Pag-iisyu ng student driver’s permit, suspindido simula July 1 – LTO

Robie de Guzman   •   June 30, 2020   •   276

MANILA, Philippines – Pansamantalang ititigil ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng student driver’s license simula sa Miyerkules, Hulyo 1.

Ayon kat LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, layon ng suspensyon na maisaayos ang bagong proseso sa pagkuha ng student driver’s permit na inaasahang ipatutupad sa buwan ng Agosto.

Sa bagong proseso, obligadong sumailalim ang aplikante sa 15-oras na theoretical lecture kung saan tatalakayin ang mga batas trapiko at polisiya sa pagmamaneho para sa ligtas na pagbiyahe sa kalsada.

Ang lecture ay maaaring isagawa sa tanggapan ng LTO o sa accredited driving schools na nakalista sa website ng ahensiya.

Wala pang inilalabas na detalye ang ahensiya kung magkano ang singil para sa lecture sessions.

Ayon sa LTO, muling bubuksan ang proseso sa aplikasyon ng student driver’s license kasabay ng pagpapatupad ng bagong sistema sa Agosto 3.

Muli namang nagpa-alala ang ahensiya sa publiko na huwag makipag-transaksiyon sa mga tinatawag na ‘fixers’ o sa mga hindi otorisadong indibidwal kaugnay ng pagkuha ng lisensiya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

Traditional jeepney drivers na pumapasada nang walang QR code, huhulihin – LTO

Robie de Guzman   •   July 6, 2020

MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) na huhulihin nila ang traditional jeepney drivers na pumapasada nang walang naka-paskil na QR code.

Ang QR code ay patunay na kabilang ang isang jeepney unit sa mga pinayagan nang magbalik-operasyon sa gitna ng community quarantine.

Ibinibigay ito sa jeepney driver kung kasama sila sa listahan ng mga operator at driver na pinahintulutang magbalik-pasada. Makikita ang listahang ito sa website at social media account ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Tini–check namin y’ong QR code na ‘yan ng LTFRB. Na-download na nila, so, ‘yan, naka-display na ngayon sa jeep. Plus y’ong protocol natin: social distancing, thermal, face mask,” ani Retired Col. Rolando Abelardo, ang team leader ng LTO mobile 102 Central Office.

Samantala, limang pampasaherong jeep ang hinuli sa operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) ngayong araw sa Malabon City dahil sa sirang gulong at tail light.

“Basta nag-comply lang siguro sila na makakuha ng QR code and then y’ong sasakyan naman hindi naman nila chineck,” ani Col. Rosenso Borja ng IACT Team Barracuda.

Kaya paalala ng mga otoridad sa mga tsuper ng jeep na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe upang makaiwas sa disgrasya. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

LTO Central Office suspends work after 12 employees test positive for COVID-19

Aileen Cerrudo   •   June 18, 2020

The Land Transportation Office (LTO) suspended work at its Central Office and at the Quezon City Licensing Office on Wednesday (June 17) after 12 of its employees tested positive for coronavirus disease (COVID-19).

LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante said they will conduct disinfection including further COVID-19 testing among its employees.

“The health and safety of our employees, as well as those of the public whom we are serving is important. We have suspended operations in order to make sure that the threat of spreading the coronavirus at our offices is contained,” he said.

Operations at the LTO Central Office and the Quezon City Licensing Office will be suspended until Friday (June 19) and will resume on Monday (June 22).

“Clients may renew their license or get their student permit online from LTO-NCR pilot sites in Eastwood Mall and Ever Gotesco along Commonwealth Avenue,” the LTO said. AAC

Alamin ang deadline sa pagbabayad ng ‘ECQ Bills’

Marje Pelayo   •   June 9, 2020

MANILA, Philippines – Unti-unti nang bumabalik ang operasyon ng mga negosyo at balik trabaho na rin ang karamihang manggagawa matapos ang ilang buwang pagkatigil ng paggawa dahil sa pandemya ng coronavirus disease (COVID-19).

Subalit ang kinakaharap naman ngayon ng publiko ay ang kabi-kabilang bayarin sa tubig, kuryente, lisensya at iba nang hindi maputulan o mapatawan ng penalty. 

Hindi kailangang mag-alala dahil nagbigay ng palugit ang mga utility company at ahensya ng gobyerno para sa pagbabayad ng tinatawag na ‘ECQ bills’ o ang mga bayarin sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa mga lifeline customer o mga kumukonsumo ng 10 cubic pababa, nagabiso ang Maynilad at Manila Water na maaring mabayaran ang bills hanggang August 31.

Ang non-lifeline customers naman o ang mga kmukonsumo ng mas mataas sa 10 cubic meters ay maari pang magbayad hanggang July 31.

Ang mga customer naman ng Meralco ay makatatanggap ng dalawang bill ngayong buwan: isang installment payment plan bill na naglalaman ng kunsumo sa panahon ng ECQ at ang regular na buwanang bill.

Kung ang konsumo ay 200 kilowatt hour pababa, maaring bayaran o hulugan ng hanggang anim na buwan ang ECQ bill simula June 15. 

Kung ang konsumo naman ay 201 kilowatt hour pataas ay maaring mabayaran ang ECQ bill hanggang apat na buwan. 

Samantala, sa mga nag-file ng 2019 income tax return (ITR) ay maaring makapagbayad hanggang June 15 lamang.

Paliwanag ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kailangan ng pamahalaan ng pondo upang tustusan ang mga programa nito kontra COVID-19 kaya hindi na ito magbibigay ng palugit.

Ang mga naipong renta naman, maging commercial o residential, ay maaring hulugan sa loob ng anim na buwan base sa inilabas na guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa mga may lisensya at rehistro ng sasakyan na na-expire sa panahon ng ECQ, maaring mag-renew hanggang August 3 ng walang babayarang penalty, ayon sa paalala ng Land Transportation Office (LTO).

Image may contain: text that says 'ANNOUNCEMENT LTO has EXTENDED THE VALIDITY OF DRIVER'S LICENSES that expired during the enhanced community quarantine (ECQ) to TWO MONTHS or 60 DAYS upon the lifting of the restrictions @DOTrPH @DOTrPH www.dotr.gov.ph'

Pinapayuhan lamang ang publiko na gawing online ang transaksyon nang hindi na magtungo pang personal sa mga opisina at makaiwas sa pagkahawa sa COVID-19. MNP (sa ulat ni Rey Pelayo)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.