Pamamahagi ng ayuda sa NCR tuloy pa rin kahit tapos na ang ECQ period — Malakanyang

Robie de Guzman   •   August 23, 2021   •   175

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Malakanyang ang ulat na ihihinto na ang pamamahagi ng ECQ ayuda sa mga hindi pa napagkakalooban nito sa Metro Manila at iba pang lalawigan matapos ilipat ang mga nasabing lugar sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tuluy-tuloy pa rin ang distribusyon ng cash assistance, pati na ng family food packs mula sa Department of Social Welfare and Develoopment para sa mga nangangailangan ng karagdagang tulong.

“Habang hindi ninyo pa po natatanggap ang ayuda ninyo maski naibaba na sa MECQ ang classification, tatanggapin ninyo pa rin po ang ayuda na intended sa panahon ng ECQ,” ani Roque

Sa datos ng Department of the Interior and Local Government, 75 percent na ng kabuuang pondong nakalaan sa Metro Manila para sa ECQ ayuda ang naipagkaloob na sa mga nangangailangang residente.

Mayroon namang hanggang August 25 ang mga lokal na pamahalaan upang tapusin ang distribusyon bagaman maaaring magsumite ng request for extension depende sa sitwasyon.

Samantala, umaasa naman ang pamahalaan na huling ECQ na ang ipinatupad sa Metro Manila nitong Agosto.

Mula nang magkaroon ng pandemya, tatlong ulit nang isinailalim sa ECQ ang Metro Manila — una ay noong Marso hanggang Mayo 2020, pangalawa noong Marso hanggang Abril 2021, at Agosto 6 hanggang 20, 2021.

Ayon kay Roque, mahihirapan nang kamtin ng bansa ang economic recovery kung masusundan ng panibagong hard lockdown.

“Let’s just say we are hoping kasi alam ninyo naman kada lockdown natin, we have to adjust again our economic forecast. So far, positive pa rin ang inaasahan nating economic development within the year of 2021 pero another lockdown baka hindi na po natin makamit ang positive growth,” ani Roque.

Sa datos ng OCTA Research Team, bumagal ang hawaan ng COVID-19 sa NCR sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa ECQ subalit kinakailangang maipagpatuloy ang mga hakbang na ginagawa kontra covid-19 sa loob ng apat pang linggo upang tuluyang makontrol ang pandemiya sa NCR. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

Ilang pasyalan sa Metro Manila bukas na sa publiko pero mga bata, bawal sa ilang parke

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines – Bukas na sa publiko ang ilang pasyalan sa Metro Manila kasunod ng pagsasailalim sa rehiyon sa COVID-19 Alert Level 3.

Kabilang sa mga binuksang pasilidad ay ang Quezon Memorial Circle, kung saan pinapayagan ang pagpasok ng mga bata basta’t may kasamang magulang o adult guardian.

Maaari ring kumain sa parke at bukas ang playground para sa mga batang gustong maglaro.

May mga nag-iikot namang security personnel upang masegurong nasusunod ng mga bisita ang ipinatutupad na public health protocols.

Malawak ang Quezon Memorial Circle at maaari itong pagdarausan ng individual exercise.

Bukas ang lugar mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Sa Maynila naman, bukas rin ang Luneta at Paco Park mula alas-5 ng umaga para sa mga nais mamasyal at mag-ehersisyo sa liwasan.

Ngunit ayon sa National Parks Development Committee (NPDC), bawal pa rin ang pagpasok sa Rizal Park ng mga menor de edad kahit sila ay mag-e-ehersisyo.

“Sa ngayon po, dahil po sa IATF guidelines ay hindi po muna natin ina-allow ang mga bata sa parks and then, yung pagdating naman din po sa pagkain, hindi pa rin po nag-a-allow ng picnic po sa park,” ang paliwanag ni Florizza Buclatin, ang chief of staff ng NPDC.

Sa Intramuros, tumatanggap na rin ng bisita ang Baluarte de San Diego at Fort Santiago pero bawal pa rin ang mga menor de edad.

Bukas ang Fort Santiago mula alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi habang ang Baluarte de San Diego naman ay bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Bukas ang mga pasyalang ito, bakunado man o hindi kontra COVID-19.

Paalala ng mga otoridad sa mga bisita, kailangan pa ring nakasuot ng face mask, iwasan ang overcrowding at panatilihin ang physical distancing. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

PNP, may babala vs. mga magulang ng mga batang pakalat-kalat sa pampublikong lugar

Robie de Guzman   •   October 22, 2021

 

MANILA, Philippines – Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na huwag munang hayaang lumabas ng bahay ang kanilang mga anak sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Ginawa ng PNP ang apela kasunod ng pagdagsa ng mga menor de edad sa mga pasyalan matapos isailalim sa COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila mula Oktubre 16 hanggang 31.

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, malinaw ang patakaran na hindi pa maaaring lumabas ang mga bata maliban kung mahalaga ang lakad gaya ng pagpapa-checkup.

Una na ring sinabi ng Malakanyang na limitado pa rin in general ang paggalaw ng mga bata at papayagan lamang silang lumabas para mag-ehersisyo o kaya ay para sa essential services.

“Nilinaw na ng Metropolitan Manila Development Authority ang panuntunan sa paglabas ng mga kabataan. Maaari lamang silang lumabas kung sila ay magpapagamot o kaya mageehersisyo. Dapat din ay kasama nila ang kanilang magulang tuwing lalabas,” ani Eleazar.

“Kaya naman pinapaalalahanan ko ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak dahil baka akala ng mga ito, maaari na silang basta-basta lumabas dahil sa kakaunting pagluluwag dito sa Metro Manila,” dagdag pa niya.

Babala ng PNP, maaaring papanagutin ang mga magulang ng mga batang makikitang pakalat-kalat sa mga pampublikong lugar.

Payo rin nito sa mga magulang na bigyang-prayoridad ang kaligtasan ng mga anak sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Business recovery very likely as restrictions ease — employers group

Maris Federez   •   October 22, 2021

MANILA, Philippines — The Employers Confederation of the Philippines (ECOP) is confident that businesses will be able to recover soon as alert level restrictions begin to ease in selected areas in the country.

ECOP said that business owners are seeing gradual recovery from losses as protocols to counter the spread of COVID-19 relax.

“Kapag nagnonormal yung restrictions mag-uumpisa nang kumita ang mga iyan,” said ECOP president Sergio Ortiz-Luis Jr.

Ortiz-Luis added that it is now time for the government to allow companies to operate with a larger percentage of their workforce to help them recover.

He said all it takes for them is to implement stricter health protocols in their areas of employment.

Employers must also not make vaccination status a basis for accepting employees returning for work.

“Kapag tinanong mo meron din ilan-ilang nagpa-positve sa workplace eh. Pero kapag ininspeksiyon mo saan nakuha, hindi naman doon sa workplace eh. Nakuha sa paghanap ng sasakyan, pagpila sa kung ano-anong pinipilahan,” Ortiz-Luis said.

“Napakaraming pila: pila sa ayuda, pila sa COMELEC, pila sa paghanap ng sasakyan, paglalakad, pagtitipon, paghahanap ng pagkain. Doon nakukuha. Hindi sa workplace. Bakit hindi mo papasukin?” he added.

However, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) stressed that vaccination, alongside the efficient implementation of quarantine restrictions, is still the key to economic recovery.

“The continued decline in COVID-19  infection cases owing to the speedier COVID vaccine rollout and more effective granular lockdown will help underpin the economy’s gradual reopening,” said BSP Governor Benjamin Diokno.

Currently, the National Capital Region is under Alert Level 3 until the end of October, wherein several business establishments have been allowed to operate with limited capacity. —/mbmf (from the report of UNTV Correspondent Nel Maribojoc)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.