Presyo ng gasolina sa ilang lugar sa Bohol, umabot sa P100 kada litro

admin   •   October 18, 2013   •   2566

Ang pagdagsa sa isang gasolinahan sa bayan ng Calape, Bohol sa pangambang magkaubusan ng supply ng gasolina kasunod ng pagtama ng 7.2 magnitude earthquake noong Martes. (ROMALDO  MICO SOLON / Photoville International)

Ang pagdagsa sa isang gasolinahan sa bayan ng Calape, Bohol sa pangambang magkaubusan ng supply ng gasolina kasunod ng pagtama ng 7.2 magnitude earthquake noong Martes. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

MANILA, Philippines — Doble ang itinaas sa presyo ng gasolina sa mga lalawigan na matinding napinsala ng lindol.

Ayon sa mga nakapanayam ng UNTV News na mga habal-habal driver, mula sa dating P60, umabot na ng P100 ang kada litro ng gasolina.

Ayon sa kanila, hanggang sa ngayon ay kakaunti pa ring gasolinahan ang nagbukas mula nang lumindol noong Martes.

Dahil dito, laging mahaba ang pila sa mga bukas na istasyon ng gasolinahan. Pila pila ang mga motor, habang ang iba naman ay may dalang mga container upang paglagyan ng gasolina.

Dahil sa mataas na presyo ng gasolina, pati ang singil sa pamasahe sa habal-habal ay tumaas na rin.

Mula sa dating P50, ngayon ay P150 na ang singil sa bawat pasahero.

May namataan din ang UNTV News na may mga tindahan na nagbebenta ng tingi-tinging gasolina na nagkakahalaga ng P70 hanggang P100.

Sa ngayon, nagbukas na ang ilang gasolinahan sa bayan ng Tubigon at Calape at nasa normal na presyo pa rin ito na P57. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

COMELEC, mas gustong gamitin ang brand new voting machines para sa 2016 elections

admin   •   January 8, 2015

FILE PHOTO: Ang Precinct Count Optical Scan o PCOS machine na naging bahagi na ng 2 national elections. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

MANILA, Philippines – Kung nasunod ang orihinal na plano nang COMELEC, wala na sanang uusbong na mga katanungan kaugnay sa paghahanda nito sa nalalapit na 2016 presidential elections.

Sa panayam ng programang Get it Straight with Kuya Daniel Razon, sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. na naiwasan sana ang mga pagdududa kung naisakatuparan ang orihinal na planong mga bagong voting machine ang gagamitin sa darating na halalan.

Ngunit dahil sa kakulangan ng budget at sa rekomendasyon na rin ng COMELEC Advisory Council noong Agosto ay ginamit ang mga lumang PCOS machine.

“Gusto namin noong una, bibili na lang ng bago para wala nang ingay.”

Nahaharap ngayon sa kaliwa’t kanang batikos ang COMELEC matapos ibigay nito sa Smartmatic ang refurbishment o pagkukumpuni sa 82,000 PCOS machines na gagamitin sa 2016 presidential elections.

Ilang grupo na rin ang nagbanta na dadalhin sa Korte Suprema ang usapin.

Paliwanag naman ng COMELEC, tanging diagnostics pa lang ng mga makina ang pinayagang gawin ng Smartmatic.

Ito ay upang makita kung may kailangang kumpunihin.

Ayon kay Brillantes, ibang usapan na ang pagsasagawa ng major repair sa mga makina na pwede umanong idaan sa public bidding, ngunit sa Smartmatic pa rin bibilhin ang mga piyesang gagamitin.

“Sila may gawa ng hardware, sila may control sa software, bakit patitingnan sa ibang casa na di sila ang gumawa? Sabi nga ng isang gagawa, kakalasin at bubuksan. Pero sa Smartmatic, isang tingin lang, kita na nila ang problema,” ani Brillantes.

Giit pa nito, iniiwasan nila ang magipit sa panahon dahil kung idadaan sa bidding ang diagnostic, tinatayang aabutin pa ito ng dalawang buwan o higit pa.

Nitong Disyembre lang rin naaprubahan ang budget para dito kaya ngayon lang nila mauumpisahan ang proseso ng refurbishment.

“Kung di umabot, di magagamit ang 80,000 PCOS, babalik tayo sa manual.”

Nanindigan din si Brillantes na walang midnight deal sa kasunduan nito sa Smartmatic. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Cash incentives sa mga pulis na may magandang performance, ibibigay na sa Enero

admin   •   December 31, 2014

FILE PHOTO: Mga pulis na naka-destino sa isang anti-pork barrel protest. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

MANILA, Philippines — Makatatanggap ng insentibo ang mga pulis pagpasok ng 2015.

Nai-release na ng Department of Budget and Management ang P1.3 bilion para sa Performance-Based Bonus (PBB) ng mga tauhan at opisyal ng PNP.

Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, i-a-assess ng pamunuan ng PNP ang naging performance ng mga pulis sa kategoryang good, better at best.

“Ibibigay ito sa January 6 doon sa ATM at yung wala pang ATM ay itsi-cheque nila. Naka-base ito sa performance evaluation ng bawat pulis.”
Sinabi pa ni Mayor na ang Performance-Based Bonus (PBB) ay bukod pa sa naunang Productivity Enhancement Incentive (PEI) na limang libong piso bawat isa para sa 150,000 tauhan ng PNP.
Ibinigay naman ito kasabay ng sweldo noong Dec.15-30.

“Natanggap na yung five thousand. Natanggap na yung 13th month pay sa January 6, meron pa.”

Ang PBB ay matatanggap ng mga pulis sa pamamagitan ng kanilang ATM .

Ang Productivity Enhancement Incentive (PEI) at Performance-Based Bonus (PBB) ng mga pulis ay bukod pa sa 13th month pay na itinatakda ng batas. (LEAH YLAGAN / UNTV News)

Mga maliliit na eroplano, bawal pa rin sa Tacloban Airport

admin   •   November 20, 2013

Ang C130 aircraft ng Philippine Air Force sa Tacloban Airport na nagdadala ng mga relief goods mula sa Maynila at naghahatid ng mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Yolanda na gustong lumuwas sa Maynila. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, bawal pang lumapag dito ang mga maliliit na eroplano. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

Ang C130 aircraft ng Philippine Air Force sa Tacloban Airport na nagdadala ng mga relief goods mula sa Maynila at naghahatid ng mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Yolanda na gustong lumuwas sa Maynila. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, bawal pang lumapag dito ang mga maliliit na eroplano. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

MANILA, Philippines — Hindi pa rin pinahihintulutan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang mga maliliit na eroplano na lumapag sa Tacloban Airport.

Ayon sa CAAP, ipinatutupad pa rin ang total ban sa light fixed wing aircraft at private planes sa paliparan matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Sinabi ni CAAP Deputy Director General, Captain John Andrews na prayoridad nila ang mga commercial flights na mula Mactan, Cebu at Manila na nagdadala ng relief goods. (UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.