Publiko, pinayuhang maglinis ng septic tank para iwas sa dagdag-sakit ngayong pandemya

Aileen Cerrudo   •   May 7, 2021   •   180

MANILA, Philippines — Perwisyo at nakakasama sa kalusugan ang dulot na dumi ng poso negro kapag inabot ito ng pag-singaw o pag-apaw.

At upang makaiwas pa sa dagdag na sakit na maaaring makuha rito, lalo na ngayong mayroong nararanasang pandemya, hinihikayat ng Maynilad Water Service Inc. ang kanilang mga customer na samantalahin ang serbisyong pagpapalinis ng septic tank sa kanilang lugar.

“Ayaw naman natin na mapuno ang septic tank natin nung sludge ito kasi ang nasa loob ng septic tank na maaaring magdulot ng bara doon sa septic tank. Magkakaroon ng epekto sa ating kapaligiran at maaari din siyang pagmulan ng iba’t ibang uri ng sakit,” ayon kay Collection and Transport Septage Management Department (CTSMD) Head Carlo Tolentino.

Ayon sa Maynilad, mahalagang malinis ang septic tank sa ating mga bahay isang beses sa loob ng lima hanggang pitong taon upang makaiwas sa anumang sakit.

“Para ma-maintain natin ang treatment capability o ang kakayahan nung septic tank na linisin ang dumi na napupunta sa kanya para ang mga dini-discharge niyang tubig doon sa ating mga estero kahit papaano ay malinis na,” dagdag ni Tolentino.

Dahil nasa ilalim pa rin ngayon ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ), tiniyak ng Maynilad na sinusunod ng mga tauhan nito ang public health standards gaya ng pagsusuot ng facemask at face shield bago pumasok sa mga bahay. May gwantes at masusing dini-disinfect ang mga hose upang masegurong hindi kakapitan ng mga virus.

“Lahat ng kagamitan nila is dini-disinfect bago magsimula at pagkatapos linisin ang isang septic tank,” ayon kay Tolentino.

Sa mga nais magpa-schedule pwedeng makipag-ugnayan sa mga naka-assign na Maynilad Zone Specialist sa inyong barangay o kaya ay tumawag sa Maynilad Hotline na 1626.

Maaari ding bisitahin ang Facebook page ng Maynilad para sa iba pang detalye at schedule ng pagpapalinis ng poso negro.

Ngayong taon target ng Maynilad na makapag-sebisyo at makapaglinis ng higit 158,000 septic tank ng mga customer nito sa Metro Manila. (Balita ni Janice Ingente)

Maynilad, tiniyak na walang dagdag singil sa pagpapalit sa mga lumang tubo

Marje Pelayo   •   June 15, 2021

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Maynilad Water Services, Inc. o Maynilad na walang dagdag na babayaran ang mga consumer sa gagawing pagpapalit ng 173 kilometrong lumang tubo na nagkakahalaga ng P1.8-million pesos.

“Wala naman pong dagdag kasi ito pong mga projects na ito ay kasama na sa approved business plan,” pahayag ni Ma. Cherry Marilla, Assistant Vice President for Planning and Support ng Central Non-Revenue Water (CNRW) Office ng Maynilad.

Ang proyekto ay nakalatag mula sa lungsod ng Caloocan, Quezon City, Muntinlupa, Maynila, Las Piñas, Valenzuela, Parañaque, Pasay hanggang sa bayan ng Imus sa Cavite.

Ayon sa Maynilad, kapag natapos na ito ay mababawasan 33 million liters per day ang masasayang na tubig dahil sa mga tagas na nagmumula sa lumang tubo.

Sapat ito upang masuplayan ang may 33,000 pamilya.

Kapag nakumpleto na ang proyekto ay aabot na sa 2,869 kilometro o kabuuang 72% ang napapalitang lumang tubo na minana pa ng Maynilad mula sa MWSS.

Inaasahan makukumpleto ang proyekto sa taong 2025 o 2026, ayon sa Maynilad.

Paliwanag ng kumpanya, hindi maaring pagsabay-sabaying mapalitan ang lahat ng tubo dahil kailangang ikunsidera ang magiging abala nito sa publiko.

“Siyempre mina-manage din namin yung rerouting ng traffic so inilatag talaga siya per year na manageable lang yung inconvenience din sa tao,” ani Marilla.

Ayon pa sa Maynilad, hindi pa kasama ang proyektong ito sa revised concession agreement pero makatutulong ang nasabing kasunduan sa pagpapalakas ng operasyon ng kumpanya.

Ayon naman sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), wala na sa bagong concession agreement ang mga hindi na kailangang bayaran ng mga consumer.

Hindi na rin sisingilin ng Maynilad at Manila Water ang bilyon-bilyong pisong halaga ng dapat singilin sa mga consumer na dating iginawad sa kanila ng Singapore Permanent Court of Arbitration.

“Ito ay ginawa ng pangulo para makatulong sa ating mga consumer at the same time kikita rin yung mga concessionaire,” pahayag naman ni MWSS Chairman and Acting Administrator Ret. General Reynaldo Velasco. -MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

TAGS   

Maynilad announces emergency water service interruption on May 21

Maris Federez   •   May 21, 2021

MANILA, Philippines — The Maynilad Water Services, Inc (Maynilad) on Friday announced a water service interruption in portions of Caloocan City, Quezon City, and Malabon City on the same day from 12:00 noon to 9:00 in the evening.

“Portions of Caloocan City, Quezon City and Malabon City will experience low pressure to no water beginning 12:00 nn until 9:00 pm of May 21. This is due to high demand in Bagbag Reservoir,” its announcement on Facebook on Friday morning said.

Two more announcements for its customers in some areas in Makati City (from 12:00 noon to 9:00 pm) and Paranaque City (from12:00 noon of May 21 until 1:00 am of May 22) were also posted.

The low pressure to no water supply is due to the high demand in Bagbag Reservoir, the announcement said.

While the water concessionaire apologized for the inconvenience, its customers still expressed dismay over the service interruption and the company’s short notice.

Portions of Caloocan City, Quezon City and Malabon City will experience low pressure to no water beginning 12:00 nn…

Posted by Maynilad Water Services, Inc. on Thursday, May 20, 2021

Our customers in portions of Brgy. Magallanes, Makati City will experience low pressure to no water beginning 12:00 nn…

Posted by Maynilad Water Services, Inc. on Thursday, May 20, 2021

Our customers in portions of Brgys. BF Homes, BF International/CAA, San Isidro, Paranaque City will experience low…

Posted by Maynilad Water Services, Inc. on Thursday, May 20, 2021

 

Maynilad, Manila Water to extend no disconnection policy until end of MECQ in NCR Plus

Robie de Guzman   •   April 12, 2021

MANILA, Philippines – Water concessionaires Maynilad Water Services Inc. and Manila Water Company Inc. will extend the implementation of their no disconnection policy until the end of the modified enhanced community quarantine (MECQ), the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) on Monday said.

“This is to inform the public that the MWSS Regulatory Office (RO) has directed Manila Water Company, Inc. and Maynilad Water Services, Inc., to extend their suspension of all service disconnection activities (whether temporary or permanent) until such time that the modified enhanced community quarantine (MECQ) has been lifted,” MWSS chief regulator Patrick Lester Ty said in a statement.

Metro Manila and the nearby provinces of Cavite, Bulacan, Rizal, and Laguna have been placed under modified enhanced community quarantine (MECQ) from April 12 to April 30.

Water concessionaires are also directed to provide an uninterrupted 24-hour water supply in their service areas.

“This is to ensure that all customers receive clean and adequate water supply for their health and sanitation requirements, especially during this difficult time of the pandemic,” Ty said.

Meanwhile, the MWSS RO asked concerned local government units to assist water concessionaires as they conduct their meter reading and billing activities during the period of MECQ.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.