Opisyal ng NBI, tumestigo laban kay Revilla sa pagdinig ng Sandiganbayan

admin   •   August 29, 2014   •   3019

Binubuksan ni Joey Ignacio Narciso ng NBI ang lalagyan ng hard drive ni PDAF whistleblower Benhur Luy (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tumestigo laban kay Senador Ramon Bong Revilla Jr. si Joey Ignacio Narciso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sandiganbayan 1st Division sa mosyon ng senador na makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.

Si Narciso ang nagsagawa ng forensic examination sa hard drive ni Benhur Luy noong Enero at Hulyo nitong taon.

Ipinaliwanag ni Narciso ang proseso ng pagkuha at pagkopya ng Cybercrime Division ng NBI sa mga dokumento ni Luy.

Hindi umano na-tamper o nabago ng kanilang ahensya ang mga dokumento ni Luy sa proseso ng kanilang analysis, at hango sa original na dokumento ang ipiprisinta ng prosekusyon bilang ebidensya sa korte.

Samantala, natapos na rin i-cross examine ng abogado ni Sen. Revilla na si Atty. Joel Bodegon ang whistleblower na si Benhur Luy.

Inamin nito na maging ang mga pirma ng mga senador na nakatransaksyon ni Janet Lim Napoles ay pinepeke nila at ng kanyang mga kasamahan sa JLN Corporation.

Hindi rin umano nakita ni Luy na direktang nag-abot si Sen. Revilla ng endorsement letter kay Napoles, at kung ang senador mismo ang tumanggap ng komisyon mula sa kanyang boss.

“We elicited the answers that we expected Benhur Luy to give, from the questions that we’ve asked,” ani Bodegon.

Sinabi naman ni Luy na bagama’t naging mahaba ang cross-examination sa kanya ng depensa, tiwala siya na malakas ang kanyang naging testimonya.

“Kapag nagsasabi ka ng totoo, hindi ka natetense, so tuloy-tuloy iyon. Hindi naman, hindi naman nahirapan,” saad ng whistleblower.

Binusisi rin ni Bodegon ang ilang disbursement report na ginawa ni Luy na naging basehan ng imbestigasyon ng NBI sa kaso.

Nang tanungin si Luy kung pareho ang mga dokumento at ebidensya na galing sa NBI at ang lumabas sa isang pahayagan, itinanggi ni Luy ang di umano’y pagbabahagi niya ng dokumento sa nasabing pahagayan.

Hindi rin umano niya binigyan ng authorization ang kanyang dating abogado na si Levito Baligod na magbigay ng kopya ng hawak niyang mga dokumento.

Samantala, hindi na naungkat pa ang mga bank record ni Luy na ipinapasub-poena ng depensa dahil sumangayon ang Sandiganbayan na labag sa Bank Secrecy Law ang paglalantad ng mga nasabing account.

Dismayado naman ang abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David sa naging desisyon ng anti-graft court.

Aniya, “Yung hindi natin makikita ang mga bank accounts niya, kawalan ng bayan iyon kung magkano iyong nawala eh baka naman hindi lang 4 million iyon.”

Sa susunod na linggo ay ipagpapatuloy ng Sandiganbayan 1st Division ang pagdinig sa mosyon ni Revilla na makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.

Muli ring sasalang sa witness stand ng prosekusyon si Jose Ignacio Narciso para bigyang linaw ang naging imbestigasyon ng NBI sa kaso ni Revilla. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)

NBI says drug lord Kerwin Espinosa, 2 others tried to escape from detention

Robie de Guzman   •   January 17, 2022

 

The National Bureau of Investigation (NBI) on Monday said it has foiled the escape attempt of three detainees led by drug lord Rolan “Kerwin” Espinosa from its facility.

In a statement, NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor said agents were able to thwart the detainees’ attempt after it conducted an inspection in the detention facility.

Distor said the NBI’s Security Management Section (SMS) conducted the inspection after receiving information about the escape plan.

He said that on January 13, 2022, the chief of the NBI-SMS and his executive officer received a report that Espinosa and two other detainees were planning to escape through the hole of an exhaust fan on the ceiling.

“On the same night, they immediately conducted an inspection of the jail,” the NBI said.

“In one of the cells of the jail, the raiding team of agents observed a deformed exhaust fan, which when removed, exposed a hole fit for a detainee to escape,” it added.

Distor said that in view of this incident, security measures at the jail have since been tightened.

Regular inspection of all jail facilities is also being implemented, he added.

 

NTC, makikipag-ugnayan sa PNP at NBI para matunton ang nasa likod ng text scams

Robie de Guzman   •   November 23, 2021

MANILA, Philippines – Makikipag-ugnayan ang National Telecommunications (NTC) sa pulisya at sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang mga nasa likod ng text scams.

Ito ay kasunod na rin ng mga reklamo ng ilang mobile subscribers ukol sa natatanggap nilang mga text messages mula sa mga ‘di kilalang phone numbers na nag-aalok ng trabaho, o kaya ay pautang.

Ayon sa NTC, maraming paraan para makuha ang phone number ng isang indibiduwal na pinapadalhan ng spam texts.

Kabilang na dito ang listahan ng mga number na nagpapaload sa mga tindahan at sa contact tracing system ng mga establisimyento.

Pero giit ni NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, ipinagbabawal ang pagbibigay ng impormasyong ito sa ibang tao at paggamit rito para sa text scams.

“We can coordinate perhaps with NBI at police para surveillance, ano, ma-determine sino yung mga yan—grupo ba sila or individual, et cetera, et cetera,” ani Cabarios.

Payo ng NTC sa publiko, huwag magbigay ng personal na impormasyon kung makakatanggap ng mga ganitong mensahe.

Maaari namang i-block ng NTC ang phone number ng mga gumagawa ng ganitong aktibidad kung hihilingin ng mga magrereklamo.

Kung makakatanggap ng text scams, maaari itong ireport sa NTC Central Office Consumer Welfare and Protection Division sa mga numerong (+63) (02) 8920-4464; (+63) (02) 8926-7722; at (+63) (02) 8921-3251.

Maaari ding magpadala ng mensahe sa e-mail address ng NTC na consumer@ntc.gov.ph. (Mula sa ulat ni Correspondent Asher Cadapan Jr.)

PNP, NBI to jointly probe, prosecute law enforcers’ violations in drug war ops

Robie de Guzman   •   November 4, 2021

MANILA, Philippines – The Philippine National Police (PNP) and the National Bureau of Investigation (NBI) have signed an agreement for cooperation in formal investigation of all police operations relating to the government’s campaign against illegal drugs.

The PNP said the memorandum of agreement (MOA) with the NBI was signed on Wednesday. PNP chief Police General Guillermo Eleazar and NBI officer-in-charge Eric Distor signed the agreement before the Department of Justice.

The four-page MOA serves as an authority for the two agencies “to build cases against PNP personnel who would be found violating the criminal laws in the conduct of operations against illegal drug personalities across the country.”

“The PNP and the NBI shall jointly evaluate the government’s anti-illegal drug operations, and, where necessary, determine possible criminal liability on the part of the police officers involved in these operations,” the MOA read.

“As state agencies, both parties seek to ascertain the truth regarding the allegations of human rights violations and possible criminal liability in the conduct of government’s anti-illegal drug operations,” it added.

The agreement emphasizes the commitment of the PNP and the NBI in supporting each other in terms of the following:

  • Sharing all documents, records and pieces of evidence relating to the police anti-drug operations;
  • Undertaking investigation, case build-up and the possible filing of criminal complaints against any police officer who would be found violating the laws.
  • Prepare a full and detailed report of all relevant findings and recommendations for submission to each counterpart head of agency
  • Designation of points of contact and representatives for ease of coordination

Under the Agreement, the PNP is expected to designate representatives from the Internal Affairs Service (IAS) and the Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) and the NBI to name representatives from its Office of the Assistant Director for Regional Operations Service, Office of the Assistant Director for Investigation Service, Office of the Assistant Director for Intelligence Service, and the Office of the Assistant Director for Forensic Service.

The designation of the representatives must be done within 15 days after the signing of the MOA, the PNP said.

Representatives from both the PNP and the NBI will form the PNP-NBI Joint Investigation Team. Their meeting is set at least once a month.

“The signing of this Agreement is proof of the PNP’s commitment to transparency and accountability and in order to finally settle the allegations of human rights abuses that have been hounding the government’s aggressive campaign against illegal drugs since July 2016,” Eleazar said in a statement.

“Through this Agreement, we will be able to ferret out the truth and correct the wrong impression that all our operations relating to illegal drugs campaign are tainted with human rights abuse. Napakalaki ng sakripisyo ng ating kapulisan sa kampanyang ito at marami din kaming kasamahan na nagbuwis ng buhay at nasugatan sa aming mga operasyon,” he added.

For his part, Distor assured impartiality in the conduct of the investigation.

“The NBI shares the goal of the PNP to put an end to the illegal drugs problem in the country. We have been coordinating and working together to address this problem through joint operations and information sharing,” he said.

“We assure impartiality in the conduct of investigation and we are confident that this would finally address the concerns on the manner by which the government’s illegal drug operations have been undertaken and to correct what needs to be corrected in the interest of truth and justice,” he added.

At least 52 cases involving 154 police officers will be prioritized by the PNP-NBI Joint Investigation Team. Those cases were already reviewed by the DOJ and were recommended for further investigation and case build-up.

The criminal cases that may be recommended by the Joint Investigation Team are separate from the administrative cases that would be pursued by the IAS, the PNP said.

TAGS   , , , ,

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.