Pagbubukas ng klase sa Agosto 24, nais ipagpaliban ng ilang senador

Robie de Guzman   •   August 12, 2020   •   288

MANILA, Philippines – Isinusulong ng ilang senador ang pagpapaliban sa nakatakda sanang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 lalo na sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng mahigpita na community quarantine restrictions.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, dapat ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa mga lugar na maaari pa ring mapasailalim sa modified enhanced community quarantine dahil sa nagpapatuloy na banta ng novel coronavirus disease (COVID-19).

“Ang pinakabasic component ng learning continuity plan is yung self-learning module na idedeliver sa bahay-bahay, na pipick-upin sa school. Pero paano natin gagawin yun if the situation is worsening?” ani Gatchalian.

“Kung ang areas ay ma-extend ng MECQ, we should just postpone the school opening on those areas because hindi natin pwedeng palakarin yung mga guro natin, palabasin yung mga magulang natin sa kondisyon na lumalala,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng mambabatas na sa ilalim ng Republic Act 11480 na kamakailan ay isinabatas ng Kongreso, binibigyan ng “flexibility” ang pangulo pagdating sa pagpapaliban sa pagbubukas ng klase sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inamyendahan ng batas ang Section 3 ng Republic Act 7797 na nagsasaad na hindi dapat lalagpas sa buwan ng Agosto ang pagbubukas ng school year.

Naniniwala naman si Senator Francis Tolentino na dapat munang tapusin ng Department of Education (DepEd) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11480.

“So, sana madaliin natin ito kasi matagal na naman ‘tong na-publish. Apparently, nakalimutan niyo, nakaligtaan niyo. In your rush to make the August 24 deadline which has been amended,” ani Tolentino.

Depensa naman ng DepEd, isinasapinal pa nila ang IRR at nagpapatuloy pa ang konsultasyon sa iba’t ibang sector.

Sinabi rin ng kagawaran na maaaring makipag-pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte si Education Secretary Leonor Briones ukol sa isyu ngunit hindi pa tiyak kung ano ang isusumite nilang rekomendasyon.

Sa ngayon anila ay tuloy ang school opening sa Agosto 24.

Tiniyak rin ng kagawaran na may inilatag na silang mga hakbang upang maseguro ang kaligtasan ng mga guro sa gitna ng banta ng COVID-19.

“Wala po dapat tayong ipangamba na baka po mahawa ang ating mga guro dahil epektibo po yung ating rules dito on alternative work arrangement, na hindi naman po sila inoobligang pumasok sa ating mga paaralan,” ani DepEd Undersecretary Toni Umali.

“’Yung first two weeks natin ay devoted to psychosocial intervention and debriefing activities,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng opisyal na prayoridad sa ngayon ng DepEd na maipamahagi sa mga mag-aaral ang self-learning modules na gagamitin sa unang dalawang linggo ng klase.

Una nang iniulat ng DepEd na 38 porsiyento o katumbas ng 82 school division offices sa bansa ang nakakumpleto na ng printing ng mahigit sa kalahati ng kinakailangang modules para sa unang bahagi ng school year.

Habang nasa 61 porsiyento o 132 school division offices naman ang hindi pa nakakatapos sa printing ng self-learning modules.

Sa huling tala ng DepEd, mahigit 23 milyong estudyante ang nag-enrol mula kindergarten hanggang grade 12 para sa School Year 2020-2021.

Mas mababa ito kumpara sa 27 milyong enrolees na naitala noong nakaraang taon.

Ibig sabihin, nasa apat na milyong kabataan ang hindi naka-enrol para sa darating na pasukan.

Naniniwala naman ang kagawaran na madaragdagan pa ang bilang ng mga enrollee sa mga susunod na araw. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Harlene Delgado)

DepEd, nangangailangan ng learner support aides para sa darating na pasukan

Robie de Guzman   •   September 28, 2020

MANILA, Philippines – Balak ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng learner support aides (LSA) na makakatuwang ng mga guro sa pagsasagawa ng learning modalities sa darating na pasukan.

Ayon kay DepEd Undersecretary Jess Mateo, bahagi ng tungkulin ng LSAs ay tumulong sa mga guro sa paggabay sa mga mag-aaral o magulang pagdating sa learning modality. Tutulong din sila sa paghahanda at paghahanda ng mga aralin at pagbabantay sa pag-aaral ng mga estudyante.

“Ang unang-una po is to support the teachers and parents para sa paghahatid ng basic education services doon sa mga learners natin in this new normal. Pangalawa po, ita-tap natin yung potential qualified individuals among households within the community let me emphasize within the community para sa ganun ma-prevent natin yung transmission,” ang pahayag ni Mateo.

Ayon sa DepEd, maaaring mag-apply bilang LSA ang nakatapos sa Senior High School o nakapasok ng dalawang taon sa kolehiyo.

Dapat ay nasa 21 taon hanggang 59 taong gulang at kung maaari ay nakatira sa komunidad na may paaralan.

Prayoridad sa mga kukuning LSA ang mga nag-apply sa DepEd nitong School Year 2020-2021 ngunit hindi nabigyan ng provisional appointment dahil walang available na plantilla teaching item.

Maging ang mga guro sa pribadong paaralan na nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara sa gitna ng pandemiya ay maaari ding mag-apply bilang LSA.

Ang learner support aide ay maaaring tumanggap ng buwanang sahod mula P6,000 hanggang P11,000 depende sa minimum daily wage sa kanilang lugar. Ang pondo para rito ay maaaring kunin sa special education fund o maintenance and other operating expenses ng mga paaralan.

Magtatrabaho sila sa ilalim ng anim na buwang job order ngunit maaari naman itong ma-renew.

“Sa usapin naman ng compensation ang tinitignan po natin dito ay nasa halagang P6,000 to P11,000 kasi po ito yung daily minimum daily wage set by the national wage productivity commission, iba-iba po yan,” ani Mateo.

Sa mga interesadong aplikante, maaari silang pumunta o tumawag sa mga Schools Division Office ng DepEd upang magsumite ng requirement para sa selection at assessment process.

Ayon sa DepEd, ang Schools Division Offices na ang bahalang magpasya kung ilang LSA ang kanilang kukunin depende sa pangangailangan. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Dante Amento)

DepEd drafts supplemental policy to boost child protection during online classes

Aileen Cerrudo   •   September 22, 2020

The Department of Education (DepEd) drafted a supplemental policy to boost child protection during online classes.

DepEd Undersecretary for Legal Affairs Josephine Maribohoc said the supplemental policy includes guidelines for recording online classes.

“In fact when we issued supplemental policy as a policy it would  become a rule. Unlike guidelines that you mentioned, they are recommendations, so once those are adopted into policy they become rule,” she said.

“And some of the themes actually on recording, seeking consent, use of images, all of those will be in the supplemental policy. And we hope we will come in that policy in the very near future,” she added.

The department expects that learners will be using the online learning approach more often following the educational system’s shift to the new normal. AAC (with reports from Dante Amento)

DepEd holds final test run for educational TV broadcast

Aileen Cerrudo   •   September 22, 2020

The Department of Education (DepEd) on Monday (September 21) began the final test run for its educational TV broadcast.

According to DepEd Information and Communications Technology Service (ICTS) Director Abram Abanil, they will test run 26 episodes which is set to officially air at the beginning of classes on October 5.

Importante itong dry run para mapag-praktisan naman iyong mga procedures para araw-araw makapag-broadcast tayo ng 6 to 27 episodes (The dry run is important to practice the everyday procedures of broadcasting 6 to 27 episodes) amounting to 130 episodes per week this coming October 5 to December 31),” he said.

The episodes will also be dubbed in local languages.

Abanil also clarified that the episodes will be for major subjects as they still cannot allot episodes for all subjects. However, DepEd officials expect to expand the subjects by 2021.

There are currently 170 teacher-broadcasters in DepEd, mostly in Metro Manila. DepEd said they are still in the process of adding more teacher-broadcasters. AAC (with reports from Dante Amento)

TAGS   

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.