QC Mayor Belmonte confirms she has COVID-19

Robie de Guzman   •   July 8, 2020   •   630

Quezon City Mayor Joy Belmonte

Quezon City Mayor Joy Belmonte on Wednesday said she has contracted the novel coronavirus disease (COVID-19).

In a statement posted on Quezon City government’s facebook page, Belmonte confirmed she tested positive for COVID-19, and she is strictly observing quarantine protocols although she is not exhibiting any symptoms.

“Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan,” she said.

“Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas. Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang contact tracing procedures,” she added.

Belmonte said she still contracted the viral respiratory disease despite being careful and compliant with health protocols.

She added that the development did not surprise her as she has been visiting hospitals, health centers and areas in the city that were placed under special concern lockdown.

“Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing,” she said.

“Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan,” she added. “Sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap.”

Belmonte said her office has been closed for disinfection, which will also cover the common areas of the city hall.

The mayor assured that city hall operations will continue and that she will still monitor the situation despite being under quarantine.

“Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City,” she said.

She said the city’s Epidemiology and Surveillance Unit has started contact tracing procedures.

PUV drivers at mga pasahero, pina-alalahanang sumunod sa 1-meter physical distancing policy

Robie de Guzman   •   September 21, 2020

MANILA, Philippines – Nagpa-alala ang mga otoridad sa mga tsuper at pasahero ng public utility vehicles (PUV) na istriktong sundin ang isang metrong physical distancing sa gitna pa rin ng banta ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ginawa ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) ang paalala matapos nitong harangin at sitahin ang mga pampasaherong jeep na hindi sumusunod sa nasabing patakaran.

Ang inspeksyon ay isinagawa ngayong Lunes sa kahabaan ng EDSA-Kamuning sa Quezon City.

Bitbit ang isang metrong panukat, sinita ng HPG ang mga tsuper na sobra ang bilang ng sakay at pinababa ang mga pasahero.

Nguni tauon kay HPG chief Police Colonel Wilson Doromal, hindi naman pinagmulta ngunit binigyan lang ng babala ang mga nahuling tsuper.

“Mahirap itolerate yung distance na nakita natin kanina halos balikat sa balikat na so hindi po natin hinayaang bumiyahe upang yung kalusugan ng mga commuters natin makaiwas po sa anumang sakit,” ang wika ni Doromal.

Ang inspeksyon ay kasunod ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin sa isang metro ang agwat ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan upang matigil na ang usapin rito.

Noong Sabado, sinabi ng Department of Transportation na istriktong ipatutupad ang 50% capacity sa mga jeep at bus upang masunod ang one-meter physical distancing.

Ang physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield ay kabilang sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon.

Kaugnay nito, inaasahang maglalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga bagong panuntunan upang malaman ng tsuper kung ilan lamang ang maximum na bilang ng mga pasaherong maaaring isakay sa bus at jeep.

“My advice na lang din is to be on the side of caution, malalaman naman din ng driver yan kung iilan. He will have a sense kung gaano kahaba yung isang metro, sa loob ng isang sasakyan ilang pasahero ang kakasya… hopefully give us time,” ang pahayag ni LTFRB chairman Martin Delgra.

Sa Martes, Setyembre 22 ay inaasahang pupulungin ng LTFRB ang regional directors ng ahensiya upang magtakda ng malinaw na patakaran para sa one-meter physical distancing sa mga pampublikong sasakyan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

TAGS   

Pagbabayad ng toll sa NLEX, cashless na simula Nov. 2

Robie de Guzman   •   September 21, 2020

MANILA, Philippines – Simula sa Nobyembre 2 ay cashless na at gagamitan na ng 100% radio frequency identification (RFID) system ang pagbabayad ng toll sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang operator ng NLEX, alinsunod ito sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na magpatupad ng contactless system upang malimitahan ang physical contact sa gitna pa rin ng banta ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Atty. Romulo Junji Quimbo, maaaring magpakabit ng RFID sticker ang mga motorista na dadaan sa NLEX upang hindi sila kailangang magbayad ng cash.

Maaari itong ipakabit ng libre sa NLEX Customer Service Center o kaya ay mag-apply online.

“Ang DOTr bilang tagapangasiwa ng transportation, ay naglabas po ng department order na mahikayat po ang mga kababayan natin, na huwag na pong magdala ng cash. Ang cash po whether sumakay kayo ng bus, o kaya jeep, o kaya sa mga UV, ay nagpapalitan po ng pera doon, at nagsusuklian yun po iniiwasan,” ang wika ni Quimbo.

Para magamit ang RFID, kailangang mag-load ng minimum na P500 sa reloading at online stations.

 “Libre po itong sticker, kinakabit po ito ng Easytrip, ay yun po naman ay may minimum load lang, para lang kayo nagbabayad ng toll kaya lang hindi na po barya ang dala-dala, hindi na po pera, RFID System,” ang pahayag ni Quimbo.

Aniya, sa November 2 na magiging epektibo ang sistema pero bibigyan pa rin naman ng konsiderasyon ang hindi makakapagpakabit ng RFID stickers.

Maaaring bisitahin ang social media accounts ng NLEX Corp. para sa iba pang detalye at katanungan hinggil sa RFID system. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Nestor Torres)

DOH proposes COVID-19 swab test ‘price cap’

Aileen Cerrudo   •   September 21, 2020

The Department of Health on Monday (September 21) said it has submitted to President Rodrigo Duterte its recommendation for an executive order issuance that would place a price cap on coronavirus disease (COVID-19) swab tests.

DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire said the department has noticed the differential pricing of swab tests in laboratories across the country. She added that the current law on price ceiling for medicines excludes diagnostics and professional fees.

“We may be able to have this executive order so that we can somehow regulate the prices of swabs, or prices of testing for COVID-19,” she said.

The DOH official also said the department will conduct small surveys to determine price range and will consult experts and the Department of Trade and Industry (DTI) regarding the swab test prices. AAC (with reports from Aiko Miguel)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.