Presyo ng baboy, posible pang tumaas habang papalapit ang holiday season – DA

Robie de Guzman   •   November 22, 2021   •   354

MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa ulat ni Aileen Cerrudo sa UNTV C-News, sinasabing umaabot sa P20 hanggang P60 ang presyo ng karne ng baboy.

Sa Mega Q Mart, nasa P420 ang presyo ng kada kilo ng liempo, P350-P360 naman ang halaga ng kada kilo ng kasim.

Sa Commonwealth Market, hanggang P320 ang halaga ng liempo at nasa P360 naman ang kasim.

Nasa P390 ang presyo ng kada kilo ng liempo habang nasa P300 to P340 ang presyo ng kasim sa Malabon Central Market.

Sa Munoz at Guadalupe Market naman, umiikot sa P360 hanggang P380 ang kada kilo ng liempo habang nasa P320 at P330 naman ang kasim.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ito ay bunsod ng kakulangan pa rin sa supply ng baboy dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon sa DA, posible pang tumaas ang presyo ng baboy sa pagsapit ng buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagtaas ng demand kaugnay ng holiday season.

OCTA: COVID-19 growth rate in NCR slows down to -1%

Robie de Guzman   •   January 17, 2022

MANILA, Philippines – The growth rate of COVID-19 is decreasing in Metro Manila, the OCTA Research group said on Monday.

OCTA Research fellow Dr. Guido David said the daily growth rate of the seven-day moving average in the region has slowed down to -1 percent.

“Base sa datos kahapon na may 15,959 cases ay bumaba ang daily growth rate to negative 1 percent from 2 percent. So ibig sabihin, naging negative na, mukhang pababa na ng kaunti,” David said in a televised public briefing.

“Pero again di pa tayo pwedeng mag-celebrate,” he added as he stressed the need to closely monitor the case trends in the coming weeks to see if figures are really declining in the NCR.

In a post on Twitter, David said that the growth rate over the past four days, in order, were 11%, 5%, 3%, and 2%.

The region’s COVID-19 reproduction number also went down to 2.67 from around 6.16 recorded last January 2. The rate refers to the number of people infected by one positive case.

While this trend is encouraging, and suggesting the possibility that cases in the NCR have peaked, David said that the possibility still remains that visibility of the situation in the region is clouded because of limitations in testing.

And though the peak may be nearing in the NCR and other nearby areas, David noted that there are many areas outside in the country that have shown an increase in COVID-19 cases.

“Actually, all over the country now, we’re starting to see an increase in cases, kaya makaka-affect ito sa sinasabi nating peak kung pinag-uusapan buong bansa,” he said. “Pero possible na sa NCR, tsaka Cavite, Bulacan, Rizal ay baka malapit na ang peak o nagpi-peak na tayo.”

David urged those in the provinces to get vaccinated or boosted against COVID-19 to protect themselves from hospitalization and severe form of the disease.

He also advised the public to continue adhering to public health protocols such as the proper wearing of face mask, social distancing, and refrain from unnecessary travel to help curb COVID-19 transmission. (with details from Correspondent Rosalie Coz)

DepEd NCR nagdeklara ng health break mula Enero 15 to 22

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng academic health break ang regional office ng Department of Education (DepEd) para sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng dumaraming bilang ng mga nagkakasakit dahil sa COVID-19.

Sa inilabas na memorandum order, sinabi ng DepEd-NCR na suspindido muna ang klase sa lahat ng antas sa basic education mula Eneroi 15 hanggang 22.

Muling babalik ang klase sa Enero 24 hanggang 29 pero limitado lang muna ito sa distance learning modalities gaya ng online schooling, module at DepEd TV.

Hindi rin required ang pisikal na pagpasok sa paaralan ng mga guro.

Gayunman, dapat gamitin na lang ng mga estudyante at guro ang kanilang midyear break mula Enero 31 hanggang Pebrero 5 para sa makeup clasess upang mabawi ang mga backlog sa aralin.

Nakatakda naman ang second quarter examinations para sa Pebrero 7 at 8.

Una nang binigyan ng kapangyarihan ng DepEd ang regional at school division offices na magdesisyon ukol sa suspensyon ng klase bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19.

“kung ang pagtataya ng ating Local Officials Regional Director Level or Division or even at the School Level ay kailangan magsuspinde ng klase o ng if not the full class ay learning activities then we are authorizing maximum of two weeks at a time subject to reporting at kung mas mahaba pa dun ay kailangang ikonsulta sa amin kung maaring pahintulutan ito,” ani DepEd Undersecretary Noel Nepomuceno.

Samantala, nasa diskresyon naman ng mga pribadong paaralan kung kailan sila magsususpinde ng klase.

Maliban sa NCR, nagdeklara na rin ng class suspension ang DepEd CALABARZON mula Enero 17 hanggang 29.

Ang pamahalaan naman ng Antipolo City sa Rizal ay nagdeklara rin ng health break sa kaparehong petsa.

Nauna nang nagdeklara ng health break ang pamahalaang lungsod ng Maynila simula ngayong Biyernes, Enero 14 hanggang 21.

Layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga guro at mag-aaral na makapagpahinga, lalo na ang mga may karamdaman. (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

 

Metro Manila, other areas to remain under COVID-19 Alert Level 3 until January 31 – Palace

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – Metro Manila and other areas in the country will remain under COVID-19 Alert Level 3 until the end of January, Malacañang announced Friday.

Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles said Metro Manila will keep current restrictions until January 31 amid the rapid increase in COVID-19 infections.

Under Alert Level 3, several establishments will be allowed to operate at 30 percent indoor venue capacity for fully vaccinated individuals, and 50 percent outdoor venue capacity, provided that employees are fully vaccinated.

The conduct of religious gatherings, and operations of personal care services, recreational venues are limited, while in-person classes, contact sports, funfairs, and casinos are among those prohibited under this alert level.

Other areas placed under Alert Levels 3 and 2 until January 31 are the following:

The government earlier announced the following areas under Alert Level 3:

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.