Pagbabakuna sa mga edad 11 pababa posibleng simulan bago matapos ang 2021 – FDA

Robie de Guzman   •   November 23, 2021   •   298

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Food and Drug Administration (FDA) na malaki ang tiyansang masimulan na rin ngayong taon ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga batang may edad 11 at pababa.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, dalawang vaccine manufacturers na ang nag-aasikaso sa ngayon ng requirements para maaprubahan ang aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang mga bakuna para sa nakababatang populasyon.

“I would think before end of the year. I am pretty sure Pfizer is going to be ready. The Sinovac also told us that their data is being collated and it will be submitted soon,” ani Domingo.

“I believe before the end of the year, we are going to have vaccines for children below 12,” dagdag pa niya.

Sakaling makumpleto ng vaccine manufacturers ang requirements para ma-amyendahan ang dosing regimen ng kanilang mga bakuna ay maaaring mabigyan na ng bakuna ang mga batang may edad lima hanggang 11 bago pa pumasok ang 2022.

“By Pfizer, I hope that they will be sending in their application for an EUA very soon. Nagtanong na sila eh, they have already asked for the list of requirements and they told us that they will be completing the requirements,” ani Domingo.

“It is like a new EUA kasi may bagong innovation doon sa product,” dagdag pa niya.

“Ang Sinovac rin hinihintay pa ulit namin na mag-submit ng EUA nila for children below 18 years old. They just want to complete some more data to give to our vaccine experts and we hope to get that soon,” ang wika ni Domingo.

Ang pagbabakuna sa 5-11 age group ay sinimulan na sa mga bansang Amerika at Israel upang upang mabigyan ng proteksyon kontra COVID-19 ang mga bata dahil sa banta ng mababagsik na coronavirus variants gaya ng Delta.

Lumabas din sa mga pag- aaral ng mga eksperto na sampung beses na mas may tiyansang mahawa sa COVID-19 ang mga batang 12 taong gulang at pababa.

Sa ngayon, ang mga batang may edad 12 hanggang 17 pa lamang ang binabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas. (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

PH gov’t simplifies rules for COVID-19 vaccination

Robie de Guzman   •   January 14, 2022

MANILA, Philippines – The Philippine government has simplified the requirements for COVID-19 vaccination to encourage more Filipinos to get inoculated amid rising cases of coronavirus infections.

In a press briefing, acting presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles said walk-ins are now allowed at vaccination sites.

 “Hindi na rin po kailangan bilang health screening ang pag-monitor sa blood pressure, unless ang babakunahan ay may history ng hypertension o may sintomas ng hypertension at iba pang konsiderasyon na nakabase sa clinical judgement ng doktor sa vaccination site,” he said.

“Hindi na rin kayo hihingan ng medical clearance at certification para mabakunahan,” he added.

Nograles said medical clearance and certification will only be required for individuals with auto-immune disease, HIV, cancer/malignancy, patients undergoing steroid treatment, and patients with poor prognosis or bedridden.

“May mga bakuna, mas maluwag na po ang requirements para dito, kaya ‘wag na po tayong magdalawang-isip, magpabakuna na po tayo,” Nograles said, addressing the public.

“Luluwag ang ating mga ospital at dadami ang mga bakanteng kama kung marami ang protektado sa malubhang sakit dala ng COVID-19. Let’s help our frontliners and let’s help ourselves by getting vaccinated,” he added.

The Philippines is facing a surge in COVID-19 cases, with 37, 207 infections recorded on Friday, January 14. This is the highest ever single-day tally of cases in the country since the pandemic started in 2020.

Aplikasyon para sa 2 brand ng COVID-19 self-test kits, pinoproseso na – FDA

Robie de Guzman   •   January 11, 2022

MANILA, Philippines – Sinisimulan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagproseso sa aplikasyon ng dalawang brand ng COVID-19 self-test kits.

Ayon kay FDA director general Oscar Guiterrez, sinusuri na ng ahensiya ang mga aplikasyon para sa paglalabas ng special certification

“Dalawa po ang ini-evaluate ng FDA sa ngayon. Na-endorse na po ito kahapon sa RITM para sa technical validation. Once matapos po ng RITM, pwede na po mabigyan ng FDA ng special certification,” ani Gutierrez.

Habang wala pang aprubadong COVID-19 home test kits sa bansa, nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na mag-ingat sa mga ibinibentang COVID-19 home test kits online.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, hindi dapat tangkilikin ang mga ‘di rehistradong self-administered tesing kits dahil hindi tiyak kung ligtas itong gamitin o kung dumaan sa pagsusuri ng mga eksperto.

“Doon sa mga self-test kits na alam ko din na naging very in demand as of this time, of course, that has not been given the proper certification from the Food and Drug Administration to be sold here in the Philippines kaya hindi siya talaga dapat ibinebenta,” ani Cabochan.

Babala ng opisyal, maaaring maharap sa reklamo ang sinomang nagbebenta ng hindi rehistradong self-test kits sa bansa.

pwede nating habulin yung mga nagbebenta n’yan online for as long as this is not certified as legitimate to be sold in the Philippines,” ani Cabochan. (mula sa ulat ni Correspondent Joan Nano)

COVID-19 vaccination para sa mga batang edad 0-4, posibleng isagawa sa Hunyo – Galvez

Robie de Guzman   •   January 11, 2022

MANILA, Philippines – Pinaplano na ng pamahalaan ang gagawing pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga batang wala pang isang taon hanggang apat na taong gulang.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na posibleng simulan ang pagbabakuna sa nasabing age group sa katapusan ng buwan ng Hunyo.

Nasa 11.11 milyon ang populasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 4 taong gulang sa bansa.

Aniya, target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 90 milyong Pilipino bago matapos ang buwan ng Hunyo, kabilang na ang mga maliliit na bata.

“Ito po ang ating mga objectives: unang-una, to vaccinate 90 million Filipinos before the end of June 2022 (Q2). Number two, provide 72.16 million boosters for adult population ages from 18 years old and above. Number three, vaccinate 12.74 million or 12-17 years old with boosters,” ang ulat ni Galvez.

“Number four, bakunahan din po natin ang 15.56 million na 5-11 years old with boosters. And also, we will vaccinate 11.11 million na 0-4 years old with primary series,” dagdag pa niya.

Ayon kay Galvez, gumagawa na sila ngayon ng paraan upang makakuha ng supply ng COVID-19 vaccine para sa nakababatang populasyon dahil limitado pa sa ngayon ang vaccine brands na maaaring gamitin para sa kanila.

“Iyong ginagamit po natin sa mga bata ay only limited brands and will create shortage during the first quarter. Sa 5-11 years old po, iba po ang formulation po nito and it will delay ‘yung vaccination for minors kasi iisa lang po ang mayroon po tayong children formulation,” ani Galvez.

“Iyong children formulation na 5-11 years might be available by the end of January. Ito po ‘yung last ano po namin contact po namin sa ating mga manufacturer and we are now making some contingencies to acquire doses that we need to include the ages 0-4 years old,” dagdag pa niya.

Ayon kay Galvez, nasa 26 milyong dose pa ng COVID-19 vaccines ang kailangang bilhin ng pamahalaan para mabakunahan ang mga batang 5-11 taong gulang.

Sa kasalukuyan ay nasa 52 milyong Pilipino na fully vaccinated kontra COVID-19, habang nasa 100 milyong dose naman ang nasa stockpile ng bansa.

 

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.