PNP: Malaking sindikato, nasa likod ng nakumpiskang 40-kilo ng shabu sa NAIA

admin   •   January 7, 2015   •   3718

Si PNP-AIDSOTF Spokesperson at Legal & Investigation Chief P/CInsp. Roque Merdegia habang ipinapakita sa media ang litrato ng nasabat na pinagbabawal na gamot na nakasingit sa loob ng isang water pump. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) na malaking sindikato ang nasa likod ng nahuling 40-kilo ng shabu nitong Lunes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang 40-kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P200-milyon ay sakay ng Cathay Pacific flight CX903, mula Taiwan noon pang December 29, 2014.

Nakumpiska ito ng PNP-AIDSOTF at PDEA sa Pair-Pags Cargo Center matapos na i-claim ng consignee na si Danilo Pineda upang umano’y i-deliver sa isang nagngangalang “Boyet” ng Parañaque.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Spokesperson at Legal & Investigation Chief P/CInsp. Roque Merdegia, base sa kanilang imbestigasyon ay pang limang beses nang nag-import ng water pump ang suspek na si Danilo Pineda.

“Nagtataka ka kung bakit nag-iimport ng water pump na paapat-apat lang, palima-lima lang dahil kung talagang ang merkado mo ay madami dapat by bulk o container van, ito apat na piraso lang at nakalagay sa karton na di naman design para don,” anang opisyal.

Sinabi pa ni Merdegia na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs para sa mas mahigpit na monitoring at inspeksyon sa mga cargo na madalas na nagagamit ng mga sindikato sa operasyon ng shabu.

Tulad na lamang ng paggamit ng walis, cake, prutas, granite, bolt, stuff toys, tea bag at maging sa lotion at shampoo bottle sa ilegal na operasyon ng droga ng mga sindikato.

“Sa Customs talaga nakikipagugnayan kami para higpitan yung kanilang protocol kasi sa mga cargo medyo hindi mahigpit yung mga padala at balikbayan boxes, mukhang di istrikto sana yun ang tutukan,” saad pa ng opisyal.

Iginiit pa ng AIDSOTF na posibleng dadagsa na naman ang importasyon ng shabu dahil mas mura ito kumpara sa pagma-manufacture nito sa bansa. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

PHL authorities see int’l syndicate link in P5.1-B shabu seized in Bulacan drug bust

Robie de Guzman   •   June 5, 2020

MANILA, Philippines – Authorities are now looking into the profile and possible network of a Chinese national who was arrested during a Thursday buy-bust operation that yielded around P5.1 billion worth of suspected shabu (crystal meth) in Marilao, Bulacan.

The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) said the suspect, identified as Yuwen Cai, could be a “trusted man” of a bigger drug personality or an international syndicate given the volume of illegal drugs confiscated by the authorities.

Elements of the Philippine National Police and PDEA, together with the Bulacan Police, on Thursday afternoon stormed a warehouse along Reley Street in Barangay Lias.

Yuwen Cai, said to be the caretaker of the warehouse, was arrested during the operation, along with Filipinos Angela Miole Tulio and Ma. Lyn Miole Tulio.

Seized from the suspects were boxes containing 808 kilograms of suspected shabu, which police authorities consider as its biggest drug haul to date.

According to PDEA Director General Wilkins Villanueva, they are now looking into the Chinese man’s connections to an international drug syndicate, and if he is linked to chemist, Samson Tan who was arrested during a recent raid in a kitchen-type shabu laboratory in Biñan, Laguna.

“Chinese ang nandito eh, ibig sabihin, konektado na ito sa international drug trafficking organizations. Titingnan namin sa matrix namin kung konektado, from him siguro ito yung babagsakan, pwedeng from importation, dito lalagpak,” he said.

Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa also said they have a link diagram on the illegal drug’s possible source and where it is supposed to be supplied.

“Meron tayong link dito, kung kanino ito probably source, saan siya i-deliver, sino yung pinakamalaking tao. But of course, we do not want to voice it out to the media, as you remember itong drug is continuing operations, pag i-voice mo yung link nila magti-change sila ng negosyo,” Gamboa said.

The suspects are facing charges for violation of Republic Act 9165 or the Dangerous Drugs Act. – RRD (with details from Correspondent Lea Ylagan)

MIAA asks locally stranded individuals not to proceed to NAIA without confirmed flights

Marje Pelayo   •   June 5, 2020

MANILA, Philippines — The Manila International Airport Authority on Thursday (June 4) appealed to locally stranded individuals returning to their respective provinces, not to proceed to the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) unless they have confirmed flights.

In an advisory, General Manager Ed Monreal noted the overwhelming number of locally stranded individuals (LSIs) who came in groups at NAIA on Tuesday. The group later revealed that their alleged leader told them to proceed to Terminal 2 because a flight was on standby to bring them home to various parts of Visayas and Mindanao. 

The group refused to leave the terminal saying they will just wait for a flight whenever it becomes available.

During their stay, they were provided with meals from the Overseas Workers Welfare Administration as well as Malasakit kits from MIAA.

Monreal expressed concern over their situation as their prolonged stay outside the airport building poses risk to their health.

He appealed to all LSIs to make sure they have confirmed booking and valid tickets before proceeding to the airport to avoid going through the same experience.

PNP, may 2 buwang palugit sa pagpaparehistro ng expired na lisensya ng baril

Robie de Guzman   •   June 1, 2020

MANILA, Philippines – Posibleng magbigay ng dalawang buwang palugit ang Philippine National Police (PNP) para sa pagpaparehistro ng mga lisensya ng baril na nag-expire mula March 17 hanggang May 31 dahil sa community quarantine kaugnay ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay PNP chief General Archie Gamboa, wala ring ipapataw na penalty sa mga nag-expire na firearm licenses sa mga nabanggit na buwan.

“A month or two, we will recalibrate how fast also we can process kasi baka matambakan kami, sabihin namin mag renew kayo dapat within one month e hindi naman namin kaya ang workload so we have to revisit how many licenses have actually expired and what will be our rate in processing per day,” ani Gamboa.

Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, sa June 4 na sisimulan ang processing ng aplikasyon at registration para sa lisensya ng baril kasabay ng muling pagbubukas ng frontline administrative functions at regulatory services ng PNP.

Maaaring iproseso ang aplikasyon para rito sa Firearms and Explosives Office (FEO), Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA), One-Stop-Shop Office (OSS) and Regional Civil Security Units (RCSU) ng PNP.

Ngunit paalala ni Gamboa, by appointment ang gagawin upang malimitahan ang bilang ng aplikasyon kada araw.

“We will devise scheduling so that we can control the population in any of the different offices of the PNP… Kasi hindi naman kami exempted. We have to observe yung social distancing at mass gathering under GCQ (general community quarantine),” ani Gamboa.

Sa gate pa lang ng Camp Crame, kailangang mag-fill out ang aplikante ng contact tracing form na papipirmahan sa nakausap na tauhan ng PNP.

Iiwanan ito sa gate bago lumabas ng kampo.

Paliwanag ni Gamboa, layunin nito ang mapabilis ang contact tracing sakaling may magpositibo sa COVID-19. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.