Publiko, binalaan sa paggamit ng face swap app dahil sa banta sa personal data

Robie de Guzman   •   September 13, 2021   •   621

MANILA, Philippines — Kinagigiliwan ngayon sa social media ang paggamit ng face swap application kung saan maaaring palitan ang mukha ng isang taong nasa video na nagsasayaw, kumakanta o umaarte.

Pero babala ng National Privacy Commission (NPC), dapat mag-ingat ang publiko sa paggamit sa ganitong uri ng mobile application dahil sa posibleng banta nito sa personal na impormasyon ng isang tao.

Ayon kay Jonathan Ragsag, Data Security and Technology Standards ng NPC,  ang mga ganitong uri ng application ay maaaring maging banta sa privacy ng isang tao dahil kumukuha ito ng personal na impormasyon ng gumagamit ng app.

Ilan sa mga mga halimbawa nito ay ang paghingi ng access ng application para magamit ang contact, camera, microphone, storage at iba pang features ng cellphone na naglalaman ng personal na datos ng gumagamit nito.

Nakababahala rin aniya ang paghingi ng permiso ng isang application para makuha ang personal information ng isang user ngunit hindi malinaw kung saang database napupunta ang mga litrato at video na ina-upload dito.

“Ito yung mga danger, pupwedeng maibenta yung ating mga data sa ibang mga organisasyon o sa ibang mga kumpanya, mga third party. So ano pwedeng mangyari kapag naibenta yan? Pwedeng makarating sa bangko yang data mo, pupwedeng magkaroon ka ng loan na hindi no inaasahan,” ani Ragsag.

Bukod pa rito may mga nauna na rin ulat ang ilang Information Technology (IT) professionals na sa pamamagitan ng ganitong klase ng mga application ay maaari umanong magamit ang mukha ng isang user sa ibang mga video na may malalaswang content.

Kapag napatunayan naman na ang isang application ay nagiging abusado at mapagsamantala sa paggamit ng impormasyon ng isang indibidwal maaari itong paimbestigahan ng NPC para ipa-take down.

Pero aminado ang ahensiya na wala itong direktang control sa server ng mga face swap application na kadalasang nasa ibang bansa.

Kaya naman mahirap nang habulin pa ang data ng isang indibidwal kapag nagamit na ito sa maanomalyang transaksyon.

Nauna nang naghain ng panukalang batas si Muntinlupa City Congressman Ruffy Biazon na naglalayong ma-regulate ang paggamit ng facial recognition apps at masawata ang paglaganap ng deep fake technology na pinangangambahang magamit sa identity theft.

Pero dahil hindi pa ganap na batas, wala pang matibay na regulasyon sa Pilipinas ang mga ganitong klase ng digital application.

Kaya ang payo ng NPC sa publiko, huwag basta-basta gagamit ng face swap app na maaaring maglagay sa privacy ng isang tao sa peligro.

“Halimbawa yung mga photos natin, binago natin nakipag-face swap tayo eh, ipinalit natin yung mulha natin sa katawan ng ibang tao… Ang importante huwag nating basta isave yung mga larawan natin or photos duon sa app, if possible,” ani Ragsag. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nuñez)

Right to data privacy not an excuse to evade legal proceedings – NPC

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines – The National Privacy Commission (NPC) on Thursday reiterated that a person’s right to data privacy should not be used as an excuse to evade legal investigations.

“We would like to reiterate that the Data Privacy Act of 2012 (DPA) does not prohibit the disclosure of personal or sensitive personal information (collectively, personal data) when necessary for purposes of complying with validly issued subpoenas by government investigating bodies,” NPC Commissioner Raymund Liboro said in a statement.

“Data privacy rights should not be cited as an excuse to evade legal proceedings,” he added.

Liboro issued the statement after the Senate Blue Ribbon Committee cited in contempt and ordered the detention of Pharmally’s president Twinkle Dargani, and corporate secretary Mohit Dargani when they refused to submit documents subpoenaed by the panel.

The Dargani siblings have been resisting Senate orders to submit several source documents related to the contracts it made with the government on pandemic supplies, citing advice from legal counsel.

“While we advocate for the protection of the right to data privacy of data subjects, there are provisions in the law that recognizes the processing of personal information when necessary for compliance with a legal obligation or to fulfill functions of public authorities,” Liboro said.

“On the other hand, sensitive personal information may also be processed when provided for by existing laws and regulations, or necessary for establishment, exercise, or defense of legal claims, among others,” he added.

The Pharmally Pharmaceutical company has been under scrutiny for its allegedly questionable deals with the government for the purchase of face masks and face shields.

 

Google removes 4 online lending apps due to serious privacy risks

Robie de Guzman   •   September 1, 2021

Google Play Store has removed four online lending apps (OLA), namely, JuanHand, Pesopop, CashJeep, and Lemon Loan, due to the serious privacy risks they pose to individuals who download the apps, the National Privacy Commission (NPC) said Wednesday.

In a statement, the NPC welcomed Google’s action and urged other online lending apps to use lawful and reasonable methods when processing data of loan applicants.

“For other OLAs, the NPC strongly urges you to employ know-your-customer (KYC) and debt collection practices that are aligned with NPC Circular No. 20-01, where we laid out guidelines on the processing of personal data for loan-related transactions,” NPC Commissioner Raymund Liboro said.

This development comes after the NPC said it coordinated with Google LLC and the National Telecommunications Commission to take down the said apps.

The NPC earlier directed the said apps to stop the processing of their borrowers’ personal data following complaints from some of its users.

“JuanHand, Lemon Loan, CashJeep, and Pesopop’s processing of their borrowers’ information such as contacts, location, photos, media files, email, and social media data, pose serious privacy concerns that expose borrowers to privacy risks and harms,” the agency said.

Operasyon ng JuanHand, 3 pang online lending apps, ipinasasara ng NPC

Robie de Guzman   •   August 27, 2021

MANILA, Philippines – Ipinatitigil na ng National Privacy Commission (NPC) ang operasyon ng apat na online lending applications dahil sa umano’y hindi tamang paggamit ng personal data ng ilan nitong mga kliyente.

Kabilang sa mga ipinasasara ng NPC ang JuanHand, PesoPop, Cash Jeep, at Lemon Loan.

Ayon kay NPC Raymond Liboro, ang hakbang ay kasunod ng nakaa-alarmang mga reklamo laban sa mga nasabing online lending application na umano’y ginagamit ang personal na impormasyon ng mga kliyente upang i-harass o siraan ang mga ito kapag hindi nakakabayad ng utang.

Kabilang sa mga reklamo laban sa mga naturang lending app ay ang umano’y pagpapadala ng mensahe at pagtawag sa kanilang mga contact o kaanak para ipahiya at pilitin silang magbayad ng hiniram nilang halaga.

Malaki rin umano ng sinisingil nitong patubo kaya nahihirapang magbayad ng buo ang kanilang mga kliyente.

Ayon sa financial adviser na si Rizza Muyot, may mga kumpanya talagang sadyang kumukuha ng personal na impormasyon ng mga nangungutang upang maiwasan na takasan sila nito kapag hindi nakapagbayad ng utang.

Upang maiwasang mabiktima ng abusadong online lenders, payo ni Muyot na alamin ang terms at interest ng pagbabayad at kung ano ang maaaring mangyari sa kanila sakaling hindi nila maibalik ang pera sa takdang petsa.

“Wag kang mangutang kung hindi mo naman kayang bayaran. Ang marami kasi basta lang mangungutang hindi tinitignan kung magkano yung interest kasi ang iniisip lang sa ngayon. May iba naman talaga is wala namang kapasidad tapos bahala na. Mangungutang ka lang kung ang paggagamitan mo ng pera ay yung talagang mayroon ka ring pagkukunan ng pambabayad,” ang payo ni Muyot.

Ayon sa NPC, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para maalis ang mga nasabing lending app at hindi na mai-download mula sa Google Playstore. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent JP Nuñez)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.