Provincial bus operators, umapela sa pamahalaan na payagan nang makabyahe

Marje Pelayo   •   August 19, 2020   •   560

MANILA, Philippines — Umaapela sa Department of Transportation (DOTr) ang mga operator ng provincial buses upang payagan na silang makabyahe ngayong naibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang quarantine restrictions sa Metro Manila.

Anila, marami na sa kanilang hanay ang hindi na makabayad ng pwesto ng terminal at sapilitan nang nagtatanggal ng kani-kanilang empleyado.

Reklamo ng Provincial Bus Operators Association, limang buwan na silang walang byahe at walang kinikita. 

Pakiusap ng presidente ng grupo na si Alex Yague, sana ay payagan na silang bumalik sa operasyon kahit paunti-unti. 

“Napakaraming OFW at saka mga locally stranded individual na naipit dito sa Metro Manila na kailangan nilang makabiyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya,” pahayag nito na sinasabing maari nilang maihatid ang mga ito kung papayagan lamang sila.

“Pangalawa, kung kailangan natin na mabuksan ang ekonomiya natin, kailangan natin ng public transportation sa dalawang bagay na iyon. Kailangan nating gradual, provincial bus operations entering and going out of Metro Manila,” dagdag nito.

Ayon pa kay Yague, dumarami umano ngayon ang mga colorum na sasakyan na nangongontrata ng mga pasahero mula Metro Manila papuntang probinsya.

Aniya, sakaling payagan sila ng pamahalaan ay maiiwasan ang mga ganitong modus operandi dahil handa ang provincial buses na sundin ang health protocols at mas mapapadali pa aniya ang contact tracing.

Kwestionable naman para sa kanila kung bakit pinapayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbyahe ng mga Point-to-Point (P2P) buses mula Bulacan, Cavite o Laguna sa rutang galing ng Metro Manila.

Paliwanag ng LTFRB, hindi pa nila pwedeng payagan ang mga provincial buses galing ng National Capital Region (NCR) dahil maraming probinsya at lokal na pamahalaan ang mahigpit pa rin sa quarantine restrictions.

Marami sa kanila ang ayaw pa ring magpapasok ng mga tao mula Metro Manila dahil sa COVID-19.

“Since we’re talking about moving of people we also need to coordinate with LGUs concerned. We already had a meeting with umbrella organization of the locally elected officials kung saan nagsabi sila na a large majority of the provinces are still not willing to open their borders,” pahayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.

“Back in August 4, two weeks ago, nagpalabas rin ng resolution ang Region 3 na humihiling  na ihinto muna ang provincial bus routes coming from Metro Manila,” dagdag nito.

Nilanaw rin ng LTFRB na ang mga pinapayagang P2P buses mula probinsya ay nagsasakay lamang ng mga pasahero na araw-araw bumibiyahe papasok at palabas ng Metro Manila dahil sa trabaho.

Iba pa ito sa mga bus na bumibiyahe ng malayuan para sa mga pasahero na minsanan lamang kung pumunta ng probinsya.

Ayon pa sa LTFRB, sa ngayon ay pinapayagan naman ang pagbiyahe ng provincial buses sa ibang mga rehiyon na tumatawid sa ibang mga probinsya kung saan mababa na ang kaso ng COVID-19.

Pagtiyak ng ahensya, patuloy ang pakikipagugnayan ng LTFRB sa mga pamahalaang panlalawigan upang maiayos ang mga itatakdang bus stops sakaling payagan na ang kanilang operasyon. MNP (sa ulat ni Joan Nano)

Hotels may soon be allowed to accept more guests – DOT

Robie de Guzman   •   October 21, 2020

MANILA, Philippines – Hotels in areas classified under general community quarantine (GCQ) and modified GCQ will soon be allowed to accept guests at full capacity in a bid to help the tourism industry recover from the effects of the pandemic, the Department of Tourism (DOT) said Wednesday.

Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat said the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) has given the authority to the DOT to determine the allowable operational capacity for hotels, including those that offer staycations.

Puyat, however, stressed that the decision to open at 100% capacity will be up to the hotel management and subject to compliance with safety guidelines.

The announcement follows the issuance last week of an IATF resolution which amends the provision that only allows establishments in GCQ areas to operate with a skeleton work force.

For accommodation establishments in areas declared to be under MGCQ, Resolution No. 79 provides that the DOT shall determine their allowable operational capacity from the previous provision for a maximum of 50% operational capacity.

Operational capacity is defined by the IATF as such a number of employees who can be permitted to physically report to work on-site.

“Also approved in the said resolution is the easing up of interzonal and intrazonal movement, which is the predicate to reviving domestic tourism,” Puyat said.

“Along with this comes the need to ready the whole tourism value chain, which includes the accommodation, transportation, and tour operation sectors. Allowing the accommodation sector to operate at full capacity will be most welcomed by tourism’s workforce that has been greatly affected since the community lockdown,” she added.

The DOT is set to issue guidelines for the expanded operational capacity of hotels, she further stated.

Puyat earlier directed all hotels and other tourism establishments in GCQ areas to secure a DOT Certificate of Authority to Operate for Staycations (DCAOS) prior to accommodating any guests for that purpose.

Mas maluwag na general community quarantine, umiiral sa Metro Manila —Malacañang

Marje Pelayo   •   October 19, 2020

MANILA, Philippines — Mas marami na ang maaaring lumabas ng bahay ngayon at pinalawig pa ang kapasidad ng pampublikong transportasyon sa kabila na nananatili ang banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Hinihikayat na rin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng business activities upang maka-engganyo ng mas maraming customers bukod pa sa mas maraming negosyo ang pinahihintulutan nang magbukas.

“Tama po kayo, mas maluwag na general community quarantine ang pinaiiral ngayon sa Metro Manila,” sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamahayag nitong Lunes (October 19).

Ang pagluwag ng quarantine restrictions ay upang makabawi ang ekonomiya sa bansa mula sa epekto ng pandemya.

Samantala, ayon sa kalihim, may mga sang-ayon sa mungkahi ng Metro Manila Mayors na palawigin na ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang buwan ng Disyembre.

Subalit, naka-depende pa rin ito sa desisyon ng policy-making body ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Iyan po ang parang nabubuong concensus, pero siyempre po hindi ko po pwedeng pangunahan because it is a collegial decision,” pahayag ng opisyal.

“Pero ang nangyayari po kasi ngayon, bagaman naka-GCQ ang Metro Manila, nagkakaroon po tayo ng mas malawak na pagbubukas ng mga industriya,” dagdag nito.

Inaasahang bago magpalit ng buwan, isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong quarantine classification sa NCR para sa Nobyembre.

Giit ng opisyal, posible ang anumang quarantine classification sa NCR subalit mananatiling iisa ang posisyon ng pamahalaan – ang pahintulutang makapag-hanapbuhay na ang mga mamamayan habang ipinatutupad pa rin ang minimum health standards. MNP (sa ulat ni Rosalie Coz)

DTI allows several establishments in areas under GCQ to operate up to 100% capacity

Aileen Cerrudo   •   October 5, 2020

Several business establishments in areas under General Community Quarantine (GCQ) will be allowed to operate up to 100 percent capacity, according to the Department of Trade and Industry (DTI).

In a memorandum issued last Friday (October 3), the DTI said business establishments and activities under Category I and III will be allowed to operate to its full capacity if they are located in areas under GCQ.

These establishments include: mining and quarrying, financial services, legal and accounting, advertising and market research, publishing and printing, film, music and TV production and recruitment, recruitment and placement agencies as well as wholesale and retail.

Meanwhile, food and restaurant establishments will be allowed to operate at 50 percent capacity subject to minimum health standards and safety protocols implemented by the local government unit. 

“The increase in operating capacity, menu offering, and maximum servings of alcoholic beverages shall be subject to the corresponding local government guidelines,” the memorandum reads. AAC

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.