Pag-aangkat ng ilang poultry product mula China, ipinagbabawal pa rin

admin   •   January 21, 2014   •   7868

FILE PHOTO: Mga bagong labas na bibe sa isang hatchery sa Wuzhen, Tongxiang, Zhejiang, China noong April 18, 2013. Ang peking duck ay isa sa mga pangunahing inaangkat na poultry product mula sa China na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng import ban. (REUTERS)

FILE PHOTO: Mga bagong labas na bibe sa isang hatchery sa Wuzhen, Tongxiang, Zhejiang, China noong April 18, 2013. Ang peking duck ay isa sa mga pangunahing inaangkat na poultry product mula sa China na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa rin ng import ban dahil sa ulat ng pagkakaroon pa rin ng avian flu doon. (REUTERS)

MANILA, Philippines – Ipinagbabawal pa rin ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng ilang poultry product mula sa China.

Ito’y kasunod ng ulat ng Ministry of Agriculture ng China ng outbreak ng highly pathogenic avian influenza A (H5N1) virus sa ilang village doon.

Kasama sa import ban ang itlog, peking duck, poultry meat, day old chick at semen.

Mula pa noong 2003 ay hindi na umaangkat ang Pilipinas sa China ng mga nasabing produkto dahil sa H7N9 avian flu.

Tiniyak naman ng Bureau of Animal Industry (BAI) na mahigpit ang kanilang pagbabantay maging sa mga bagahe ng mga nanggagaling sa Hong Kong at China.

“Pati yung mga pasaherong galing sa China o Hong Kong bawal na bawal na magdala ng poultry products specially may I remind people coming from Hong Kong na not to buy peking duck na dadalin nila sa Pilipinas. Kukumpiskahin namin yan pagdating niyo sa airport,” babala ni BAI Assistant Director June Amurao.

Sa ngayon ay umaangkat ng karne ng baka at ibang poultry product ang Pilipinas mula sa Canada, Amerika, Brazil, Netherland, Australia at ilang bansa sa Europa.

“All of these countries were accredited by the BAI or DA na magdala ng frozen meats dito sa Pilipinas,” dagdag pa ni Amurao.

Wala namang naitatalang disease outbreak ang BAI sa mga poultry sa bansa sa kabila ng malamig ang panahon. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

DA takes on challenge to achieve 2% growth in agriculture

Aileen Cerrudo   •   August 6, 2020

The Department of Agriculture (DA) is taking on the challenge to exert all efforts to enable the country’s agriculture sector to grow by at least 2 percent (2%) per year.

This is based on the challenge posed by Finance Secretary Carlos G. Dominguez for the DA to fulfill a 2% annual growth target for the agriculture sector to keep it ahead of the country’s population expansion rate.

“We accept his challenge. He [Dominguez] has been instrumental in paving the way for the Department to shine, especially as the Philippines faces one of its biggest threats, the COVID-19 pandemic,” according to DA Secretary William D. Dar.

According to the Agriculture Department, crops, such as palay and corn, fisheries and poultry production are expected to bring in the positive numbers to achieve the 2% annual growth target.

The country is already facing a recession as economy drops to 16.5%. AAC

DA-BAI assures no broilers affected by bird flu in Pampanga

Marje Pelayo   •   July 30, 2020

MANILA, Philippines — The Department of Agriculture (DA) through the Bureau of Animal Industry (BAI) reported a confirmed case of bird flu or a highly-pathogenic avian influenza (HPAI) strain, specifically A(H5N6), at a poultry layer or egg-producing farm in San Luis, Pampanga.

Upon confirming the report, the department immediately sent a composite team of veterinarians and animal health officers to the area to apply emergency control measures to contain the spread of the bird disease. 

The team also conducted disease surveillance around the infected farm.

“The team humanely culled a total of 38,701 head of layers and disposed off of them properly, employing the protocols under the Avian Influenza Protection Program of the Philippine Government,” DA-BAI Director Ronnie Domingo reported.

All personnel involved in the disease control measures were strictly monitored by the health office of San Luis, said Domingo.

Domingo has assured that there were no reports or detection of A(H5N6) among broilers, the primary source of poultry meat, in the area.

Kaso ng ASF sa bansa, bumaba mula nang ipatupad ang community quarantine — BAI

Robie de Guzman   •   July 3, 2020

MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Animal Industry (BAI) ngayong Biyernes, Hulyo 3 na malaki ang ibinaba sa kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa matapos ipatupad ang community quarantine bunsod ng novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa isang panayam sa UNTV program na Get It Straight with Daniel Razon, sinabi ni BAI Officer-in-Charge Dr. Ronnie Domingo na umaabot na lamang sa 20 kaso ng ASF kada isang milyong baboy ang naitatala ng ahensiya.

Mas mababa ito kumpara sa 63 cases na napaulat bago ipatupad ang community quarantine sa maraming lugar sa bansa.

Ayon kay Domingo, nakatulong ang paghihigpit sa pagbiyahe ng mga produktong baboy para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mabantayan ang mga babuyan at agad maaksyunan ang mga kaso ng ASF infection.

“Doon sa mga katabing baryo kung saan mayroong tinamaan, karaniwan po ‘pag may na-report po sa atin na bagong naapektuhan ng mga baboy, sa katabing bayan po ‘yon o kaya sa katabing barangay at ‘yan po y’ong ating binabantayan ngayon. Nag-organisa po tayo para mahigpitan po natin y’ong mga paggalaw ng mga baboy sa isang lugar,” ani Domingo.

Patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan maging sa pribadong sektor upang mapigilan ang pagkalat pa ng ASF lalo’t maaaring mabuhay ang virus kahit sa frozen meat sa loob ng tatlong taon, batay sa mga pag-aaral.

Pinaiigting rin aniya ng BAI, katuwang ang Bureau of Customs at Department of Agriculture, ang kampanya laban sa smuggling ng karne na maaaring maging daan upang makapasok sa bansa ang ASF at iba pang mga sakit sa hayop.

“’Pag dumating ho y’ong mga meat products na yan sa pier, nagkakaroon lang ho ng initial examination kasi wala ho tayong cold storage facility sa mga pier,” ani Domingo.

“Bubuksan ho ‘yan, iche-check namin together with the Department of Agriculture officials, tapos ipa-podlock ho natin ‘yan. Babantayan natin kasama ng mga taga-DA at NMIS papunta po doon sa cold storage nila at pagdating po doon, iinspect natin 100 percent habang binababa po ‘yan,” dagdag pa niya.

Ang masasabat na mga pagkaing kontaminado ng ASF ay agad aniyang dinadala sa isang pasilidad kung saan maaari itong sunugin gamit ang kemikal upang mapuksa ang virus.

Bukod sa ASF, sinabi rin ni Domingo na binabantayan nila sa ngayon ang G4 strain ng swine disease na kamakaila’y napaulat na nadiskubre sa ilang baboy sa China.

Payo naman ni Domingo sa publiko na mas mainam pa ring suriin at lutuing mabuti ang mga binibiling karne ng baboy at iba pang meat products upang masigurong ligtas itong kainin. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.