Pamahalaan, tiniyak ang ayuda sa mga naapektuhan ng lindol sa Masbate

Marje Pelayo   •   August 18, 2020   •   209

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng tulong ang mga residenteng naapektuhan ng malakas na lindol sa Masbate at ilang bahagi ng Visayas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakahanda na ang mga sangay ng gobyerno na magbibigay ng relief goods sa mga pamilyang nasa evacuation centers.

“Pagdating po sa ayuda ay huwag po kayong mag-alala — mga pagkain, mga blanket, mga resettlement area — lahat po iyan ay naka-preposition na po at sanay na sanay na po tayong magbigay ng ganiyang tulong sa ating mga kababayan,” pahayag ni Roque.

Samantala, wala pang detalye ang Palasyo kung dadalaw ng personal si Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar.

“Siguradong-sigurado po ako na gusto ni Presidenteng pumunta,” ayon kay Roque.

“Whether or not he will be allowed ay tingnan po natin,” pagtatapos nito. MNP (sa ulat ni Rosalie Coz)

Proposed order for price cap on COVID-19 tests awaiting Duterte decision – Palace

Robie de Guzman   •   October 29, 2020

MANILA, Philippines – A proposed executive order that will impose a price cap on coronavirus disease (COVID-19) tests is now awaiting the signature of President Rodrigo Duterte, Malacañang said Thursday.

Presidential Spokesperson Harry Roque said the Department of Health’s (DOH) Technical Working Group (TWG) submitted the proposal after completing its review on the recommended price cap.

Roque refused to divulge the recommended price ceiling on coronavirus testing in private hospitals and laboratories but he expressed optimism that the president will approve the proposal.

“Hintayin po muna natin ang desisyon ng president. Why is that? Kasi yung iba naman, napakataas ng sinisingil, alam naman natin, pwedeng mas mura yang testing na yan,” he said in a televised briefing.

Roque said the proposal seeks to make COVID-19 testing affordable and could help boost the government’s contact tracing and mass testing efforts.

“Para mas maging affordable ang testing sa ating mga kababayan ng sa gayong paraan ay mas maraming matetesting,” he said.

The DOH earlier recommended the placing of a price ceiling after observing differences in the COVID-19 testing cost in various laboratories and hospitals in the country. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

Duterte may create independent team to probe alleged corruption in DPWH – Palace

Robie de Guzman   •   October 22, 2020

MANILA, Philippines – President Rodrigo Duterte may form a separate task force to investigate the alleged widespread corruption within the Department of Public Works and Highways (DPWH), Malacañang said.

Presidential Spokesperson Harry Roque said the president would prefer an independent body although the task force created by the DPWH is a start.

DPWH Secretary Mark Villar earlier ordered the creation of a five-member task force to probe and file charges against officials and employees allegedly involved in the corrupt practices.

Roque, however, noted that some have raised doubt if it can succeed in exercising its functions as “it’s the same people investigating one another.”

The Palace also urged the public to give DPWH the chance to fight and rid the agency of corruption. – RRD (with details from Correspondent Rosalie Coz)

Mas maluwag na general community quarantine, umiiral sa Metro Manila —Malacañang

Marje Pelayo   •   October 19, 2020

MANILA, Philippines — Mas marami na ang maaaring lumabas ng bahay ngayon at pinalawig pa ang kapasidad ng pampublikong transportasyon sa kabila na nananatili ang banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Hinihikayat na rin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng business activities upang maka-engganyo ng mas maraming customers bukod pa sa mas maraming negosyo ang pinahihintulutan nang magbukas.

“Tama po kayo, mas maluwag na general community quarantine ang pinaiiral ngayon sa Metro Manila,” sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamahayag nitong Lunes (October 19).

Ang pagluwag ng quarantine restrictions ay upang makabawi ang ekonomiya sa bansa mula sa epekto ng pandemya.

Samantala, ayon sa kalihim, may mga sang-ayon sa mungkahi ng Metro Manila Mayors na palawigin na ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang buwan ng Disyembre.

Subalit, naka-depende pa rin ito sa desisyon ng policy-making body ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Iyan po ang parang nabubuong concensus, pero siyempre po hindi ko po pwedeng pangunahan because it is a collegial decision,” pahayag ng opisyal.

“Pero ang nangyayari po kasi ngayon, bagaman naka-GCQ ang Metro Manila, nagkakaroon po tayo ng mas malawak na pagbubukas ng mga industriya,” dagdag nito.

Inaasahang bago magpalit ng buwan, isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong quarantine classification sa NCR para sa Nobyembre.

Giit ng opisyal, posible ang anumang quarantine classification sa NCR subalit mananatiling iisa ang posisyon ng pamahalaan – ang pahintulutang makapag-hanapbuhay na ang mga mamamayan habang ipinatutupad pa rin ang minimum health standards. MNP (sa ulat ni Rosalie Coz)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.