Currency
May 25, 2017, Thu, 12:57 PM
Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

Panukalang Bigyan ng mas Malaking Buwanang Pensyon ang SSS Members, Pasado na sa Ikatlong Pagbasa sa Kamara

by UNTV News   |   Posted on Monday, February 4th, 2013

House of Representatives (UNTV News)

House of Representatives (UNTV News) and SSS logo (Wikipedia)

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng mas malaking buwanang pensyon ang mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Pumabor ang isandaan at walumpu’t limang mambabatas na ipasa ang nasabing panukala at wala namang kumontra dito.

Sa naturang panukalang batas, itataas sa P1,700 mula sa dating P1,200 ang buwanang pensyon ng mga nakapag-serbisyo ng sampung taon.

Para naman sa mga nakapag-serbisyo ng dalawampung taon, itataas na ang buwanang pensyon sa P3,400 mula sa dating P2,400. (UNTV News)

Tags: , ,

Leave a Reply

Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.