Presyo ng mga paputok at pailaw sa Bocaue, tumaas na

Robie de Guzman   •   December 31, 2020   •   710

MANILA, Philippines – Tumaas na ang presyo ng mga pailaw at paputok na ibinibenta sa Bocaue, Bulacan ilang oras bago ang pagpapalit ng taon.

Ayon kay Lea Alapide, ang president ng Philippine Pyrotechnics Manufacturer and Dealer Association, itinaas nila nang bahagya ang presyo ng tinda nilang paputok upang makabawi sa pagkalugi.

Ang dagdag-presyo ay kasunod na rin ng pagpapatupad ng total firecracker ban sa Metro Manila at ilang bayan sa Zambales at Tarlac.  

“Hindi naman po yung talagang mataas na mataas, Kung meron man pagtaas don sa mga dealers na kakaunti yung stock siguro doon sa partikular na produkto. Kung may pagtaas man P1, P2, P5. Mura lang naman po sa maliliit na items, sa malalaki naman meron P50, P100,” ang pahayag ni Alapide.

Ayon naman sa ilang firecracker vendor sa Bocaue, nagmahal na ang kemikal na ginagamit nila sa paggawa ng paputok kaya tumaas ang presyo ng kanilang mga produkto.

Ang mga paputok na tumaas ang presyo ay ang Sawa (2,000 rounds) na ngayon ay P800 mula sa dating P700, Sinturon na nasa P50 mula sa P40, Luces P30 kada 10 piraso, Fountain na nagkakahalaga ng P35, at Aerial na may presyong P5,500 para sa 168 shoots mula sa dating P4,500.

Dahil sa pagtaas ng presyo, binawasan ng ilang customer ang binibiling paputok habang ang iba naman ay mas piniling ibili na lang ng pagkain ang kanilang pera.

Una nang nagpaalala ang Philippine Natioal Police at Department of Health sa publiko na iwasang gumamit ng paputok, lalo na ang mga ipinagbabawal na uri nito upang makaiwas sa disgrasya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Nestor Torres)

Pasig City reports one victim of stray bullet, seizes P700k worth of firecrackers

Marje Pelayo   •   January 4, 2021

MANILA, Philippines — Mayor Vico Sotto reported on Monday (January 4) that Pasig City was able to confiscate more than P700,000-worth of firecrackers and related items from the New Year’s Eve revelry.

Sotto added that based on their tally, only three individuals sustained firecracker-related injuries, the lowest number so far in the city’s history.

He, however, reported one stray bullet injury.

The Mayor said the Philippine National Police (PNP) believes the that the bullet may have come from somewhere in Pinagbuhatan in Pasig, Taytay or Cainta, based on its trajectory.

The victims are now confined at the Pasig City General Hospital.

In December, Metro Manila mayors agreed to impose a complete firecracker ban in welcoming the New Year.

READ: PNP confirms firecracker ban in NCR, warns violators

Despite the total ban, there are still reports of firecracker-related injuries in several areas of the region.

Given the results, Mayor Sotto suggests that the government should keep a close watch on the supply of firecrackers to minimize, if not to fully end, the risks of firecrackers to the safety and health of the people.

“Sa susunod na Bagong Taon, mas kailangan tutukan ang SUPPLY. Kung gusto talaga natin na walang firecrackers nationwide o kahit metro manila, kailangan wala ring mabibili ang mga tao. Maraming nahuli kagabi, pero ang totoo mahirap makipaghabulan,” he said.

9 fireworks-related injuries, naitala sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center

Robie de Guzman   •   January 1, 2021

MANILA, Philippines – Hindi bababa sa siyam na biktima ng paputok ang isinugod sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa Maynila sa nakalipas na magdamag.

Ito ay sa kabila ng ipinaiiral na firecracker ban sa Metro Manila kasabay ng mga selebrasyon sa pagpapalit ng taon.

Isa sa mga biktima ang naputulan ng daliri matapos masabugan ng paputok, dalawa ang nagkaroon ng minor burn habang ang iba naman ay nagtamo ng minor injuries matapos umanong matalsikan ng sumabog na paputok.

Ayon kay Dr. Charmain Mendoza, ang nakatalagang officer of the day sa JRRMMC, kabilang sa mga biktima ng paputok ay mga menor de edad.

“Majority naman adults pero we have very few na minors, most of nung mga minor naman ay passive cases,” ani Mendoza.

Matapos aniyang lapatan ng paunang lunas ay pinauwi na rin ang mga biktima ng paputok.

“Yung mga dumating naman natin mga patients ay minor cases lang, all of them naman are sent home na,” ang pahayag ni Mendoza.

Ito ang pinakamababang kaso ng fireworks-related injuries na naitala ng ospital sa nakalipas na limang taon.

Noong 2015, 113 ang naitala nitong biktima ng paputok, 67 noong 2016, 56 noong 2017 at 37 naman noong 2018.

Noong 2019 naman ay 38 ang naitalang fireworks-related injuries sa JRRMMC habang siyam noong 2020. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

Manila Mayor Isko, nagbabala vs mga lalabag sa firecracker ban

Robie de Guzman   •   December 31, 2020

MANILA, Philippines – Mahaharap sa multa at posibleng pagkakakulong ang sinumang lalabag sa polisiya na nagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng mga paputok sa lungsod ng Maynila, ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa ilalim ng Executive Order No. 47 na nilagdaan ni Domagoso, papatawan ng multa na hanggang P30,000 o pagkakakulong ng mula anim na buwan hanggang isang taon ang mahuhuling magpapaputok sa mga pampublikong lugar.

Ang mga tindahan naman ng paputok o pyrotechnic devices ay maaaring makansela ang business permit bukod pa sa multang ipapataw dahil sa paglabag sa Fire Code of the Philippines.

Babala ni Mayor Isko, maraming pulis ang nag-iikot sa lungsod upang bantayan ang mga matataong lugar, tulad ng Divisoria Market, pati na ang residential areas upang ipaalala ang iwas-paputok campaign ng pamahalaan.

“We are always certain about our rules but while it is true that we’re trying to be diplomatic as much as possible by asking o hinihikayat but kung may lalabag po, marami pong pulis na naka-deploy sa buong Maynila at marami pong posibleng mahuli dahil huhulihin po talaga,” ang pahayag ni Mayor Isko.

Payo ng alkalde sa mga residente na idaan na lamang sa ibang paraan o gumamit ng ibang pampaingan ang pagdiriwang sa pagpapalit ng taon.

“Hanggat maaari nga gusto ko mag-subi sila ng pera, mag-save sila ng pera kasi pwede naman natin i-celebrate yung holiday nang iba pang mga ways katulad ng bata kami kaldero, nagkakatalo. So, there are so many ways to celebrate the holidays,” ang wika ni Domagoso.

Una nang nagpasa ng resolusyon ang konseho ng mga alkalde sa Metro Manila para sa pagbabawal ng paggamit at pagbebenta ng mga paputok ngayong holiday season. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.