Random checkpoint ng mga pulis, magsisimula na mamayang 10:00 p.m.

Marje Pelayo   •   March 15, 2021   •   602

 

MANILA, Philippines — Nakikiusap ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na sumunod sa minimum health protocols dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Umaasa ang pulisya na magkakaroon ng magandang resulta ang ipatutupad na dalawang linggong curfew sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay PNP Officer-in-Charge at Deputy Chief for Administration PLtGen. Guillermo Eleazar, magkakaroon din sila ng random checkpoint sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

“Ang ating request sa lahat ay sumunod na lang at para sa curfew, kung di naman kayo kasama sa exemption, huwag na kayo lumabas,” ani Eleazar.

“Basically, ang pinupuntirya natin dito ay yung mga pumupunta sa mga kainan, pumupunta sa mga kaibigan, magkaroon ng gatherings,” dagdag nito.

Sa ilalim ng unified curfew hours, bawal nang lumabas ng lahat ang mga tao liban na lang kung ikaw ay essential worker at miyembro ng media na magtutungo sa trabaho.

“Magdala lamang kayo ng ID. Nadi-disseminate naman natin sa ating mga kapulisan na exempted ang mga essential workers natin including kayong mga media kung ang lakad nyo ay papunta, pabalik o ang mismong presence nyo ay yung inyong trabaho,” pahayag pa ni Eleazar.

Paki-usap din ng opisyal sa publiko, igalang ang ipinatutupad na health protocols ng PNP.

“Kung ang dating sa inyo ay parang militarization naman ito, iba ang sitwasyon natin ngayon,” pahayag ng opisyal. “Kahit makita natin ang pulis na andiyan andoon, para naman ang respect at observance sa karapatan ng ating mga kababayan.”

Kaugnay nito, ipinauubaya na ng PNP sa mga commander sa ground kung saan ide-deploy ang mga pulis na magpapatupad ng health protocols. MNP (sa ulat ni Lea Ylagan)

Metro Manila to have shorter curfew hours starting Sept. 16 – MMDA

Robie de Guzman   •   September 14, 2021

MANILA, Philippines – Unified curfew hours being implemented in Metro Manila will be shortened when the pilot implementation granular lockdowns and quarantine alert levels system starts on Thursday, Sept. 16, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) said Tuesday.

In a Palace briefing, MMDA chairperson Benjur Abalos said curfew hours in Metro Manila will be adjusted to 10 p.m. to 4 a.m. starting Thursday.

Current curfew hours in Metro Manila under the modified enhanced community quarantine (MECQ) classification are from 8 p.m. to 4 a.m.

“Ito ho’y inuusad na. Nagbotohan kami (Metro Manila mayors), ilalabas namin ang resolution na ang implementasyon isasabay sa pilot, magiging 10 ng gabi hanggang 4 ng umaga,” Abalos said.

Earlier in the day, the national government announced Metro Manila’s shift to a new quarantine system but stressed that this is just a pilot test.

Based on the system’s guidelines issued on Monday night, cities of municipalities will be classified under Alert level 1 to 5, depending on the COVID-19 infection rate. The alert levels per area will be determined by the Department of Health.

Interior and Local Government Secretary Eduardo Año said mayors in Metro Manila agreed to place the region under Alert Level 4 as a whole. This level covers areas with high COVID-19 case counts or high utilization rate of total ward and ICU beds.

Under Alert Level 4, the following are prohibited from going outside their residence:

  • Persons below 18 years old
  • Persons over 65 years old
  • Those with immunodeficiencies, co-morbidities, or other health risks
  • Pregnant women

Residents will only be allowed to leave their homes when accessing essential goods and services, or going to work in permitted industries and offices.

The guidelines also stated that intrazonal and interzonal travel for persons not otherwise required to remain at their residences may be allowed subject to the reasonable regulations of the LGU of destination.

Individual outdoor exercises shall be allowed for all ages regardless of comorbidities or vaccination status but shall be limited within the general area of their residence provided, that the minimum public health standards and precautions such as the wearing of facemasks, and the maintenance of social distancing protocols are observed.

Outdoor or al fresco dine-in services in restaurants and eateries shall be allowed at a maximum of 30% venue/seating capacity regardless of vaccination status. Indoor dine-in services may be allowed at a limited 10%.

Indoor dine-in services may be allowed at a limited 10% venue/seating capacity but will cater only to individuals fully vaccinated against COVID-19 in addition to their allowed outdoor or al fresco capacity.

The guidelines also said that in-person religious gatherings shall be allowed at a maximum of 30% venue/seating capacity if conducted outdoors regardless of vaccination status. These gatherings may be allowed at a limited 10% venue/seating capacity but may accommodate only individuals who are fully vaccinated against COVID-19 in addition to their allowed outdoor capacities.

Provided, that pastors, priests, rabbis, imams, or other religious ministers and the assistants of these religious congregations have been fully vaccinated against COVID-19.

Gatherings for necrological services, wakes, inurnment, funerals for those who died of causes other than COVID-19 shall be allowed, provided that the same shall be limited to immediate family members, upon satisfactory proof of their relationship with the deceased and with full compliance with the prescribed minimum public health standards.

 

Mga mahuhuling lumabag sa curfew, bawal saktan o ipahiya – PNP

Robie de Guzman   •   August 3, 2021

MANILA, Philippines – Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na hindi dapat saktan o ipahiya ang mga mahuhuling lumalabag sa curfew hours.

Ginawa ng PNP ang paalala ilang araw bago isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila upang mapigilan ang lubha pang pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Ang ECQ sa Metro Manila ay magsisimula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Sa panahong ito, tanging essential o mahahalagang biyahe at serbisyo lang ang papayagan. Pawang authorized persons outside of residence lang din ang maaaring makalusot sa border checkpoints.

Mas mahaba rin ang curfew sa ilalim ng ECQ dahil gagawin na itong alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw mula sa dating alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Ayon kay Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, ang commander ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield, dapat pagsasabihan lang sa unang paglabag ang mga mahuhuli ng mga otoridad.

“Sila po initially ay pagsasabihan at base sa instruction ni Chief PNP ay we will treat them humanely,“ ani Dickson.

“Kung pasaway pa rin sila ay dadalhin po sila sa mga dedicated areas na safe naman ang spaces na hindi nakakahawa or hindi rin sila mahahawa para maimbestigahan,” dagdag pa niya.

Samantala, nilinaw naman ni PNP Spokesperson BGen. Ronaldo Olay na nakabase sa umiiral na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan ang magiging multa sa mga paulit-ulit nang lumalabag sa curfew hours.

“Respect human rights, be courteous… Huwag silang parusahan, ‘wag silang pahiyain. Kung meron silang minor infractions bagkus ay pwede silang bigyan ng warning sa mga first time violators,” ani Olay.

“Sa mga second tine violators ay bigyan sila ng fine o multa, at yung pangatlo ay pwede community service at depende yan sa umiiral na ordinansa sa mga jurisdiction,” dagdag pa niya.

Una nang humingi ng kooperasyon sa publiko si PNP chief Guillermo Eleazar sa pagpapatupad ng curfew hours sa Metro Manila dahil isa sa layunin nito na mapigilan ang mass gathering sa mga komunidad at mapigil ang lalo pang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Eleazar orders strict enforcement of curfew hours in Metro Manila during ECQ

Robie de Guzman   •   August 3, 2021

MANILA, Philippines – Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar on Tuesday said he has ordered the National Capital Region Police Office (NCRPO) to ensure the strict implementation of curfew hours once Metro Manila is placed under enhanced community quarantine (ECQ).

In a statement, Eleazar said the implementation of longer curfew hours in Metro Manila will complement the strict border control that is expected to be fully implemented from August 6 to August 20.

“The strict border control and the longer curfew hours are but some of the necessary interventions to prevent the spread of the Delta variant of COVID-19,” he said.

The PNP chief believes that longer curfew hours would help prevent mass gatherings in the communities.

He directed police personnel to coordinate with barangay officials in enforcing the curfew.

Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos earlier announced that starting Friday, August 6, local governments in Metro Manila will have a uniform curfew from 8 p.m. to 4 a.m.

The PNP personnel will also help enforce the liquor ban that will be implemented in some local government units in Metro Manila, he added.

Eleazar urged the public to strictly follow minimum public health safety standards and quarantine protocols to prevent the spread of the more infectious Delta variant.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.