Currency
May 25, 2017, Thu, 01:11 PM
Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

PNP nagpasalamat sa mga nagawa ni DILG Sec. Mar Roxas sa ahensya

by UNTV News   |   Posted on Friday, July 31st, 2015

FILE PHOTO: PNP facade and DILG Sec. Mar Roxas (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nagpasalamat ang Philippine National Police o PNP sa mga nagawa ni DILG Secretary Mar Roxas.

Ginawa ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang pasasalamat ilang oras matapos na pormal na i-endorso ni Pangulong Aquino si Roxas bilang standard-bearer ng Liberal Party sa 2016 presidential elections.

Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, bukod sa mga gamit tulad ng patrol jeep at baril na nabili ng PNP si Roxas din ang ama ng Lambat Sibat; ang programa ng PNP laban sa mga kriminal.

“Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay napakaraming programa na nagawa niya, capability enhancement ng PNP, nakita niyo naman ang napakaraming na acquire namin na mga baril, mga sasakyan at radio sa kanyang pamumuno,” ani Mayor. (LEA YLAGAN / UNTV News)

Tags: ,

Leave a Reply

Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.