Odd-Even Scheme sa mga provincial bus, ipinatupad na ng MMDA

admin   •   October 28, 2014   •   2860

Isang provincial bus na dumaan sa Shaw Boulevard tunnel (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nitong umaga ng Martes, sinimulan na ng MMDA ang Odd-Even scheme para sa mga provincial bus.

Lahat ng provincial buses na may plate number na nagtatapos sa 1,3,5,7 at 9 ay papayagang makadaan sa tunnel mula Lunes hanggang Miyerkules.

Ang mga provincial bus naman na may plate number na nagtatapos sa 2,4,6,8 at 0 ay mula Huwebes hanggang Sabado

Hindi naman pahihitulutan ang mga city at provincial bus na dumaan sa tunnel sa araw ng Linggo.

Tatlo sa apat na tunnel sa EDSA tulad ng Aurora, P. Tuazon at Shaw ay papayagan ang mga provincial bus, ngunit hindi puwede sa Ayala.

Ayon sa MMDA, mayroong 13,000 provincial at city buses ang dumadaan sa EDSA araw-araw.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, layon nito na mapaluwag ang daloy ng trapiko ngayong holiday season , kabilang na ang Undas at Sembreak

Dati ay hindi pinapayagan ang mga bus sa mga underpass dahil mahihirapan ang mga rescuer na maka-responde sakaling magkaroon ng aksidente.

Salaysay ni MMDA Chairman Francis Tolentino, “Dati lahat nasa service road sa yellow lane eh. So, sa halip na tumigil sila sa service lane, sa yellow lane na naaantala rin ang mga commuters at city buses. Eh luluwag yung… nakita natin na lumuwag itong yellow service lane although may pagsisikip sa ilalim.”

Pinakiusapan naman ng MMDA ang mga bus operator at motorista na siguruhing nasa kondisyon ang mga sasakyan bago bumiyahe upang hindi na makadagdag sa mabigat na trapiko kung masiraan.

Gayunpaman, sinabi ng MMDA na mahigpit pa ring ipatutupad ang yellow lane policy sa mga bus.

Papatawan ng limang daang pisong multa ang sinomang lalabag sa ordinansa. Epektibo naman ang naturang sistema hanggang sa January 4 sa susunod na taon.

Hindi naman magpapatupad ang MMDA ng number coding sa Biyernes-October 31, bagamat hindi ito deklaradong holiday ay ipinasya ng ahensiya na suspendihin muna ang number coding alang-alang sa mga uuwi ng probinsya.

Nagpaalala rin ang MMDA na may number coding pa rin sa Makati at Las Piñas.

Samantala, inaasahang madadagdagan pa ang mga bus na bibiyahe palabas ng Metro Manila kapag natapos na ng LTFRB ang pagbibigay ng mga special permits para ngayong Undas.

Ayon sa LTFRB, mayroong mahigit 900 bus ang nag-apply ng special permits. Makatutulong ito upang mas maraming masakyan na bus ang mga luluwas pauwi ng probinsya.

“May kakulangan ang mga bus na maghatid sa mga probinsya at later on pabalik ng Maynila,” pahayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez.

Epektibo naman ang mga special permit na inisyu ng LTFRB hanggang sa susunod na Linggo. (MON JOCSON / UNTV News)

Granular lockdowns effective in curbing COVID-19 transmission — MMDA

Marje Pelayo   •   September 22, 2021

MANILA, Philippines — The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sees the implementation of granular lockdowns as effective in addressing COVID-19 transmissions.

According to MMDA Chairman Benhur Abalos, since the implementation of granular lockdowns in the National Capital Region (NCR), the number of COVID-19 cases significantly dropped in the nation’s capital.

The official noted that the cooperation of barangay officials contributed a lot as they know more about how to implement the measure in smaller areas to contain COVID-19.

With the implementation of granular lockdowns, the healthy population can still move without risking the larger population.

Based on the data from MMDA, the number of active cases dropped to around 36,000 on September 19 from more than 40,000 last September 15.

Also, the COVID-19 reproduction rate in NCR slowed down from 1.90 on September 15 to 1.03 on September 22.

“This granular lockdown [ay] tamang-tama ng structure ng Pilipinas. Kaya nga I would say na it’s one of the things kung bakit bumaba tayo aside from vaccination. It is this effective use of the granular lockdowns,” said Abalos.

Abalos said that local government units (LGUs) in Metro Manila are aiming at lowering the Alert Level in the region from  4 to 3 after the implementation of the pilot test of the alert system.

LIST: Flooded areas in Metro Manila due to STS Jolina

Marje Pelayo   •   September 8, 2021

MANILA, Philippines – The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) reminds the public, especially motorists of the flooded areas due to continuous rains brought about by severe tropical storm Jolina.

As of 5:00 AM Wednesday (September 8), the following areas are submerged with flood water:

NAVOTAS CITY
Tangos North cor. E Pascual – half gutter
Oliveros st Tangos north – gutter deep
San Roque Gov.Pascual brgy. hall – gutter deep
San Roque M.Naval church – half gutter
Daanghari M.Naval global oil – gutter deep
Daanghari M.Naval Caltex – gutter deep
Daanghari Gov.Pascual Bacog – gutter deep
Daanghari Kapalaran – half gutter
Navotas hospital – gutter deep
San Jose E. Tuazon cor. M.Naval – gutter deep
San Jose Gov.Pascual cor. Robles – gutter deep
Waling Waling cor Sampaguita – half gutter
Sampaguita cor. Doña Aurora – half gutter
Sampaguita cor.Azucena – half gutter
E Rodriguez cor. Masipag – gutter deep
H.Lopez Nicasio – gutter deep
Varadero – half gutter
infront of pnp hq – half gutter
Sipac M.Naval infront of Cityhall – gutter deep

MANILA CITY
Luneta Finance Rd.Nb- gutter deep

MANDALUYONG CITY
Brgy.Poblacion/Backside-gutter deep
Brgy.Poblacion/Lerma-knee deep
Brgy.New Zuniga/Boni F.Ortigas-gutter deep

MALABON CITY
F. Sevilla infront Market- 8to 9 inches
F. Sevilla back of City Hall- 3-4 inches
Rizal Ave. cor. Gen Luna.-4-5 inches
Cristia – 5 to 6 inches
Francis area- gutter deep

The above list is based on reports from local government units command centers and local disaster agencies.

Weekend road reblocking set on EDSA-Caloocan southbound — MMDA

Marje Pelayo   •   September 3, 2021

MANILA, Philippines — The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) reminds motorists taking EDSA of the scheduled road reblocking and repair on EDSA-Caloocan (Southbound) after Urbano Plata St. (4th lane from the sidewalk) this weekend.

The repair works, which start at 11:00 PM from September 3 until September 6, are expected to affect weekend traffic. With this, motorists are advised to take alternate routes.

The Department of Public Works and Highways (DPWH) will undertake the reblocking and repair works.

The affected road will be fully passable by 5:00 AM on Monday (September 6).

REACH US

The Philippine Broadcast Hub

UNTV, 915 Barangay Philam,

EDSA, Quezon City M.M. 1104

(+632) 8396-8688 (Tel)

info@untv-newsandrescue.com (General inquiries)

ABOUT UNTV

UNTV is a major TV broadcast network with 24-hour programming. An Ultra High Frequency station with strong brand content that appeal to everyone, UNTV is one of the most trusted and successful Philippine networks that guarantees wholesome and quality viewing experience.