PNP Maritime Group nagtayo ng istasyon sa Pag-asa Island

Robie de Guzman   •   October 19, 2021   •   155

Nagsimula na ang deployment ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group sa Pag-asa Island na sakop ng West Philippine Sea.

Ayon kay PNP Maritime Unit-National Capital Region (NCR) chief Police Colonel Oliver Tanseco, walong tauhan na pinamumunuan ng isang opisyal na may ranggong Police Major ang unang batch na ipinadala sa lugar.

Aniya, tungkulin ng grupo na bantayan ang buong munisipalidad ng Kalayaan at pangalagaan ang seguridad ng mga Pilipinong mangingisda laban sa mga dayuhang sasakyang pangisda.

“Ang primary responsibility po natin, unang-una, magbigay-suporta at tulungan yung ating pamahalaan sa pagpapatupad ng batas natin doon sa Pag-asa Island,” ani Tanseco.

“Siyempre doon sa ating exclusive economic zone, ang ating sovereign right, at doon sa mga area na pasok sa territorial sea, ang ating sovereignty,” dagdag pa niya.

Lakip rin ng kanilang tungkulin ang pangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipinong mangingisda na makararanas ng panggugulo mula sa mga dayuhang sasakyang pandagat.

“Sa Pag-asa Island po ang ating mga police are trained police investigators po para kung kinakailangan po ay magkakaroon tayo ng pag- arrest po ng mga barko na pumapasok, nagi-intrude, nagpo-poaching sa ating waters. Ang ating pulis po ang magko-conduct ng investigation and for filing of cases in court,” ani Tanseco.

Bukod sa mga maritime police sa Pag-asa Island, mayroon ding walong tauhan ang mga ito na nakasakay sa BRP Dagupan City na tumutulong naman sa Philippine Navy sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ang Pagasa Island ang pangalawa sa pinakamalaking natural island sa West Philippine Sea at matatagpuan 480 kilometers kanluran ng Puerto Princesa sa Palawan.

Mga pulis na ayaw magpabakuna, ililipat ng assignment – PNP chief Carlos

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Papayagan pa ring magtrabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang nilinaw ni PNP chief Police General Dionardo Carlos kasunod ng pahayag ukol sa pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy sa mga tauhan ng pambansang pulisya.

Unang sinabi ng PNP na hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga ‘di bakunadong pulis na walang maipapakitang negatibong resulta ng RT-PCR test kada dalawang linggo.

Sagot rin ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

“However kapag sinabi natin they will not go to work it does not mean that they will not be working. They will still deliver the police services needed,“ ang wika ng PNP chief.

Pero sa halip na field work ay ililipat na lang ng assignment ang mga pulis na hindi pa nagpapabakuna upang makaiwas silang mahawa sa COVID-19.

“We will not allow them to be exposed. At the same time kasi kapag unvaccinated sila, ilagay namin sila sa QCP medyo delikado. So we will put them in a place probably take an admin role so they can still do the job for us,” ani Carlos.

Ayon sa hepe ng PNP, hindi maaaring lumiban ang mga hindi pa bakunadong pulis dahil maraming mabinbinbing trabaho.

“So ganun yung aming sistema kasi lugi naman ho ang gobyerno, ang taumbayan kung because it is their choice not to be vaccinated and yet they are not delivering services,” ani Carlos.

Unang sinabi ng PNP na mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang leave credits ay ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ng PNP, ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” rule ay alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Layunin rin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.
Base sa datos ng PNP Health Service, nasa 1,808 pang tauhan ang hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 299 ang nagbigay ng medical reason, 194 ang nagsabing may allergy, 393 ang buntis, 63 ang lactating mother o nagpapasuso, 69 ang nagsabing labag ang pagpapabakuna sa kanilang religious beliefs, siyam ang under quarantine habang ang nalalabing bilang ay walang ibinigay na dahilan. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

‘No vaccine, no work’ rule sa mga pulis, ipatutupad ng PNP

Robie de Guzman   •   December 6, 2021

MANILA, Philippines – Magpapatupad na rin ng “no vaccination, no work’ rule ang Philippine National Police (PNP) para sa mga tauhan nito sa gitna ng nagpapatuloy pa ring banta ng COVID-19.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, layunin nitong mahikayat ang iba pang tauhan na magpabakuna bilang dagdag proteksyon kontra coronavirus disease.

Alinsunod aniya ito sa mga patakarang ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Sa tala ng PNP, 1% na lang sa kabuuang 222,000 sa kanilang hanay ang hindi pa nababakunahan.

Kabilang na dito ang 965 o 0.43% na walang maibigay na balidong dahilan kung bakit ayaw magpabakuna. Nasa 865 naman ang nagsasabing may allergy o medical condition kaya hindi pa nagpapabakuna.

Ayon kay Carlos, hindi papayagang pumasok sa trabaho ang mga pulis na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 maliban na lamang kung may maipapakita silang negatibong resulta ng RT-PCR test tuwing ikalawang linggo.

Sagot ng mga nasabing tauhan ang bayad sa COVID-19 testing.

Gayundin ang magiging patakaran sa mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna o first dose pa lang ang natatanggap.

Babala ng PNP chief, mamarkahan ng absent na ibabawas sa leave credits ang mga tauhan na hindi magsusumite ng RT-PCR test.

Sakali naman naubos na ang kanilang mga leave credits… ipatutupad na ng PNP ang “no work, no pay” rule sa mga pulis.

Giit ni Carlos, mahalagang bakunado ang lahat ng tauhan ng PNP dahil kabilang sila sa mga frontliners at upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon laban sa virus.

Dapat din aniyang maging halimbawa ang PNP sa pagsunod sa mga patakaran ng IATF bilang tagapagpatupad nito. (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Aplikasyon para sa exemption sa election gun ban at security detail recall, simula na sa Dec. 1

Robie de Guzman   •   December 1, 2021

MANILA, Philippines — Simula Miyerkules, Disyembre 1, ay tatanggap na ng aplikasyon ang Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections para sa exemption sa gun ban at security detail recall kaugnay ng 2022 elections.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Augustus Alba, tatagal hanggang Mayo 25 ang application period.

Batay sa Comelec Resolution 10728, ipinagbabawal ang pagdadala ng baril kapag nagsimula na ang election period sa Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022.

Kailangan ding i-recall ang lahat ng security detail na dineploy ng Police Security and Protection Group sa mga pulitiko, opisyal ng pamahalaan at pribadong indibiduwal.

 Tanging ang mga may pahintulot lamang ng Comelec ang bibigyan ng bantay.

Exempted sa recall ng security detail ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Supreme Court Chief Justice, AFP chief of staff at major service commanders, COMELEC chairman, mga kalihim ng Department of National Defense at ng Interior and Local Government, at senior officers ng PNP.

Ang mga ire- recall na security detail o protection security personnel ay isasalang naman sa VIP security and protection refresher course.

Sa lahat ng interesado ay maaaring mag-apply online sa official website ng COMELEC.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.