Pagbabakuna sa A4 group sa ilang LGU, tigil muna dahil sa limitadong vaccine supply – DOH

Robie de Guzman   •   June 9, 2021   •   51

MANILA, Philippines – Pansamantalang itinigil ng ilang local government unit (LGU) ang pagbabakuna para sa mga indibidwal na sakop ng A4 priority group dahil sa kakulangan sa supply ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa susunod na linggo pa inaasahang maide-deploy sa mga LGU ang karagdagang bakuna na darating sa bansa ngayong linggo.

Ang vaccine supply na para sa A4 sector ay binibili ng pamahalaan mula sa vaccine manufacturers at hindi mula sa COVAX Facility.

Batay sa panuntunan ng pamahalaan, para lamang sa A1, A2 at A3 sectors ang mga bakunang mula sa COVAX Facility.

“So nararanasan po natin ito na pagtigil sa pagbabakuna dahil na rin sa ating limitadong supply. Yung ating dumating na bakuna noong nakarang linggo ay in progress na ng delivery at itong pong linggong ito, bukas ay may dadating din po tayong karagdagang bakuna at ito po ide-deploy kaagad sa ating mga vaccination centers,” ani Dr. Napoleon Arevalo, Director IV ng DOH.

“In fact meron tayong mga timelines na ito ay dapat binibigay kaagad natin once the country receives it to our local governments and ang dictum po natin once they received the vaccine,” dagdag pa niya.

Noong Lunes pormal na sinimulan ang pagbabakuna sa A4 sector na kinabibilangan ng economic frontline workers.

Tinatayang 20 milyon hanggang 30 milyon ang kabilang sa economic frontliners. Mahigit sa 29,000 sa mga ito ang nakatanggap na ng first dose habang nasa 6,269 ang fully vaccinated na.

Ayon kay Arevalo, may natanggap rin silang ulat na may ilang lugar sa National Capital Region (NCR) Plus 8 ang nagsuspindi ng pagbabakuna dahil kaunti lang ang natanggap nilang supply kahit mabilis ang kanilang vaccine rollout.

“To handle, to store and inoculate the vaccines. Kapag mabilis kayong magbakuna talagang mapapabilis din po ang pag-allocate. Importante din po na ang ating A1, 2 and 3 are still our priority habang binabakunahan natin yung A4,” ani Arevalo.

At dahil hindi pa rin sapat ang supply ng bakuna sa ngayon, nakatuon pa lang ang pagbabakakuna sa mga lugar na may mataas ang kaso gaya sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao, na tinatawag na NCR Plus 8.

Mabibigyan naman aniya ang ibang mga lugar kapag dumating na ang iba pang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa ngayong Hunyo

“Kailangan maubos iyong kanilang mga bakuna lalo na iyong frist doses, kailangan ma- check din nila ang pagbabakuna ng kanilang second doses kaya kung may mga natitira pa these are for the second doses,” ang pahayag ni Arevalo.

“Inaasahan natin ngayong Hunyo may dadating na bakuna na tinatayang 10 million doses sana po ay maidagdag na po natin ito sa ating mga A4 segment of the population,” dagdag pa niya.

Sa kasalukyang 6.3 milyon na COVID-19 vaccines na ang naiturok sa mga Pilipinong nasa A1 hanggang A4 sector; 1.6 milyon naman dito ang nakakumpleto na ng kanilang COVID-19 shot. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Aiko Miguel)

PH to receive 1.5 million more Sinovac COVID-19 vaccine doses on June 17

Robie de Guzman   •   June 16, 2021

MANILA, Philippines — The Philippines will receive on Thursday, June 17, some 1.5 million more doses of COVID-19 vaccine from Chinese drug firm Sinovac Biotech, the National Task Force (NTF) against COVID-19 said.

In a media advisory, the NTF said the shipment will be carried by a Cebu Pacific flight, which is expected to arrive at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 7:30 a.m.

The incoming vaccine doses will be the third batch of Sinovac shots to be delivered to the Philippines in June.

The vaccines will then be transported to the cold storage facility of Pharmaserv Express, Inc. in Marikina City where they will be preserved prior to distribution to local government units.

Once delivered, the country’s vaccine supply will increase to more than 14 million doses.

Vaccine czar Carlito Galvez Jr. earlier said that around six million more vaccine doses are expected to arrive in the remaining days of June.

People working in outdoor settings can remove face shields, DOH exec says

Robie de Guzman   •   June 16, 2021

MANILA, Philippines — People working or walking in open-air settings do not have to wear face shields, a health official said Wednesday.

During the Laging Handa public briefing, Health Undersecretary Leopoldo Vega said that face shields may be removed in outdoor settings to avoid accidents, especially for those working as laborers or in construction sites and other similar jobs.

“Ang face shields kailangan lang naman talaga ‘yan ‘pag nasa indoor ka, ‘pag nasa mall ka or pag may interaction ka na face to face inside,” Vega said.

 “Kapag nasa outside naman kasi, alam naman natin na ang risk of transmission is very low lalo na kapag naglalakad ka sa kalye o nagtatrabaho kayo baka maka-affect ‘yung moist nito so puwede ninyo pong tanggalin ‘yan,” he added.

The use of face shields is among the national government’s health protocols against COVID-19.

Vega, who is also the country’s treatment czar, said face shields should still be worn when indoors or in enclosed spaces to prevent transmission of virus.

“Kapag pumasok kayo indoors po kailangan may face shields kasi ito ‘yung added protection na hindi kayo maka-transmit o mahawaan kayo,” he said.

Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and other lawmakers earlier urged the government’s task force for COVID-19 response to remove the protocol on face shield wearing, saying that the Philippines is the only country mandating its use against COVID-19.

Health Secretary Francisco Duque, however, rejected the suggestion, stressing that the policy is backed by science. He also said that the need to wear face shields may only be scrapped when the country’s vaccination coverage further increases.

Bicol doctors urge IATF to place entire region under ECQ

Aileen Cerrudo   •   June 16, 2021

Bicol doctors are urging the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) to place the entire Bicol region under enhanced community quarantine (ECQ). This is due to the surge of covid-19 cases in the region.

The doctors in the region said that the minimum health standards are not strictly implemented, contact tracing takes longer, and there are not enough isolation beds. 

A letter was sent to the Department of the Interior and Local Government (DILG) by the Philippine Medical Association (PMA) in Bicol and the Philippine College of Physicians (PCP) Bicol urging to place Region 5 under ECQ.

According to Kenn Nuyda of the Department of Health (DOH) Bicol, they had long sounded the alarm before the IATF to have the region, particularly Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Naga City, and Legazpi City, placed under ECQ.

“Matagal ng nag-sound the alarm ang DOH sa IATF. Hopefully this appeal by the PMA Bicol and PCP Bicol ay ma-i-grant ng ating National IATF para po ma-escalate ang quarantine classification ng Bicol Region. By doing so, mas strict or mas magiging rigid ang implementation ng quarantine measures sa atin to control the COVID-19 spread among the population group dito sa Bicol region,” he said. AAC (with reports from Venue Palles)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.