Outdoor exercises kahit MECQ, babantayan pa rin ng pulisya — Eleazar

Robie de Guzman   •   August 23, 2021   •   147

MANILA, Philippines — Mahigpit pa ring babantayan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng limitasyon sa outdoor exercise kahit nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng MECQ mula Agosto 21 hanggang 31. Sa ilalim ng protocol, limitado lang ang outdoor exercises mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

Ayon kay PNP chief, Police General Guillermo Eleazar, inatasan na niya ang Metro Manila Police na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan kaugnay ng pagpapatupad ng nasabing patakaran.

“Upang maayos na mailatag ang nga alituntunin sa outdoor exercise upang maiwasan ang kalituhan at hindi pagkakaunawaan tungkol dito partikular sa espisipikong lugar at mga oras na papayagan sila,” ani PNP chief.

Sinabi rin ni Eleazar na mas mahigpit ang pagpapatupad ng MECQ ngayon kumpara noong nakaraang taon.

“Kung dati po ay merong al fresco dining o yung outdoor dining services, ngayong MECQ ay hindi po allowed yun. At kung dati ay merong religious activity na ang venue capacity ay hanggang 10% o pwedeng ma-extend depende sa LGU ngayon po ay wala, online services ang ating religious gathering,” ang pahayag ng PNP chief.

Tuloy din aniya ang mahigpit na screening sa checkpoint lalo na’t nadagdagan ang workforce ngayong MECQ.

“Ngayon ay nadagdagan ng mga permitted industries na nag-ooperate, ibig sabihin no’n, nadagdagan ang mga worker APOR na papasok sa kanilang mga trabaho,” ani Eleazar.

“Subalit sa mga consumer apor na bibili at mag aavail nito pareho pa rin po, isa lang for every household na magdadala ng quarantine pass, lalabas lang sila during non curfew hours at doon lamang sila sa loob ng kanilang mga cities sa loob ng Metro manila, tiny bubbles pa rin po ang konsepto natin dito,” dagdag pa niya.

Nagbabala naman si Eleazar na matitiketan ang mga pasaway na driver ng bus at jeepney na mahuhuling lumalabag sa itinakdang dami ng isasakay na pasahero. Gayundin ang mga driver na may mga pasaherong hindi maayos na nakasuot ng facemask at face shield. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Lea Ylagan)

Public urged to be more responsible when visiting leisure areas amid pandemic

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine National Police (PNP) on Thursday reiterated its call on the public to be more responsible when visiting public and leisure areas amid the enforcement of COVID-19 Alert Level 3 in Metro Manila.

PNP chief Police General Guillermo Eleazar made the appeal following reports of individuals ignoring public health protocols while visiting the Manila Bay Dolomite Beach.

“Paulit-ulit ang ating paalala sa publiko na mahigpit na sumunod sa minimum health standards lalo na kung nasa pampublikong lugar o pasyalan gaya ng Dolomite Beach,” Eleazar said in a statement.

“Nauunawaan ko ang kagustuhan ng ating mga kababayan na makalabas ng kanilang mga tahanan, subalit kung hindi tayo mag-iingat ay hindi malabong tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 at mapilitan na naman ang gobyerno na maghigpit sa mga protocols,” he added.

The PNP chief said he has tasked concerned police offices and units to deply enough personnel to public areas to help the marshals in implementing safety standards and controlling the crowd.

“Inatasan ko na ang ating unit commanders na siguraduhin na sapat ang bilang ng ating kapulisan sa mga pampublikong lugar upang matiyak ang pagsunod sa minimum public health safety na siya din namang ipinapakiusap sa ating ng Department of Health,” Eleazar said.

He, however, reminded police officers to observe maximum tolerance, especially to those who will be caught violating the protocols.

The national government downgraded Metro Manila’s alert status to Level 3 amid the decrease in COVID-19 infections. This will be in effect until the end of October.

Under Alert Level 3, several establishments are allowed to operate at 30% indoor venue capacity only for fully vaccinated individuals, and 50% outdoor venue capacity, provided that all employees are fully vaccinated against COVID-19.

Delta Plus sub-variant na nasa 27 bansa, 10% umanong mas nakakahawa kaysa original variant ayon sa ilang eksperto

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

 

MANILA, Philippines – Mahigpit ngayong binabantayan ng health experts ang bagong klase ng Delta variant na AY.4.2 o ang tinatawag na Delta Plus.

Naitala ang variant na ito sa 27 bansa, kabilang na ang United States, Canada, Australia, Japan, United Kingdom, Romania, Poland, Ireland, Denmark, at ilang bahagi ng Western Europe.

Hindi pa kasama sa ngayon ang Delta Plus sub-variant sa listahan ng variant of concern o variant of interest ng World Health Organization (WHO).

Pero babala ng mga eksperto, malaki ang posibilidad na mas nakakahawa ito kaysa sa orihinal na Delta variant dahil mayroon itong dalawang mutations sa spike genome.

Ibig sabihin, branch na ng Delta variant ang Delta Plus sub-variant at dalawang beses pa itong nag-mutate.

Sinasabing ang Delta Plus sub-variant ang isa sa mga dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa United Kingdom.

Sa ulat ng United Kingdom Health Security Agency, nakita ang lumalawak na kaso ng Delta Plus sub-variant sa England.

Sinasabi rin ng mga eksperto roon na 10 porsiyento itong mas nakakahawa kumpara sa parent variant nito na Delta variant (B.1.617.2).

Upang mapigilan ang posibleng pagpasok ng naturang sub-variant sa Pilipinas, sinabi ng mga otoridad na kailangan pang paigtingin ang border control.

Kailangan rin anilang matiyak na tuluyan nang mapuputol ang hawaan ng Delta variant sa bansa dahil lalong nagmu-mutate ang virus kapag patuloy na dumadami ang nahahawa nito.

Mga bata, bawal pa ring gumala maliban kung outdoor exercise – Malakanyang

Robie de Guzman   •   October 21, 2021

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Malakanyang sa publiko na bawal pa ring gumala ang mga menor de edad sa gitna ng pagluluwag ng COVID-19 alert level sa Metro Manila.

Nasa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng Oktubre ngunit giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bawal pa ring lumabas ng bahay para mamasyal ang mga menor de edad dahil hindi pa sila bakunado laban sa COVID-19.

Aniya, maaari lamang lumabas ang mga bata kung ito ay para sa pangunahing pangangailangan at outdoor exercise.

“Para sa menor edad, bawal pa rin po ang gala ng mga kabataan except po for outdoor exercises, individual outdoor exercises,” ani Roque.

Sa ilalim ng Alert Level 3, mas maraming establisimiyento ang pinapayagang mag-operate sa limitadong kapasidad.

Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos, napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na payagan ang pagbiyahe ng mga bata pero dapat ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, alinsunod sa panuntunan ng lokal na pamahalaan.

Dapat rin ay may kinalaman sa basic necessities ang lakad at dapat ay nakasunod sa public health protocols.

“Ang pagbiyahe sa interzonal sa kalakhang Maynila ay pinapayagan at pwedeng lagyan ng rasonableng restrictions ng mga local government unit,” ani Abalos.

“Ang kondisyon po na napagkasunduan ng mga alkalde, ay ang mga menor de edad ay pwedeng bumiyahe provided kasama sila ng kanilang mga magulang or ng isang adult na guardian, maski hindi po bakunado,” dagdag pa niya.

Maaari ding pumunta sa mga mall ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang o guardian kung magpapa-check up o kaya ay mag-a-avail ng mga pangunahing serbisyo o pangangailangan.

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.