Sektor ng turismo sa Davao city, apektado na rin ng terror threat

admin   •   July 2, 2014   •   4383

City Tourism Office facade(UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines — Ilang araw matapos mapaulat ang umano’y banta sa seguridad sa Davao city,  ramdam na ng mga nasa sektor ng turismo at ekonomiya ang epekto nito sa lungsod.

Ayon sa City Tourism Office, maraming mga scheduled event na isasagawa dapat sa Davao city ang kinansela dahil sa pangamba ng mga organizer.

Ilan sa nakansela ay ang Cebu Pacific One for Juan Awards night na isasagawa sana sa Island Garden City of Samal at isang aktibidad ng USAID.

Una nang naapektuhan ng terror threat ang mga hotel sa lungsod. Daang libong halaga ng mga reservation sa kanila ay kinansela

Samantala nananatili pa ring naka-alerto ang mga otoridad sa lungsod, pangunahin na sa mga checkpoint sa entry points ng Davao city.

Sa checkpoint sa Brgy.Lasang, isa-isang pinabababa ang mga pasahero ng mga bus at van upang inspeksyunin ang mga bagahe at mismong ang sinasakyang bus.

Hinahanapan naman ng lisensiya at rehistro ang mga motorsiklong dumadaan sa checkpoint.

Sa ngayon, hindi pa rin matiyak kung hanggang kailan mananatili ang heightened alert sa Davao city.(Louell Requilman, UNTV News)

Pagbabawal sa non-essential face-to-face gathering sa Davao City, pinalawig hanggang Sept. 2022

Robie de Guzman   •   January 6, 2022

Pinalawig pa ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang pagbabawal sa non-essential physical gatherings sa mga opisina ng gobyerno sa lungsod.

Sa bisa ng Executive Order No. 69 na nilagdaan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, extended hanggang Setyembre ngayong taon ang pagbabawal sa mga non-essential face-to-face events sa lahat ng opisina ng gobyerno dahil na rin sa banta ng paglitaw ng Omicron at iba pang variant ng COVID-19.

Sakop ng kautusan ang mga barangay, local, national government offices, agencies at instrumentalities, gayundin ang Government-owned and -controlled corporations (GOCC).

Layunin ng kautusan na maiwasan ang hawaan at muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Suspendido rin kahit ang mga maituturing na essential activities gaya ng face-to-face trainings at seminars, kung ito ay hindi naman emergency.

Ang pamamahagi ng food o non-food items na walang kaugnayan sa kalamidad at mga emergency na sitwasyon ay dapat ring ipamahagi via house-to-house sa pamamagitan ng contactless delivery.

Ang tangi lamang pinapayagang pagtitipon sa local government agencies ay ang pagsasagawa online ng mga sumusunod na aktibidad:

  • inauguration
  • anniversary
  • thanksgiving
  • ribbon-cutting
  • blessing
  • turnover
  • groundbreaking activity
  • launching program
  • salo-salo
  • birthday
  • press conferences
  • oath taking program
  • photo opportunity
  • retirement honors
  • welcome honors
  • testimonial programs
  • summer outing
  • team building

Sa kasalukuyan ay nasa 79 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Davao City.

Pero pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ang posibilidad ng pagdami ng kaso sa susunod na mga linggo dahil sa kakatapos lamang na holiday season at posibleng pagpasok ng Omicron variant sa lungsod. (mula sa ulat ni Correspondent Lucille Lloren)

US gov’t sends additional P950 million aid for Odette-hit areas

Robie de Guzman   •   December 29, 2021

MANILA, Philippines – The United States (US) government is allocating an additional P950 million ($19 million) in humanitarian assistance for communities affected by Typhoon Odette, its embassy in the Philippines said Wednesday.

In a statement, the embassy said the latest fund allocation brings the total US support to the Philippines to more than P1 billion ($20.2 million).

“The United States is pleased to announce an additional and significant assistance of P950 million, which brings our total amount of aid for Typhoon Odette to over P1 billion,” said U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava.

“We stand steadfast with our longstanding friend, partner, and ally in helping support communities devastated by the typhoon,” she added.

With this assistance, the US gov’t through the US Agency for International Development (USAID) will provide food aid; water, sanitation, and hygiene programs to help keep people healthy; and shelter assistance to meet emergency needs and help affected communities start rebuilding their homes.

“This additional assistance will help deliver food and hygiene supplies, and provide life-saving support to those most in need,” the embassy said.

The P950 million funding is in addition to the P50 million ($1 million) announced earlier this week to support emergency logistics efforts to ensure aid is delivered to those in hard-to-reach areas.

This assistance also builds on the P10 million ($200,000) relief assistance that USAID provided immediately after the storm.

The embassy said Variava plans to visit communities affected by Typhoon Odette and see ongoing U.S. relief activities.

Since 2010, USAID has provided more than P17 billion ($340 million) in disaster relief and recovery aid, and boosted the disaster risk reduction capacity of over 100 cities and municipalities in the Philippines.

 

Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte withdraws COC

Robie de Guzman   •   November 9, 2021

Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte has withdrawn his reelection bid for the 2022 elections.

In a statement posted on Facebook on Tuesday, Duterte confirmed that he has withdrawn his candidacy and nominated Davao City Councilor Melchor Quitain Jr. as his substitute.

“I am deeply grateful to the Dabawenyos for the support they have given me all this time,” he said.

He did not say the reason behind his withdrawal from the vice mayoral race.

“I have no other details to share at the moment. Thank you,” he said.

Early media reports stated that Baste withdrew his candidacy as instructed by his sister, Davao City Mayor Sara Duterte.

Baste, one of President Rodrigo Duterte’s sons, filed his certificate of candidacy for reelection on Oct. 3, while Quitain initially declared his bid to run for a third term as city councilor.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.