Rollout ng 3rd COVID-19 vaccine dose, pinaghahandaan na – DOH

Robie de Guzman   •   October 18, 2021   •   139

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na pinaghahandaan na nito ang roll out ng ikatlong dose ng COVID-19 vaccine para sa mga health worker (A1), senior citizen (A2) at immunocompromised individuals (A3).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang hakbang na ito ay batay sa rekomendasyon ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization ng World Health Organization (WHO) na pagbibigay ng dagdag na COVID-19 vaccine shot sa mga nabanggit na grupo na tumanggap ng Sinovac at Sinopharm brands.

Ngunit para maisagawa ito, sinabi ni Vergeire na kailangang maamyendahan ang emergency use authorization ng mga bakuna sa bansa na ang nakasaad na dosing regimen ay dalawa lamang, at isa naman para sa Janssen vaccine.

“Mangyayari lang po iyan kapag nakapaglabas ang Food and Drug Administration ng emergency use authority. Kung matatandaan natin, ang EUA natin para sa mga bakunang meron tayo ay para lang sa pirimary series natin. Ibig sabihin, dalawang doses for most of the vaccine, and sa isang bakua natin Janssen, it’s just one dose, to get fully vaccinated,” ani Vergeire.

Ipinaliwanag rin ng DOH ang kaibahan ng third dose sa booster dose ng bakuna.

Ani Vergeire, ang third dose ay ibinibigay para sa grupo o populasyon ng mga taong mataas ang risk ng infection at walang sapat na immunity kaya nangangailangan sila ng isa pang dosing regimen ng kanilang natanggap na bakuna.

“Third dose, ito ay ibinibigay as part of the primary series. Kung matatandaan niyo in our list of vaccines that we currently use katulad ng Hepatitis B at iba pa nating bakuna, tatlong doses sila,” paliwanag ni Vergeire.

“As the evidence grow further na nabigyan ng kumpletong ebidensya, naipakita ng bakuna na kapag binigyan ng third dose mas nabo-boost ang immune response ng tao and that is the additional dose,” dagdag pa niya.

Ang booster dose naman ay ibinibigay ilang buwan pagkatapos ng primary dosing kapag bumaba na ang immunity ng isang nabakunahan nito.

“When we talk about boosters, itong nakareceive na ng primary series ng bakuna, ibig sabihin fully vaccinated na at naka-receive na ng dalawang dose o di kaya Janssen ang nakuha mo naka-receive ka na ng isang dose,” ani Vergeire.

Hanggang ngayon aniya ay pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang pagbibigay ng booster shot.

Wala rin pang rekomendasyon ang WHO ukol rito lalo’t limitado pa rin ang supply ng COVID-19 vaccines.

DOH: Philippines now classified at minimal risk for COVID-19

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines ­– The whole of the Philippines is now classified at minimal risk for novel coronavirus disease (COVID-19), the Department of Health (DOH) said on Monday.

DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire said most of the regions in the country have showed decreased average daily attack rate compared with previous weeks.

“Nationally, we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at negative 57% and a low risk average daily attack rate at point 67 cases for every 100,000 individuals,” Vergeire said in a press briefing.

“The National health systems capacity is at low risk. All regions showed decrease in average daily attack rates compared to the previous 3-4 weeks and remained at minimal to low risk case classification,” she added.

Vergeire noted that from the more than 900 average daily cases from November 22 to 29, it declined to an average of 544 per day nationwide.

She said this is lower than the figure recorded in August 2020 and April 2021 when the Philippines reached the peak of cases.

The National Capital Region also remains at low-risk classification with 112 average daily cases recorded from November 29 to December 5.

Death cases also decreased to three during the period of December 1 to 5.

Vergeire said infection rates in most of the regions have been steadily declining compared with previous weeks.

But she urged the public not to be complacent especially during this time when some people gather to celebrate the holiday season.

Vergeire said the public should continue adhering to health protocols as the threat of COVID-19 remains. (with details from Correspondent Aiko Miguel)

Parties ngayong holiday season, gawin online o sa open areas – DOH

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na gawing ligtas ang pagdiriwang ng holiday season sa pamamagitan ng pagsasagawa ng party o pagtitipon online o kaya ay sa labas ng bahay.

Ayon sa DOH, mas mataas ang tiyansa ng hawaan ng virus kung magtitipon ang mga tao sa lugar na kulob at walang maayos na bentilasyon.

Kung may bisitang kamag-anak o mga kaibigan, mas makakabuting outdoor activities ang gawin.

Kung hindi naman kaya ang outdoor celebration ay maaari pa rin namang sa loob ng bahay basta’t nakabukas ang bintana, pintuan at bentilador upang maging maayos ang air flow o daloy ng hangin.

Payo rin ni Dr. Dominic Maddumba, ang OIC-Division chief ng DOH Campaign Strategy Management Division Health Promotion Bureau, dapat ring maglagay ng hand sanitizing station sa lugar kung saan gagawiun ang salu-salo.

“Ngayon pong kapaskuhan ay sulitin an po natin iyong malamig na simoy ng hangin at papasukin natin upang maproteksyonan din tayo at maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19,” ani Maddumba.

“Kung naka-aircon, mas mainam na may hepa filters para sa dagdag na proteksyon para sa inyong kasama, kaibigan at kapamilya,” dagdag pa niya.

Paalalahan rin ang lahat ng dadalo na isuot ng maayos ang kanilang face mask at panatilihin ang pagkakaroon ng physical distancing.

Upang makaiwas naman sa posibilidad na mahawa ng COVID-19, sinabi ng DOH na mas mainam pa ring online na lang gawin ang selebrasyon habang may pandemya para na rin sa kaligtasan ng pamilya. (mula sa ulat ni Correspondent Aileen Cerrudo)

PH gov’t tracing 253 passengers from Africa amid looming threat of Omicron

Robie de Guzman   •   December 3, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine government is tracing and monitoring more than 200 travelers who arrived in the country from African nations in the last two weeks amid the threat of new COVID-19 variant called Omicron, the Department of Health (DOH) said Friday.

Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said they have traced a total of 253 passengers from South Africa who arrived in the Philippines from November 15 to 29.

“BOQ has started to locate these passengers,” Vergeire said in a virtual press forum.

Of the 253 passengers, 249 were returning overseas Filipinos and four were foreigners. Authorities have traced 71 of these individuals.

The number includes three foreigners still in quarantine in Western Visayas after yielding negative test results.

Vergeire said three of these passengers initially tested positive for COVID-19. One passenger came from South Africa, another from Burkina Faso, and the other from Egypt.

She said samples of these travelers may undergo genome sequencing for variant identification.

“We are still processing the batch that we are going to subject to whole genome sequencing for this week. Results might be tonight or maybe tomorrow,” she said.

“Meron pong dumating na 253 from South Africa noong Nov. 15 to 29, may tatlo galing Burkina Faso; and mayroon 541 galing Egypt. Each of these countries nagkaroon ng isang traveler who tested positive for COVID-19,” she added.

The Philippine government banned the entry of travelers – except for Filipino repatriates – from South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, and Mozambique, Austria, the Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, and Italy until December 15 as a precautionary measure against the Omicron variant.

The DOH said the heavily mutated variant and potentially more infectious than other coronavirus variants have now been detected in 35 countries.

The variant was first discovered in South Africa.

It has been designated as a variant of concern but the World Health Organization said further studies are needed to better understand the variant’s effect on vaccines, treatment, and the virus’ transmissibility.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.