Sec. Ricky Carandang, nagbitiw na sa tungkulin

admin   •   December 12, 2013   •   3126

FILE PHOTO: Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang (UNTV News)

FILE PHOTO: Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang (UNTV News)

MANILA, Philippines — Tinanggap na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw sa tungkulin ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala silang detalye sa dahilan ng pagbibitiw ni Carandang.

Pinabulaanan rin ng palasyo ang isyu na hindi na umano masaya ang pangulo sa performance ng kalihim.

“Well he just mentioned that he believes he has done his job, that he would like to return to private sector, and that the he will wander at the ends of the earth, seeking wisdom,” ani Lacierda.

Si PCDSPO Undersecretary Manuel Quezon III ang pansamantalang hahalili sa posisyon ng nagbitiw na miyembro ng Presidential Communications Group habang hindi pa nakakahanap ng kapalit ang Pangulo.

Wala namang ibinigay na pahayag  si Lacierda kung magkakaroon ng pagbabago sa communication group ng pangulo.

Gayunpaman, may ulat na itatalaga si PCOO Secretary Herminio Coloma Jr. bilang Press Secretary.

“Wala pa kaming alam na magiging pagbabago sa istraktura that is something for us to discuss eventually kung meron man,” saad pa ni Lacierda.

Matatandaang, ilang buwan na din ang nakalilipas nang tumayong pangunahing tagapagsalita ng Malakanyang si Secretary Coloma.

Samantala, pormal nang ini-appoint ni Pangulong Aquino si Finance Undersecretary John Philip Sevilla bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Malacañang, hindi idinetalye ang dahilan ni Pres. Aquino upang magtalaga ng bagong hepe ng Bureau of Immigration

admin   •   January 7, 2016

FILE PHOTO: Presidential Communication Operations Office (PCOO)  Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. (UNTV News)

FILE PHOTO: Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Itinalaga na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Deputy Executive Secretary ng Office of the President na si Atty. Ronaldo Geron Jr. bilang bagong hepe ng Bureau of Immigration kapalit ni dating Commissioner Siegfred Mison.

Ayon sa Malakanyang, wala pang detalye sa pagkakatalaga ni Pangulong Aquino kay Atty. Geron sa ahensya.

Pahayag ni PCOO Sec. Herminio Sonny Coloma Jr., “Ang naipahiwatig lang sa atin, hinggil sa opisyal na paghirang na isinagawa kahapon kaya meron na tayong bagong BI Commissioner at tinukoy natin nung mga nakaraang araw na yung performance ng BI commissioner ay subject sa evaluation ng Department of Justice.”

(NEL MARIBOJOC / UNTV News)

Manny Pacquiao, balik pilipinas na

admin   •   May 13, 2015

Ang pagababali-bansa ni People’s Champ Manny ‘Pacman’ Pacquiao, mula sa Esdatos Unidos , 2 linggo matapos ang tinaguriang Fight of the Century kasama sa Floyd Mayweather Jt. sa Nevada. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Alas-tres kwarenta’y singko ng madaling araw nitong Miyerkules nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong sinakyan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao mula sa Los Angeles, California.

Ngayon lang nakauwi sa bansa si Pacquiao dahil kinailangan pa niyang magpa opera sa balikat dahil sa rotator cuff injury matapos ang laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas.

Sa kanyang pagharap sa media, sinagot niya ang ilang katanungan kaugnay ng kanyang injury at resulta ng laban kay Mayweather.

Ayon kay Pacquiao, kumbinsido siyang siya ang nanalo sa laban by two points nang panoorin niya nang paulit-ulit ang recorded version ng mega fight.

Ngunit bilang isang professional boxer, tiwala siya sa desisyon ng referee at judges kaya payo niya sa boxing fans na tanggapin na lamang ang resulta.

Hindi rin niya dinamdam ang pagkatalo kay Mayweather dahil panalo naman siya sa puso ng kanyang mga taga-suporta.

Pahayag ni Manny Pacquiao, “Even if I do not feel well after the third round, fourth round, if we look at it round by round, you’ll see that we didn’t lose. But like I said, we respect the decision of the judges.”

(Kahit hindi na maganda pakiramdam ko sa 3rd round at 4th round, kung titingnan natin kada-round, makikita nyo na hindi tayo natalo. Pero gaya nga ng sinabi ko, dapat respetuhin natin ang desisyon ng mga hurado.)

Payo rin niya sa ating mga kababayan na huwag nang patulan ang mga pasaring ni Mayweather.

Sa ngayon ay wala pa siyang plano sa boxing career dahil focus niya muna ang pagpapagaling sa kanyang balikat.

“I haven’t discussed with anyone about my next fight. My focus right now is my shoulder recovery and make it 100 percent okay, and my focus is on my Congress work and family.”

(Hindi ko pa naitatalakay kanino man ang susunod kong laban. Ako ay nakatuon ngayon sa pagpapagaling ng aking balikat na maging maayos na ito nang 100 porsyento, at ang isip ko ngayon ay nasa trabaho ko sa Kongreso at sa pamilya.)

Samantala, nagsagawa rin ng motorcade si Pacquiao mula Makati hanggang Maynila.

Dito namigay siya ng mga t-shirt at CD sa mga nag-aabang na fans.

Hati naman opinyon ng Filipino boxing fans sa usapin kung dapat pa itong muling lumaban matapos ang operasyon sa kanyang balikat.

Para sa boxing fan na si Oscar Ibarra, “Gusto pa namin siyang bumalik sa boxing sapagkat nakita namin ang kanyang laban halos wala naman siyang naramdamang tama na mabigat.”

(We still want him to return to boxing because we saw that he did not suffer any serious damage from the fight. That’s why he should continue to fight.)

Para naman kay Jesus Robles, “Politics na lang sir, wag nang boxing kasi medyo marami nang nararamdaman si Pambansang Kamao natin. OK na yun para sa atin hero na siya.”

(He should look into politics rather than boxing. He should take a rest because our nation’s fist is having difficulties. He’s done his job. For us, he’s already our hero.)

Personal naman na binati at kinamusta ni Pangulong Aquino si Pacquiao nang mag-courtesy call ngayong hapon sa Malakanyang.

Kasamang sumalubong sa Malakanyang ang ilang miyembro ng gabinete tulad nina Executive Secretary Paquito Ochoa, Communication Secretary Herminio Coloma Jr. (Bernard Dadis / UNTV News)

“White wash” sa resulta ng imbestigasyon ng BOI sa Mamasapano clash, pinabulaanan ng Malacañang

UNTV News   •   March 10, 2015

Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr., Presidential Communications Operations Office (UNTV News)

MANILA, Philippines – “Ngayon, siguro ‘yung pinaka-generous way of looking at it, maraming wishful thinking si Napeñas as opposed to reality. Pero maliwanag sa akin, binola niya ako. Ngayon, ano ho ang responsibilidad ko at this point in time? May kasabihan ho eh: ‘Fool me once, shame on you; fool me twice, shame on me.’ At wala akong balak na ma-‘fool me twice.”

Hindi nagtuturo si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagsasalita sa prayer rally sa Malacañang ground nitong Lunes kaugnay ng posibleng pananagutan ni dating PNP-SAF Director Getulio Napeñas dahil sa naging problema sa koordinasyon sa Oplan Exodus noong Enero 25 sa Mamasapano.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Junior, hindi naman umiiwas si Pangulong Aquino sa mga pananagutan kagaya sa mga nauna na nitong mga pahayag.

“Sa ginawang paliwanag ng Pangulo kahapon (Lunes) , hindi naman ang pangunahing layunin na pagbunton ng sisi sa kaninoman,” saad ni Coloma.

Pinabulaanan rin ng kalihim na may ginagawang “whitewash” o cover-up si Pangulong Aquino sa isyu sa Mamasapano.

Aniya, “Wala pong cover-up at wala namang so called white wash o yellow wash at para namang napakahirap lumugar sa pagitan ng dalawang pananaw na nagsasabi sa isang banda meron daw coverup.”

“Ang nais lang naman natin dito ay malaman ng ating mga mamamayan yung katotohanan at buong kaganapan,” saad pa nito.

Una nang humingi ng tatlong araw na extension ang BOI bago ilabas ang resulta ng imbestigasyon nito sa Mamasapano clash. (Nel Maribojoc /UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.