Currency
May 25, 2017, Thu, 12:53 PM
Emergency Hotlines: LANDLINE (+63) 2 911 – 8688

P316-M Textile Products at Pekeng Food Seasoning, Nasabat sa Maynila

by UNTV News   |   Posted on Wednesday, January 30th, 2013

Ang nakumpiskang mga textile products ng Bureau of Customs kamakailan. (UNTV News)

Ang nakumpiskang mga textile products ng Bureau of Customs kamakailan. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang 40-foot container van na naglalaman ng mga smuggled na tela at food seasoning.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, galing sa China at Thailand ang naturang container van at sinubukang ipuslit sa Manila International Container Port.

Aabot sa mahigit tatlong daang milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Consignee ng mga ito ang kumpanyang Trio A-V Trading mula sa Thailand habang ang pekeng seasoning ay mula sa China.

Inihahanda na ng BOC ang paghahain ng kaukulang kaso laban sa mga consignee. (Francis Rivera & Ruth Navales, UNTV News)

Tags:

One Response

  1. Sana Po sa mnga Politiks na walang ibang NASA isipan kundi ang corruptions.sana Po ay maramdaman ninyo na ang mnga Lindol.na eto ay ISA na sa mnga Parusa ng Dios sa mnga masasamang tao..at sana nmn ay mapagaralan DIN Po nila na kahit isang billiong billiong Peso pa ang eccorupted nila ay ni peso ay wala silang madadalang ano man sa kanilang Libingan..ni ang damit na suot nila ay di rin nila madadala,,,mngagtakot Kayo sa Dios na may Ari ng Buong Sanglibotan..tayo ay Bisita lang sa Mundo na eto na kailangang umalis DIN Ulit sa Mundong eto…maigsing na ang mnga Taong Grabe ang Swapang sa Pera…matakot Kayo sa Dios.

Leave a Reply

Time limit is exhausted. Please reload CAPTCHA.