Proseso sa pamamahagi ng SAP 2nd tranche, isinasapinal pa ng IATF – DSWD

Robie de Guzman   •   May 26, 2020   •   618

MANILA, Philippines – Inaasahang magpupulong ngayong linggo ang Technical Working Group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) upang isapinal ang mga proseso sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay Department of Social Welfare Undersecretary Rene Paje, pinag-aaralang maigi ng IATF ang mga paraan upang mapabilis ang distribusyon ng ayuda lalo’t nadagdagan pa ng limang milyong pamilya ang mga benepisyaryo nito.

Labing-walong milyong low-income households ang inisyal na target beneficiaries ng programa ngunit dinagdagan ito matapos umapela ng tulong ang maraming mahihirap na pamilya na hindi sakop ng programa ngunit kuwalipikado sa inilatag na guidelines.

Sinabi rin ni Paje na target nilang simulan ang second tranche ng programa bago matapos ang buwan ng Mayo ngunit hindi pa tiyak kung anong petsa ito maisasagawa dahil naka-depende ito sa galaw ng local government units (LGU), partikular na sa pagsasagawa ng first tranche payout at pagsusumite ng liquidation report nito sa DSWD.

Sa huling tala ng ahensya, nasa 1,479 LGUs na sa bansa ang nakakumpleto ng pay-out sa kanilang mga benepisyaryo ngunit 44% lamang sa mga ito ang nakapagpasa ng liquidation report, na siya namang idadaan sa validation process ng DSWD.

“‘Yan po ay pina-facilitate natin sapagkat kung maari sana magawang buo, yung nationwide yung ating pagsasubmit ng beneficiaries na encoded na SAP forms sapagkat ito po dapat i-validate natin,” ani Paje.

“‘Yun po ang nasa memorandum circular at nasa procedure natin… Pero ‘yan po ay masusing pinag-aaralan ng DSWD upang mas mabilis natin at mapaaga ang distribution ng 2nd tranche,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Paje na isinusulong ng DSWD na dapat mabigyang-prayoridad sa distribusyon ng SAP second tranche ang waitlisted o ‘yung mga kwalipikadong benepisyaryo ng programa ngunit hindi nakatanggap sa unang bugso ng ayuda.

 “Ang proposal po ay dapat makatanggap din sapagkat ang katumbas ng tatanggapin nila ngayon ay ‘yung first tranche, at kung sila po ay nanatili pa rin sa ECQ area, dapat makatangap sila ng para sa second tranche,” sabi ng opisyal.

Ayon kay Paje, kabilang sa mga paraang pinag-aaralan upang mapabilis ang SAP cash aid distribution ay ang paggamit ng digital payment scheme at mobile app na “Relief Agad.”

Ngunit para sa mga walang smartphones, papayagan pa rin naman aniya ang “big venue payout” o pagtitipon sa isang venue para ipamahagi ang SAP cash aid basta’t magpapatupad ng health at safety protocols.

Ayon naman sa tagapagsalita ng DSWD na si Irene Dumlao, kakatulungin nila ang pulisya at militar sa pamamahagi ng ayuda upang matiyak ang kaayusan.

Nanawagan rin siya ng pang-unawa sa publiko, lalo na ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19 crisis.

“Tayo ay humihingi ng pang-unawa sa ating mga kababayan na naapektuhan ng krisis at naghihintay po ng tulong o ayuda mula sa ating pamahalaan,” ani Dumlao.
 
“Sinisikap po natin na bumuo ng mga polisiya o mga panuntunan that will ensure the distribution of aid in an expeditious and effective manner,” dagdag pa niya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

Government to formulate common ordinance on face masks for LGUs

Marje Pelayo   •   July 10, 2020

MANILA, Philippines – The national government is formulating a common ordinance on wearing face masks to be imposed by all local government units (LGU) across the country.

This was among the issues discussed at a recent meeting between the Inter-Agency Task Force and the Council of Metro Manila Mayors.

The said ordinance will set guidelines for law enforcers on accosting violators.

Iminumungkahi na po na magkaroon ng common ordinance para magpataw po ng parusa sa mga taong hindi nagsusuot ng masks sa mga pampublikong lugar (There have been proposals for a common ordinance to penalize individuals who refuse to wear a mask in public places) ,” said Presidential Spokesperson Harry Roque.

Magkakaroon po iyan ng common ordinance, (There will be a common ordinance),” he assured.

The plan was prompted by an incident where journalist Howie Severino, a COVID-19 survivor, was accosted by authorities after pulling down his mask to take a drink during an early morning bicycle ride in Quezon City.

The city implements Ordinance No. 2936 which requires the use of face masks or other face-covering when in public places. MNP (with inputs from Rosalie Coz)

IATF expands services in salons, barbershops amid COVID-19 pandemic

Maris Federez   •   July 7, 2020

MANILA, Philippines — The Inter-Agency Task Force against COVID-19 has expanded the services allowed in salons and barbershops in areas under the general community quarantine (GCQ) and modified general community quarantine (MGCQ).

Aside from haircut services, hair treatments are now allowed in salons under the GCQ areas; while nail care, basic facial care services, and basic personal care services will be allowed in areas under MGCQ.

Nevertheless, minimum public health standards will be strictly implemented in both GCQ and MGCQ areas, such as strict protocol on hand sanitation, face mask and face shields, gloves, and sterilized equipment.

The operating capacity in salons and barbershops will also be expanded to 50 percent in GCQ areas and 75 percent in MGCQ areas starting July 16, 2020. —(with details from Rosalie Coz) /mbmf

Religious gatherings up to 10% of venue capacity to be allowed in GCQ areas after July 10 – IATF

Robie de Guzman   •   July 3, 2020

MANILA, Philippines – Malacañang on Friday announced that religious gatherings involving attendees of up to 10% of the venue capacity will soon be allowed in areas under general community quarantine (GCQ).

Presidential Spokesperson Harry Roque said this is based on the latest resolution approved by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases following calls for the partial reopening of places of worship.

Roque said the new policy will take effect next Friday, July 10.

“Magkakaroon muna po tayo ng dry run na 10% itong darating na linggo, pero yung 10% po na allowed na ang lahat ay magsisimula po ng July 10,” he said in a televised press briefing.

The Palace official stressed that public health standards such as physical distancing, wearing of face mask, disinfection and hand hygiene, should be strictly followed.

President Rodrigo Duterte earlier announced that the following areas will be under GCQ from July 1 to July 15:

  • National Capital Region
  • Cavite
  • Benguet
  • Rizal
  • Lapu-Lapu City
  • Mandaue City
  • Talisay City
  • Towns of Minglanilla and Consolacion in Cebu Province
  • Leyte
  • Ormoc
  • Southern Leyte

Roque also announced that operation of travel agencies in GCQ areas will also be allowed but only limited to a skeleton workforce.

The Department of Trade and Industry will also release a set of guidelines on additional services that will be allowed in salons and barbershops.

The latest IATF resolution also states that practice and conditioning sessions for professional basketball and football teams will also be permitted.

Roque said the move comes after a joint administrative order was signed between the Philippine Sports Commission, Games and Amusements Board, and the Department of Health to allow limited physical activities amid the community quarantine. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.