PNP, patuloy na nakikipagtulungan sa imbestigasyon sa mga operasyon kontra iligal na droga

Maris Federez   •   November 3, 2021   •   167

MANILA, Philippines — Nagbigay pahayag ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ulat ng Commission on Human Rights (CHR) sa programa ng pulisya kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP chief PGen. Guillermo Eleazar, ang naturang mga drug operation din ang kasulukuyang iniimbestigahan ng Department of Justice kung saan nakikipagtulungan na ang pambansang pulisya.

Nais din aniyang malaman ng PNP ang katotohanan sa ilang kwenstiyunableng operasyon ng mga pulis kung saan namatay ang mga drug suspect.

“We in the Philippine National Police would also want to know the truth because these allegations of human rights and extra-judicial killings that have been hounding us in more than five years have resulted in a sweeping generalization that all our operations against illegal drugs are tainted with abuses,” ani Eleazar.

Binigyang diin din ng opisyal na marami ring namatay na alagad ng batas sa pagtupad ng kanilang tungkulin na sugpuin ang mga nagpapakalat ng mga iligal ng droga.

“This is unfair to a number of our operatives who died and were wounded in the conduct of operations and this grossly ignores the fact that the efforts and sacrifices of our men on the ground have resulted in the unprecedented reduction of index crimes across the country,” ani pa ng pinuno ng pulisya.

Base sa resulta ng pag-iimbestiga ng CHR, mula sa bilang na 466 na suspek na umanoy nanlaban sa mga otoridad, 11 lamang ang nakaligtas.

Ayon pa sa CHR, nasa 87 sa mga napaslang ang nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan. —/mbmf (mula sa ulat ni UNTV Correspondent Lea Ylagan)

Commuters na hindi bakunado vs COVID-19, hindi aarestuhin – PNP

Robie de Guzman   •   January 18, 2022

MANILA, Philippines – Hindi magpapatupad ng aresto ang Philippine National Police (PNP) sa mga pasaherong hindi pa bakunado laban sa COVID-19 sa gitna ng ipinaiiral na “no vaccination, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Roderick Augustus Alba, papayuhan at pauuwiin lang sa kani-kanilang mga bahay ang mga pasagerong hindi papayagang sumakay sa mga pampublikong sasakyan.

“No arrest will be effected except for specific violations of law that authorized lawful arrest of offenders,” ang wika ni Alba.

Ang PNP ay isa sa law enforcement agencies na katuwang ng Department of Transportation (DOTr) sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.

“Naging matagumpay po ang unang araw ng ‘no vax. no ride’ policy ng PNP, DOTR at LTFRB sa kalakhang Maynila, hindi natin pinahihintulutang sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga walang maiprisintang katibayan na sila bakunado,” ani Alba.

Sa ilalim ng polisiya, hindi papayagang sumakay ang mga hindi bakunado laban sa COVID-19 at walang maipakitang katunayan o dokumento.

Hindi naman nito saklaw ang mga may medikal na kondisyon kaya hindi nabakunahan at ang mga lumalabas ng bahay para sa essential goods and services.

“Ang mga hindi nabakunahang pasahero na nameet naman ang criteria for exemption to the policy ay pinapayagang sumakay at bumiyahe,” ani Alba.

Hindi rin sakop ng polisiya ang mga manggagawang itinuturing na essential workers o nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa publiko.

Una nang ipinaalala ng DOTr na dapat may maipakitang kaukulang dokumento gaya ng medical certificate o iba pang katunayan ang isang indibiduwal upang ma-exempt sila sa nasabing polisiya.

Kung may medical check-up o examination, magtatrabaho, bibili ng essential goods, mag-a-apply ng lisensya, passport at iba pa, kailangan lang din na magpakita ng mga pruweba ng pagpunta sa mga kaukulang lugar gaya ng identification card sa mga empleyado, medical o exam appointment, barangay health pass at iba pa.

Kung fully vaccinated na, dapat ay dala ang vaccination card.

Samantala, plano naman ng PNP na magpakalat ng mga tauhang magsisilbing “mystery passenger” sa mga pampublikong sasakyan na magbabantay sa mga tsuper at konduktor na lalabag sa ipinatutupad na health protocols.

Kukunin ng mga ito ang plate number ng sasakyan at ang ruta nito at para sa karampatang aksyon.

Nagbabala naman ang PNP sa mga gumagamit ng pekeng vaccination cards na maaari silang makulong ng hanggang anim na buwan at magmulta ng hanggang P50,000. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

 

P1.1 million worth of shabu seized in Taguig City

Robie de Guzman   •   January 13, 2022

MANILA, Philippines — Around P1.1 million worth of illegal drugs were confiscated in a series of operations in Taguig City, the Philippine National Police (PNP) said on Thursday.

In a statement, the PNP said police operatives conducted four successive operations, led by the National Capital Region Police Office (NCRPO) on Tuesday, January 11.

Initial report revealed that a tricycle driver identified as Halil Abo, 26, was arrested after two heat-sealed plastic sachets of shabu worth P173,400.00 were found in his possession.

An hour after, elements of the NCR Drug Enforcement Unit conducted a separate buy-bust operation leading to the confiscation of P515,440 worth of illegal drug and the arrests of drug suspects, Wynlove Buco, 38, and Eusebio Bahia Jr.,43.

Taguig City police also arrested 44-year old Raffy Lumenda, who was found with illegal drugs with a street value of P345,440.00.

Two individuals, identified as Alvin Co, 36, and Jessie Christopher Cruz, 38, were also nabbed for illegal drugs along MLQ St., Purok 5, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City in another anti-illegal drugs operation conducted on the same day. Confiscated items were packs of suspected shabu worth P76,160.00.

PNP chief Police General Dionardo Carlos lauded police officers involved in the operation.

“Successive operations in a day—this is a feat. I thank the dedication of the police units involved. This huge amount of illegal drugs must be reflective of the network of narcotic operations that may be behind these cases,” he said.

“The next step is to identify the big fish,” he added.

PNP to monitor public safety as more schools resume limited in-person classes

Robie de Guzman   •   January 13, 2022

The Philippine National Police (PNP) on Thursday said it will implement a deployment plan within the vicinity of various campuses as more schools are set to resume limited face-to-face classes amid the rising cases of COVID-19.

The PNP issued the statement following the announcement of the Commission on Higher Education (CHED) that it will push through with the Phase 2 of the limited in-person classes in higher education institutions (HEI) in areas under COVID-19 Alert Level 3.

CHED earlier said the Department of Health has allowed the in-person classes to commence on January 30 for HEIs located in areas under Alert Level 3, while universities and colleges under Alert Level 2 can begin anytime.

“We defer to the wisdom of CHED in allowing the limited resumption of face-to-face classes. Our primary duty is to make sure the minimum public health standards are strictly observed amid another spike of COVID-19 cases especially in areas under Alert Level 3,” PNP Chief General Dionardo Carlos said in a statement.

He said schools planning to resume limited physical classes should be prepared to welcome back the students, teachers and other non-teaching staff safely.

“These HEIs that are willing to reopen must assume the responsibility of complying with the health and safety protocols,” Carlos said.

Aside from the schools, the PNP said establishments surrounding educational institutions are also expected to begin receiving more customers or clients.

“Thus, they are reminded of the importance of implementing the minimum public health standards like temperature scanning before entry, observance of physical distancing, wearing of face masks, and non-acceptance of unvaccinated individuals if backed by a valid mandate,” it added.

The PNP also urged security officers from the private sector to work closely with the police to better control the gathering of people and prevent the further spread of COVID-19.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.