P1.5 Milyong halaga ng Ecstasy, Nasabat ng PNP-AIDSOTF

admin   •   February 5, 2013   •   3400

Ang nasabat ba ecstasy pills sa buy-bust operation na ikinasa ng PNP-AIDSOTF o  Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force. (UNTV News)

Ang nasabat ba ecstasy pills sa buy-bust operation na ikinasa ng PNP-AIDSOTF o Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Arestado sa buy-bust operation ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) ang isang babae dahil sa pagbebenta umano ng ecstasy.

Nahuli ng mga otoridad ang babae matapos itong makipag-transaksyon sa pulis na nagpanggap na buyer ng iligal na droga.

Nakuha sa suspek ang may dalawandaang piraso ng capsule form ng ecstacy at mahigit tatlongdaang piraso naman ng tablet form nito.

Todo tanggi naman ang babae sa alegasyon at sinabing napag-utusan lamang siyang dalhin ang iligal na droga ng lalaking nagngangalang Alvin.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section Five ng Republic Act 9165 o ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. (Victor Cosare & Ruth Navales, UNTV News)

PDEA raids Malabon shabu lab

UNTV News   •   April 14, 2018

Two of the suspected operators of the shabu laboratory in Malabon

MANILA, Philippines — After seven months of surveillance, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operatives raided a shabu laboratory at Barangay Tinajeros, Malabon on Friday morning.

Seized during the raid were chemicals and equipment used for the manufacture of illegal drugs.

Also, found in the lab were raw chemicals for the production of party drugs and several sachets of oatmeal which are being used as packages of shabu and ecstasy.

“This is the first time na nakakita ng ecstasy drug lab. Ngayon, hindi namin alam to be honest kung meron bang distinct odor. Di namin alam kung may usok o may inilalabas na anything,” the PDEA director said.

(This is the first time that we have seen an ecstasy drug lab. We don’t know, to be honest, if it has a distinct odor. We don’t know if this produces smoke or emits anything.)

Arrested in the raid were Chinese national Jiang Minshan and a Filipina Laura Santiago alias Larry Santos, who are connected with drug syndicates operating a shabu lab in Batangas that was busted by the agency on Thursday.

They are also connected with the Golden Triangle syndicate that works in many parts of the world.

Since China has stricter laws, drug syndicates have turned to the Philippines to set up laboratories, noting the absence of death penalty in the country.

When the agency conducted the raid, the workers were about to begin the process of manufacturing illegal drugs.

“Talagang nakakatakot dahil they are now trying to produce ecstasy. Tinatanong ko kanina si Ms. Shen, hindi na raw nagpoproduce sa kanila ng ecstasy. Sa atin kabaligtaran, ngayon pa lang, so mag-boom ngayon, kung hindi natin nahuli mag bo-boom ngayon,” said Aquino.

(It’s really alarming because they are now trying to produce ecstasy. I asked Ms. Shen earlier, she said they are not producing ecstasy anymore. It’s the opposite for us, it’s just starting to boom. Had we not stopped it, it would have boomed already.)

According to PDEA, chemicals for drug manufacturing are smuggled into the country through the Bureau of Customs (BOC).

Furthermore, the PDEA explained that the raid is a result of the country’s partnership with China. — Mon Jocson | UNTV News & Rescue

Illegal drug activities sa mga kulungan sa bansa, mariing kinokondena ng PNP-AIDSOTF

admin   •   April 21, 2015

Ang nakumpiskang baril at pinagbabawal na gamot mula sa convicted drug lord sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Nadismaya ang PNP-Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) sa patuloy na bentahan ng drugs sa ilang kulungan sa bansa.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Legal and Investigation Division Chief P/CINSP. Roque Merdegia, nakakababa ng moral na mismong ang mga jail guard ang tumutulong sa illegal drug transactions ng ilang mga detainees.

Ani Merdiga, “Nakaka-low moral dahil nahuli na ng pulis, pinaghirapan na ng pulis hulihin… Despite the life imprisonment sentence na ibinigay ng korte ay walang silbi pala dahil dire-diretso pala at walang tigil ang illegal drug trade sa loob at labas ng kulungan.”

Tulad na lamang aniya sa nangyari sa Sablayan Occidental Mindoro Penal Colony kung saan nahuli ng NBI si Ruben Tiu habang nagbebenta ng illegal drugs sa isang under cover agent.

Salaysay pa ng PNP-AIDSOTF Legal and Investigation Division chief, “Nakakagulat na yung guard mismo na suppossedly ay magbabantay sa kanya ay kasama sa illegal drug trade.”

Sinabi pa ni Merdegia na bunsod ng tuksong dulot ng illegal drugs dapat na isalang sa masusing evaluation ang ugali ng mga opisyal at jail guard.

Iminungkahi pa ng opisyal na dapat na ikulong sa iisang kulungan ang mga drug lord, alisan ng access sa telepono at regular na palitan ang mga nagbabantay upang maiwasan ang familiarization sa mga big time detainee.

Tiniyak naman ng DOJ na iimbestigahan nila ang insidente sa Sablayan Penal Colony upang matukoy kung sinu-sino ang dapat managot.

Bukod sa illegal drug transactions sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa at sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro, sinabi rin ng AIDSOTF na may namo-monitor din silang bentahan ng droga sa Davao at Zamboanga penal colony na maituturing na suntok sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs. (LEA YLAGAN / UNTV News)

PNP: Malaking sindikato, nasa likod ng nakumpiskang 40-kilo ng shabu sa NAIA

admin   •   January 7, 2015

Si PNP-AIDSOTF Spokesperson at Legal & Investigation Chief P/CInsp. Roque Merdegia habang ipinapakita sa media ang litrato ng nasabat na pinagbabawal na gamot na nakasingit sa loob ng isang water pump. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala ang Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) na malaking sindikato ang nasa likod ng nahuling 40-kilo ng shabu nitong Lunes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang 40-kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P200-milyon ay sakay ng Cathay Pacific flight CX903, mula Taiwan noon pang December 29, 2014.

Nakumpiska ito ng PNP-AIDSOTF at PDEA sa Pair-Pags Cargo Center matapos na i-claim ng consignee na si Danilo Pineda upang umano’y i-deliver sa isang nagngangalang “Boyet” ng Parañaque.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Spokesperson at Legal & Investigation Chief P/CInsp. Roque Merdegia, base sa kanilang imbestigasyon ay pang limang beses nang nag-import ng water pump ang suspek na si Danilo Pineda.

“Nagtataka ka kung bakit nag-iimport ng water pump na paapat-apat lang, palima-lima lang dahil kung talagang ang merkado mo ay madami dapat by bulk o container van, ito apat na piraso lang at nakalagay sa karton na di naman design para don,” anang opisyal.

Sinabi pa ni Merdegia na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs para sa mas mahigpit na monitoring at inspeksyon sa mga cargo na madalas na nagagamit ng mga sindikato sa operasyon ng shabu.

Tulad na lamang ng paggamit ng walis, cake, prutas, granite, bolt, stuff toys, tea bag at maging sa lotion at shampoo bottle sa ilegal na operasyon ng droga ng mga sindikato.

“Sa Customs talaga nakikipagugnayan kami para higpitan yung kanilang protocol kasi sa mga cargo medyo hindi mahigpit yung mga padala at balikbayan boxes, mukhang di istrikto sana yun ang tutukan,” saad pa ng opisyal.

Iginiit pa ng AIDSOTF na posibleng dadagsa na naman ang importasyon ng shabu dahil mas mura ito kumpara sa pagma-manufacture nito sa bansa. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+63) 396-8688 (Tel)

(+63) 2 920.8336 (Fax)

info@untvweb.com (General inquiries)

support@untvweb.com

UNTV News and Rescue Emergency Hotlines:

LANDLINE (+63) 396-8688

ADVERTISE WITH US

(+63) 2 442.6244 Loc. 143, 144, 162, 164

advertising@untvweb.com

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.