Currency
August 19, 2017, Sat, 12:13 AM
Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

Pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, makatutulong sa pagresolba sa unemployment sa bansa

by UNTV News   |   Posted on Thursday, May 30th, 2013

Kasabay ng pag-unlad ng bansa ay ang pagpasok ng mga foreign investors sa bansa na makakapaglikha ng mga trabaho tulad ng sa mga construction workers na ito para sa isang itinatayong bagong gusali. FILE PHOTO (RITCHIE TONGO / Photoville International)

Kasabay ng pagganda ng ekonomiya ng bansa ay ang paglaki ng kumpyansa sa mga foreign investors na magnegosyo sa bansa na makakapaglikha ng mga trabaho tulad ng sa mga construction workers na ito para sa isang itinatayong bagong gusali. FILE PHOTO (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mararamdaman  na ngayon ng sektor ng paggawa ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang 7.8% GDP growth sa 1st quarter ng taon ay posibleng makatulong sa pagpapababa ng unemployment rate sa bansa at sa problema ng mga mangagawa sa informal sectors.

Ang informal sector workers ay mula sa hanay ng mga vendors, jeepney drivers, construction workers at agricultural sector workers na tinatayang nasa 15-milyon.

“Kung lalaki yung wage and salary, sa manufacturing then yan talaga yung may regularity ng income pati security ng job.”

Napagkasunduan kanina ng mga labor group at 23 ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga mangagawa sa informal sectors.

Ayon kay Baldoz, bukod sa tulong na pangkabuhayan ay sisikapin din ng gobyerno na maging miyembro ang mga ito ng SSS, PAGIBIG at Philhealth.

“So yung kanilang need for medical insurance, yung kanilang need for employers compensation pag nagtatrabaho sila tapos nagkaroon ng aksidente, nasugatan o nagkaroon ng injury and worst minsan namamatay papaano yung naiiwan nila so ito yung benepisyo na magbibigay sa kanila ng ganitong protection.”

Target ng DOLE na matulungan ang 2.5 million na nasa informal sector sa loob ng tatlong taon. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)

Tags: , , , , , ,

One Response

  1. JENELYN DIACUN says:

    How to get here in Taiwan please needed

Leave a Reply

Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.