Currency
Top Stories
Rolito Go, Pinayagan na ng DOJ na Makapagpagamot sa Chinese General Hospital

Published on: Friday - September 21st, 2012

Share
  • Facebook
  • Twitter
  • Delicious
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Add to favorites
  • Email

FILE PHOTO: Murder convict Rolito Go (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Department of Justice ang high-profile inmate na si rolito Go na makapagpagamot sa Chinese General Hospital para sa kanyang chemotherapy dahil sa kanyang sakit na rectal cancer.

Sa isang endorsement letter ng DOJ kay Bureau of Corrections Officer in Charge Manuel Co, binibigyan nito ng pahintulot si Rolito Go na sumailalim sa chemotherapy, tatlo hanggang limang araw bawat buwan at tatagal ng hanggang anim na buwan.

Dati nang sumailalim sa operasyon si Go dahil sa sakit na colon cancer.

Hihigpitan naman ang seguridad kay Go habang nagpapagamot kabilang na ang pagtatalaga ng anim na custodial personnel bawat araw.

Dati nang tumakas sa bilangguan si Go na nagsisilbi ng kanyang sentensiya dahil sa pagpatay sa isang estudyanteng nakagitgitan nito sa trapiko noong 1991. (UNTV News)

Share
  • Facebook
  • Twitter
  • Delicious
  • Digg
  • StumbleUpon
  • Add to favorites
  • Email

Leave a Reply

Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.