Private sector, nais bumili ng COVID-19 booster shots at investigational drug

Robie de Guzman   •   October 20, 2021   •   215

MANILA, Philippines – Umapela sa pamahalaan ang grupo ng mga negosyante na payagan silang bumili ng COVID-19 vaccine booster shots at experimental oral anti-viral drug pill na mulnopiravir.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, naniniwala ang mga negosyante na mas mapapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa kung magiging maagap ang pamahalaan.

“Pero hindi pa lumalabas yung mga pills eh pero siyempre kailangang maglagay sila ng order dito. So, all of those are going to be done—boosters, itong mga bakuna na kailangan nating tuloy-tuloy ito,” ani Concepcion.

Para lalo pang mapalawak at mapabilis ang isinasagawang vaccination roll out ng pamahalaan, iminumungkahi rin ng private sector ang pagpapatupad ng “vax to the max.”

Sa ilalim ng panukala, bubuksan na ang pagbabakuna sa lahat ng mga nais na tumanggap nito at hindi na ikokonsidera ang priority list.

Sa kasalukuyang vaccination framework, ang mga nasa priority groups lang muna ang bibigyan ng bakuna laban sa COVID-19. Ito ay ang mga healthcare worker, senior citizen, persons with co-morbidities, essential workers, at indigent.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang pamahalaan ng pilot vaccination para sa mga batang may edad 12 hanggang 17 pero prayoridad ang mga may co-morbidity.

Ngayong Oktubre naman planong ilunsad ang COVID-19 vaccination para sa general adult population.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., nais ngayon ng pamahalaan na itaas sa 1.5 million ang daily vaccination target sa gitna na rin ng patuloy na pagdating ng mga supply ng bakuna sa bansa.

“Kumbaga sa ano hindi na po sequential iwa-widen na po natin yung tinatawag natin yung sinasabi n’yo nga po na kung sino yung gusto magpa-vaccine ay magpabakuna na po,” ani Galvez.

Mga pulis na ayaw magpabakuna, ililipat ng assignment – PNP chief Carlos

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Papayagan pa ring magtrabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang nilinaw ni PNP chief Police General Dionardo Carlos kasunod ng pahayag ukol sa pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy sa mga tauhan ng pambansang pulisya.

Unang sinabi ng PNP na hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga ‘di bakunadong pulis na walang maipapakitang negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawang linggo.

Sagot rin ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

“However kapag sinabi natin they will not go to work it does not mean that they will not be working. They will still deliver the police services needed,“ ang wika ng PNP chief.

Pero sa halip na field work ay ililipat na lang ng assignment ang mga pulis na hindi pa nagpapabakuna upang makaiwas silang mahawa sa COVID-19.

“We will not allow them to be exposed. At the same time kasi kapag unvaccinated sila, ilagay namin sila sa QCP medyo delikado. So we will put them in a place probably take an admin role so they can still do the job for us,” ani Carlos.

Ayon sa hepe ng PNP, hindi maaaring lumiban ang mga hindi pa bakunadong pulis dahil maraming mabinbinbing trabaho.

“So ganun yung aming sistema kasi lugi naman ho ang gobyerno, ang taumbayan kung because it is their choice not to be vaccinated and yet they are not delivering services,” ani Carlos.

Unang sinabi ng PNP na mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang leave credits ay ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ng PNP, ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” rule ay alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Layunin rin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.
Base sa datos ng PNP Health Service, nasa 1,808 pang tauhan ang hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 299 ang nagbigay ng medical reason, 194 ang nagsabing may allergy, 393 ang buntis, 63 ang lactating mother o nagpapasuso, 69 ang nagsabing labag ang pagpapabakuna sa kanilang religious beliefs, siyam ang under quarantine habang ang nalalabing bilang ay walang ibinigay na dahilan. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

‘No vaccine, no work’ rule sa mga pulis, ipatutupad ng PNP

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Magpapatupad na rin ng “no vaccination, no work’ rule ang Philippine National Police (PNP) para sa mga tauhan nito sa gitna ng nagpapatuloy pa ring banta ng COVID-19.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, layunin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.

Alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Sa tala ng PNP, 1% na lang sa kabuuang 222,000 sa kanilang hanay ang hindi pa nababakunahan.

Kabilang na dito ang 965 o 0.43% na walang maibigay na balidong dahilan kung bakit ayaw magpabakuna. Nasa 865 naman ang nagsasabing may allergy o medical condition kaya hindi pa nagpapabakuna.

Ayon kay Carlos, hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 maliban na lamang kung may maipapakita silang negatibong resulta ng RT-PCR test tuwing ikalawang linggo.

Sagot ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

Gayundin ang magiging patakaran sa mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna o first dose pa lang ang natatanggap.

Babala ng PNP chief, mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang mga leave credits… ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ni Carlos, mahalagang bakunado ang lahat ng tauhan ng PNP dahil kabilang sila sa mga frontliners at upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon laban sa virus.

Dapat din aniyang maging halimbawa ang PNP sa pagsunod sa mga patakaran ng IATF bilang tagapagpatupad nito. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Over 90 million COVID-19 vaccine jabs administered in PH – Palace

Robie de Guzman   •   December 3, 2021

MANILA, Philippines – The Philippines has administered over 90 million doses of COVID-19 vaccines since the government rolled out the immunization drive in March, Malacañang said Friday.

Citing the December 2 data from the National COVID-19 Vaccination dashboard, acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles said a total of 90,259,621 doses have been administered nationwide.

Of said figure, 48.42 percent or 37.3 million individuals have been fully vaccinated, he added.

The total included some 52.4 million first doses and 432,301 booster doses.

The government aims to vaccinate 54 million by the end of 2021 and up to 70 million by March 2022 to attain population protection against COVID-19.

In a bid to scale up the country’s vaccination rate, the government launched a three-day mass vaccination campaign, which initially aimed to vaccinate 9 million.

The campaign covered at least 8 million individuals in three days. The Department of Health earlier said this figure is expected to go up as reports continue to come in.

Meanwhile, the government also announced that the expanded rollout of the administration of booster shots for all fully vaccinated individuals aged 18 and above has started on Friday.

This program includes the Phase 2 rollout of the booster and additional doses for priority group A3 (persons with comorbidities), Nograles said.

Tandaan natin na importanteng magpabakuna sa gitna ng banta ng Omicron variant,” he said.

“Sa milyun-milyong nabakunahan na mga Pilipino, 99%+++ ay walang naramdaman na adverse reaction, o kung mayroon man, mild lamang po ito. Wala pong namatay na direktang may kaugnayan sa COVID-19 vaccine jab,” he added.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.