Pagmamando ng trapiko palalawigin pa ng PNP-HPG sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila

admin   •   September 10, 2015   •   3444

Miyembro ng PNP-HPG o Highway Patrol Group sa ilalim ng Quezon Avenue flyover nitong Martes. (PHOTOVILLE International)

Miyembro ng PNP-HPG o Highway Patrol Group sa ilalim ng Quezon Avenue flyover nitong Martes. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Matapos maisailalim sa kontrol ng PNP-HPG o Highway Patrol Group ang mga MMDA traffic constable, plano ng HPG na palawigin pa ang pagmamando ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay PNP-HPG Director Arnold Gunnacao, bukod sa MMDA nais rin nilang makatulong sa mga local government unit sa pag-aalis sa mga side walk vendor na nagiging dahilan ng pagsisikip ng trapiko.

“Nagkataon lang po na mayroon tayong mga vendors na matitigas ang ulo na hindi sumusunod although sinasabihan na siguro sila ng mga local government unit ngunit hindi tumutugon,” anang HPG chief.

Bukod sa anim na choke point na unang pinagtuunang paluwagin ng HPG, nais pa nitong palawigin ang nasasakupan para sa maayos na pagsasakatuparan ng traffic plan.

Natukoy ng HPG na ang isang paraan upang mapaluwag ang masikip na trapiko sa EDSA ay maisaayos ang mga exit point.

Inihalintulad ni Gunnacao ang EDSA sa tubo ng tubig na bagama’t makitid ay kayang mapabilis ang daloy kung maaalis ang bara sa daluyan nito.

Ipinaliwanag naman ni Gunnacao kung bakit walang MMDA traffic constable na kasama ang mga HPG sa kasagsagan ng malakas na ulan at pagbaha noong Martes na nagdulot matinding traffic.

“Ang deployment plan pala nila ay ang mga intersection na walang Highway Patrol, so walang nakasamang MMDA sa anim na choke point na nakatalaga yung Highway Patrol Group.”

Dagdag pa ng HPG chief, natagalan bago naibigay ng MMDA sa HPG ang listahan ng mga binabahang lugar sa EDSA at iba pang lugar, “Hindi lang po umabot yung listahan na kukunin kasi ang talagang plano dun, ano yung mga alternate na ruta na kukunin. Maganda naman ang nangyari dahil talagang nakita natin saan talaga yung mga baha.”

Inumpisahan na rin ng HPG na pag-aalis sa ilang mga U-Turn slot sa EDSA at maging ang paglilipat ng mga bus stop para ilayo sa mga congested na area.

Sa pamamagitan nito, mas mapabibilis ang takbo ng mga bus sa yellow lane at maiiwasan rin ang sagabal sa daloy ng mga sasakyan.

Sang-ayon naman ang HPG sa suhestyon ng ilan na isulong ang carpooling sa mga motorista, kung lahat aniya ay makikiisa sa naturang sistema, mas luluwag ang trapiko sa EDSA.

Sa ngayon, wala pang naiisip na long-term solution ang HPG sa EDSA kundi ang mapairal ang disiplina sa mga motorista at maging sa mga commuter. (RAMON JOCSON / UNTV News)

Mga bibiyahe sa probinsiya para sa long holiday, mahigpit na babantayan – HPG

Robie de Guzman   •   March 31, 2021

MANILA, Philippines – Mahigpit ang panawagan ng pamahalaan sa publiko, partikular na sa mga residenteng nasa NCR Plus bubble, na umiwas sa pagbiyahe habang ipinaiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sa ilalim ng ECQ, mga mahahalagang biyahe lang ang papayagan at mga authorized person outside of residence (APOR) lang ang maaaring umalis ng kanilang mga tahanan.

Ginawa ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang paalala matapos makatanggap ng ulat ukol sa mga pasaherong dadagsa umano sa mga terminal upang umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya para sa long holiday.

Ayon kay PNP-HPG director Police Brigadier General Alexander Tagum, mahigpit nilang babantayan ang bus terminals at border checkpoints sa Metro Manila upang matiyak na pawing APOR lang ang mga pasahero.

“Magsisismula na po mag-uwian ang mga mamamayan ng National Capital Region na uuwi po sa kani-kanilang probinsya dahil po sa Holy Week,” ani Tagum.

Noog Martes, sorpresang nag-ikot ang mga tauhan ng PNP-HPG at Department of Transportation (DOTr) sa ilang terminal sa Metro Manila at inalam kung may dala ang bawat pasahero na identification card o company ID na nagpapatunay na otorisado silang bumiyahe.

Kung may pasaherong hindi otorisadong bumiyahe, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor na kailangan silang pababain dahil paglabag ito sa mga patakarang inilatag ng Inter-Agency Task Force.

“Pababain ho sila at hindi ho hayaang bumiyahe upang masigurado po natin na ma-achieve natin yung very purpose nitong ECQ natin, which is to limit mobility po ng mga taong hindi dapat lumabas,” ani Pastor.

Paalala rin ng mga otoridad sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan na sumunod sa 50 percent passenger capacity at health protocols sa public transport gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at one-seat apart rule.

Maaaring patawan ng kaukulang multa at kumpiskahin ang lisensya ng mga tsuper na lalabag sa naturang mga patakaran kahit na pasahero ang sumuway sa protocols. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

MMDA to hire 300 more traffic aides for Edsa

Marje Pelayo   •   March 9, 2021

MANILA, Philippines — The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has announced the hiring of 300 traffic auxiliaries to augment the traffic management efforts in Metro Manila’s major thoroughfares.

“We need additional traffic enforcers to improve our traffic management efforts,” MMDA Chairperson Benhur Abalos said.

The official added that the first batch of trainees have undergone RT-PCR swab test and all have tested negative for COVID-19 for everyone’s safety in the workplace.

According to the MMDA, the newly-hired auxiliaries will undergo 15-day training that will cover topics such as academic and non-academic traffic management, physical training, traffic rules and regulations, values formation, human rights, and personality development.

Those who will pass the training will be deployed along EDSA and key areas in Metro Manila to complement the existing manpower of the agency.

Recently, Abalos met with the officials of the Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) to discuss issues concerning traffic management in the National Capital Region NCR).

Mga motoristang mababangga sa MMDA barriers sa EDSA, posibleng kasuhan – HPG

Robie de Guzman   •   September 29, 2020

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na maaaring maharap sa kaso ang mga motorista na maaksidente o mababangga sa barriers na inilalagay sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay PNP-HPG director PBrig. Gen. Eliseo Cruz, sila na ang mag-iimbestiga at magsasampa ng kaso sa mga motorista na makakasira ng mga barrier ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) alinsunod sa kanilang kasunduan.

“Yun ang naging arrangement namin sa MMDA na for everytime na that there’s a crash involving especially yung mga barriers na nilatag ng DoTr at MMDA, kami na magpa-file ng case doon sa involved driver for Reckless Imprudence resulting in Damage to Property, so kami na humahawak ng kaso,” ang wika ni Cruz.

Paliwanag ng HPG official, layunin nito na mabawasan ang mga nasasangkot sa aksidente lalo’t karamihan sa mga ito ay nagbabayad lang ng danyos at hindi nasasampahan ng kaso.

“Hindi nadadala ang mga driver so dapat nakakasuhan din, para talaga mag-ingat sila sa pagmamaneho,” ang sabi ni Cruz.

Sinabi rin ng opisyal na bahagi ng responsibilidad ng mga motorista na alamin ang mga batas trapiko at iba pang patakaran sa kalsada upang hindi sila mabigyan ng ticket.

Kabilang sa mag patakaran ang pagbabawal sa pagdaan sa EDSA busway at pagsasara sa ilang u-tun slot sa bahagi ng EDSA North Avenue.

Sa inspeksyon ng HPG ngayong Martes, maraming motorista ang nasita dahil sa pagdaan sa Busway upang umikot sa U-turn slot na noong Lunes pa isinara ng MMDA.

Katwiran ng mga nahuling driver, hindi nila alam na isinara na ito upang bigyang daan ang tuluy-tuloy na pag-arangkada ng mga pampasaherong bus sa naturang ruta.

“Hindi nila puwedeng sabihin na hindi nila alam, pag ganyan ang busway ay para lamang sa bus so maraming violation ang puwedeng ibigay natin sa kanila… kelangan sundin natin ang batas trapiko,” ang pahayag ni Cruz.

Sa huli, pinagbigyan muna ng HPG ang mga ito at pina-alalahanang sumunod sa polisiya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.