang mga biktima ng bagyong Odette.

Aabot sa P1 bilyon ang unang inilabas na pondo ng pamahalaan noong Biyernes, at P1 bilyong piso muli ngayong Lunes. Ang nalalabing halaga ay ilalabas bago matapos ang taon.

“Tapos maglalabas din kami bago matapos ang taon ng 4 na bilyon na ayuda para sa mga local government units na ipahahatid naman nila sa mga mamamayang naapektuhan ng bagyong Odette,” ani Canda.

Oras na mapirmahan ang 2022 national budget, maaari na ring magamit ang pondo para sa mga biktima ng bagyo sa Enero.

Nasa P4 bilyon ang nakalaan para rito sa 2022 national budget.

Isa sa mga dahilan kung bakit napabilis ang pag-apruba ng kongreso sa spending plan sa susunod na taon ay bunsod ng pinsala ng typhoon odette sa ilang bahagi ng bansa. (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.