Ruta ng bus sa EDSA, babawasan simula May 18 – LTFRB

Robie de Guzman   •   May 11, 2020   •   1168

MANILA, Philippines – Babawasan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ruta ng mga bus na dumadaan sa EDSA simula sa May 18.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, simula sa susunod na linggo ay gagawin na lamang 29 ang kasalukuyang 96 routes na dinadaanan ng halos 4,600 city bus units sa Metro Manila.

Ayon kay Delgra, mas mapapabilis nito ang oras ng biyahe at madaragdagan din ang bilang ng mga magagawang biyahe ng mga bus.

Aniya, ang ipinatutupad na community quarantine ay nagbigay ng pagkakataon sa mga otoridad na i-rationalize ang land-based public travel sa Kalakhang Maynila.

“Ang nangyari po, out of 96 routes, 61 of these passes through EDSA. Ibig sabihin po nito, it does not start or end at EDSA… It passes through EDSA and that’s the reason why it’s a daily picture that we see na yung traffic congestion lalong-lalo na sa mga buses, makikita natin sa daan,” ani Delgra.

“We are looking at a system now where there would be a dedicated EDSA Bus Service, where all the other bus routes coming from wherever — north, south, southeast, southwest – will now converge into EDSA as the main corridor,” dagdag pa niya’

Paliwanag naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa ilalim ng bagong sistema, magsisilbi na lamang “connector” ang EDSA at sa designated bus stops na lamang papayagang magbaba at magsakay ng mga pasahero.

“Hindi na rin po pupwedeng every one kilometer, hihinto tayo, no. Kailangan talaga strategic po ang ating paglalagyan na bus stops, para at least matuto talaga ang ating mga kababayan ng tamang disiplina,” ani Jojo Garcia, ang general manager ng MMDA.

Samantala, nanawagan ang LTFRB sa mga kumpanya na maglaan ng shuttle service para sa mga empleyado nitong papayagan nang bumalik sa trabaho sa mga susunod na araw.

Sa pamamagitan nito, sinabi ni Delgra na mas masisiguro ng mga kumpanya na maiibsan ang gastos sa pamasahe at makararating sa oras ang kanilang mga tauhan.

“From a public transport point of view, maiibsan ang pressure ng mga trabahante to take the public transport on the regular route. Kasi dedicated na ‘yung ibabyahe nila mula sa bahay papunta sa kanilang pinatatrabahuan,” ani Delgra.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) hanggang May 15. Sa ilalim nito, suspindido ang pasok sa mga opisina at paaralan pati na ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan; kailangan ring manatili sa kani-kanilang tahanan ang mga taong hindi kabilang sa mga pinapayagang lumabas sa gitna ng COVID-19 crisis.

Hindi pa tiyak kung aalisin o palalawigin ang ECQ sa Metro Manila pagkatapos ng May 15.

Ayon sa Malakanyang, pinag-uusapan pa nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga rekomendasyon ukol sa ECQ. Maaaring ilabas ang desisyon sa linggong ito. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

LTFRB adds 20 more buses to EDSA Busway Carousel

Aileen Cerrudo   •   June 17, 2021

MANILA, Philippines — The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has added 20 more buses to EDSA Busway Carousel.

LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III said this is in response to the long queues brought by the number of passengers wanting to avail of the free ride program launched by the Department of Transportation (DOTr).

“Dumadami talaga ang pasahero, we have to admit that dahil na rin sa libreng sakay. Kung pagpipiliin po ng pasahero kung saan siya sasakay, sa tren ba na may bayad o sa bus na walang bayad especially along EDSA nakakasiguro ako na pipili tayo doon sa walang bayad,” he said.

(The number of passengers is increasing. We have to admit that this is due to the free rides. If passengers will choose between using the train or the free bus, especially along EDSA, I can assure you they will choose the free ride.)

From the previous 41,000 passengers riding the EDSA Busway Carousel daily, the LTFRB reported that it has increased to 182,000 passengers per day.

The agency is also looking into increasing the capacity per bus to accommodate more passengers and help lessen long queues.

Meanwhile, the DOTr is reviewing the possibility of removing the requirement of wearing face shields in buses as long as the other health and safety protocols will still be followed. AAC (with reports from Marvin Calas)

DOTr, LTFRB address concerns over long queues at MRT, EDSA Carousel Stations

Aileen Cerrudo   •   June 15, 2021

MANILA, Philippines—The Department of Transportation (DOTr) and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) said they have taken steps to address the long queues in MRT-3 stations and in EDSA Carousel Stations.

In a Facebook post, the DOTr explained that the long lines were prompted by the heavy rain on Friday (June 11).

Vehicular accidents were also reported which contributed to an unusual traffic build-up. The department also noted that waiting time and queuing  are inevitable especially during rush hour or weekend.

“Lines of commuters at the MRT-3 Ortigas and Ayala stations that Friday night were in normal condition. The commuters in the photos lined-up to board buses at the EDSA Carousel stations, which are also located at the said MRT-3 stations,” the DOTr said.

DOTr Secretary Arthur Tugade has ordered the DOTr Road Sector and the LTFRB to implement protocols to avoid long queues. This includes adding more transport marshals, requesting EDSA Busway Consortium to deploy the maximum number of authorized bus units, and deploy more “rescue skip buses” to congested EDSA Bus Stops to pick up passengers especially during rush hours.

Meanwhile, the DOTr Road Sector, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), and local government units (LGUs) concerned shall likewise meet and further discuss various measures to prevent traffic congestion that affect the operation of the EDSA Busway. AAC

LTFRB reiterates responsibility of bus firms to pay employees’ salaries

Aileen Cerrudo   •   June 9, 2021

MANILA, Philippines—The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) reiterated the responsibility of bus firms to pay the salaries of their employees.

During a public briefing on Wednesday (June 9), LTFRB Executive Director Joel Bolano said the agency is open to helping  drivers coordinate with the Department of Labor and Employment (DOLE) to raise their concerns.

“Iyon pong mga konduktor po natin ay kailangan bayaran para sa kanilang serbisyo. At kung sakali pong may displacement sa kanilang kumpanya pwede po sila i-refer sa DOLE para sa ibang hanaybuhay na pwedeng pasukan,” he said.

(Our conductors should be paid for their service. In case they are displaced by the company, we can refer them to DOLE for other job opportunities.)

A protest was staged on Monday (June 7) by several drivers and conductors, from various bus firms, calling for the release of their salaries. They said the release of their salaries has been delayed for months. AAC

 

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.